Part 4

22.3K 643 5
                                    


"WHAT was that?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Catherine nang makapasok si Milo sa opisina nito. Si Catherine ay asawa ng kaibigan niyang si Pierro at ang restaurant na iyon ay pag-aari ng babae. Sa harap ni Catherine ay nakabukas ang isang monitor na naka-focus sa mesang kinaroroonan ni Bianca Cusap. Doon marahil nakita ni Catherine ang nangyari sa pagitan nila ni Bianca.

Bianca... Masarap bigkasin ang pangalan niya... "Hey, Cath, relax," aniya at sinulyapan ang monitor na nanatiling nakatutok sa mesa ng dalaga. "She is Bianca Cusap."

"Yeah, I know her."

"Kilala mo siya? Bakit hindi mo man lang ipinakilala sa akin? 'Langya, Catherine, ang tagal na nating magkaibigan. Bakit hindi ko alam na may kakilala ka palang anghel."

Natawa ito sa sinabi niya. "I don't know her personally. I mean, kung nakakapanood ka ng fashion channel ay makikita mong isa si Bianca sa mga Pilipinang hinahangaan sa European catwalk. Bianca Cusap is a supermodel."

"Really?" gulat na wika ni Milo. "So, that explains her exquisite posture." Kung isa ngang supermodel si Bianca, siguradong marami ang nakakakilala rito. Pero bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya?

Ah, masyado nga pala siyang busy sa mga kasong hinahawakan.

"Hoy, Attorney, ano'ng binabalak mo kay Bianca, ha?"

Nakakunot ang noo na binalingan ni Milo ang kaibigan. "Ouch! Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin, Catherine?"

Muli niyang sinulyapan sa monitor si Bianca. Maganda talaga ito. Hindi payat katulad ng pangkaraniwang modelo. She was, in fact, curvaceous. Kitang-kita niya iyon kahit na nakaupo lamang ang dalaga. Gustong-gusto rin niya kung paano bumagay sa mukha ni Bianca ang maikling gupit ng buhok nito. She carried it very well. Makipot ang may-kanipisang mga labi ng dalaga na maihahalintulad sa mga labi ng isang manyika. Matangos ang ilong bagaman may-kaliitan. She had fair skin, at kung hindi pa nga napigilan ni Milo ang sarili ay baka nahaplos pa niya. Napaisip nga siya kung may dugong Hapones ba si Bianca. Nakakatawag talaga ng pansin ang aura nito na tila nagliliwanag sa gitna ng kadiliman. Katulad na lang ng kung paanong natawag ang kanyang pansin pagpasok na pagpasok pa lang niya sa restaurant. It was just another ordinary day. He had just dropped in to say "hello" to Catherine. Pero pagpasok sa restaurant, naagaw agad ang pansin niya nang makita si Bianca. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang mga mata kay Bianca. Sanay siyang makakita ng magaganda, ngunit kakaiba ang dating sa kanya ng dalaga.

"I'm not that bad, okay?" ani Milo nang mapansing nakataas pa rin ang isang kilay ni Catherine.

Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. "Yeah, tell that to the marines, Attorney. Aba, Milo, magpasalamat ka at baby face ka. Hindi halata na—"

"Nah! I'm aware of my age, okay? Hindi mo na kailangang ipagdiinan pa," putol niya sa paglilitanya pa sana ni Catherine. Bakit, matanda na ba ang thirty-four? He was at his prime! Nagkataon lang na siya na lang ang wala pang pamilya sa grupo kaya siya ang napag-iinitan ngayon. Kumbaga, nasa kanya ang paningin ng lahat. "By the way, nakita ko si Pier kanina sa Dusit Hotel," kapagkuwan ay sabi niya at ngumisi nang nakaloloko. "May kasamang babae."

"Ngayon?" bale-wala nitong sabi.

Nabura ang nakalolokong ngiti ni Milo. Hindi niya nakita ang selos na inaasahang makita sa babae. "What? Aren't you even jealous?"

"Nakakalimutan mo yata na patay na patay sa akin ang kaibigan mo. Ikaw lang naman itong hindi matino sa grupo ninyo. Pawang matitino sina Mike, Miro, Randall, Art, at maging ang kapatid mong si Jared. Ikaw lang ang—"

"Enough!" hindi nakatiis na putol ni Milo sa sinasabi ni Catherine kahit alam niyang binibiro lamang siya nito. "Dahil sinabihan mo akong hindi ako matino ay pababayaran ko na sa 'yo ang legal services ko. Sisingilin ko kayo nang mahal!" pabirong dagdag niya bago nakangiting nagpaalam na.

"Milo..."

Lumingon siya kay Catherine.

"Isn't she beautiful?" nanunuksong wika nito bago inginuso sa kanya ang monitor.

He smiled. Nakita niya sa monitor ang pagdating ng dalawa pang babae at pag-upo ng mga ito sa mesa ni Bianca. Ikinatuwa niya ang kaalamang babae ang hinihintay ni Bianca at hindi lalaki.

"She is." Indeed she is! Pero parang may lungkot sa mga mata niya. Some pain, perhaps. Iyon ba ang dahilan kaya parang aloof sa kanya ang dalaga?

Top priority: kilalanin nang mabuti si Bianca Cusap, sabi niya sa isip.

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now