Part 19

18.5K 508 20
                                    


"I don't usually bother explaining myself to others. Bahala na silang paniwalaan ang gusto nilang paniwalaan tungkol sa akin. But not this time. I felt like I need to defend myself. Ito lang ang masasabi ko, my dear Bianca, huwag kang masyadong maniwala sa lahat ng nababasa at naririnig mo tungkol sa akin, okay?" Huminga nang malalim si Milo. "Oh, well, eventually you'll understand what I'm trying to say."

Hindi alam ni Bianca kung paano sasagutin ang binata. Parang ibang Milo kasi ang nagsalita pero agad namang nawala ang seryosong aura nito, pagkatapos ay nangingislap na uli sa kapilyuhan ang mga mata. Bigla tuloy siyang kinabahan sa maaari nitong sabihin.

"Bianca, honey, kailangan ko ng katabi sa kama dahil hindi ako nakakatulog kapag wala akong nahahawakan, nayayakap, at nadadantayan na—"

Nanlalaki ang mga matang itinakip niya ang kanyang kamay sa bibig ng binata. Naeeskandalo siya sa mga lumalabas sa bibig nito. "Tinamaan ka talaga ng magaling, ano? Puwede ba, Montecillo, act like the respectable lawyer the public believes you to be. Narito ka sa pamamahay ko kaya bawal ang mga ganyang pananalita rito," angil niya. "Ano, bakit hindi ka na makasagot?"

Itinuro ni Milo ang kamay niyang nakatakip pa rin sa bibig nito. Agad naman niya iyong binawi.

Hindi alam ni Bianca kung paano nangyari pero sa isang iglap ay nakasandal na siya sa pinto ng kanyang silid habang ang mga braso ni Milo ay nakatukod na sa magkabilang gilid niya. Para siyang ikinulong sa pagitan ng mga braso ng binata. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo kaya naririnig niya ang dumadagundong na pagkabog ng kanyang dibdib. At nakadagdag pa sa kanyang kaba ang kaalamang ilang pulgada na lang ang distansiya ng kanilang mga mukha. Nangingislap sa kapilyuhan at panunudyo ang mga mata ng binata.

Gustong manlaban ni Bianca at itulak palayo si Milo. Pero hindi nakikinig ang katawan niya sa utos ng kanyang isip. Nakatayo lang siya roon at pinagmamasdan kung gaano kaganda ang mga mata ni Milo, how nice his nose was, and how enchanting his lips were—so enchanting that she couldn't take her eyes off them.

Lalong nagwala ang kanyang dibdib nang unti-unting sakupin ng binata ang maliit na distansiya sa pagitan ng kanilang mga mukha.

I-is he... is he going to kiss me? Oh, God, ano ang gagawin ko? Anong article nga ba sa Saligang Batas ang tumatalakay sa sexual harassment?

Wala nang nagawa si Bianca kundi ipikit ang kanyang mga mata, at hintayin ang tuluyang paglapat ng mga labi ni Milo sa kanyang mga labi. Sa pagkamangha niya ay hindi dumampi ang mga labi ng binata sa kanyang mga labi. Sa halip ay naramdaman niya ang pagpaypay ng mainit na hininga nito sa kanyang pisngi. At kasabay niyon ang pagkalat na naman ng init sa kanyang katawan.

"I was referring to an extra pillow," halos pabulong na wika ni Milo malapit sa kanyang tainga. "Sanay akong may katabing unan sa pagtulog... but I would very much appreciate it if you would offer to be my pillow," dagdag pa nito bago sinamyo ang kanyang buhok. Mapanghibo ang tinig ng binata tulad ng pagtitig nito sa kanya.

"B-bastos!" nag-iinit ang mga pisnging angil ni Bianca. Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas para makaalpas mula sa pagkakakulong sa mga braso nito.

"Bastos? Ikaw ang nag-iisip ng kung ano-ano, Attorney Cusap," nakaloloko ang ngiting sagot ni Milo habang hindi pa rin nawawala ang kislap ng mga mata. Para iyong flashlight na may bagong baterya sa lakas ng liwanag.

"Ewan ko sa 'yo, Montecillo!" naiinis niyang sabi, sabay irap.

"You know what? Dati ay tumataginting na 'Montecillo' rin ang tawag ni Kristina sa kapatid ko. Jared once said that he found it cute and sexy. I didn't understand him then. But I'm beginning to understand now what he meant."

"A-at ano'ng ibig sabihin niyan?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Bianca. Nanggigigil na talaga siya sa lalaking ito. Kailangan na niyang hanapin at maibalik ang mahaba niyang pasensiya bago bumalik sa pagmomodelo dahil kapag bumalik siya sa Paris na mainitin pa rin ang ulo ay tiyak na mawawalan siya ng career.

"Ikaw, kung ano ba ang gusto mong ipakahulugan do'n, eh," tatawa-tawang sagot ni Milo.

"Mahabaging Diyos, ano po ba 'tong napasukan ko?" eksaheradong sabi niya habang naglalakad palayo. "Maraming unan diyan, bahala ka nang kumuha!" aniyang hindi lumilingon sa binata.

"Bianca..."

"Ano na naman?" Humarap uli siya kay Milo. Muntik na siyang mapanganga nang makita niya ang malungkot nitong mukha. Tila nawalan din ng buhay pati ang mga mata ng binata, animo namatayan ng mga alagang aso sa lungkot.

"Gusto kong malaman mo na..."

"Na?" Ano ba ang problema ng taong 'to?

"Gusto kong malaman mo na..."

"Na ano nga?" kinakabahan nang tanong ni Bianca. Napakalungkot kasi ng mukha ni Milo. "M-may pinagdadaanan ka bang mabigat na problema?"

Nag-angat ng mukha ang binata. "I just wanted you to know that... that I sleep like a baby—in my birthday suit. Kaya gusto kitang bigyan ng warning. Do not enter my room or else..." wika nito na agad nabahiran ng ngisi ang mga labi. Tinutudyo siya nito at mukhang aliw na aliw na naman.

Awtomatikong nahubad ni Bianca ang kanyang sapatos at ibinato iyon kay Milo. Iyon nga lang, mabilis ding nakailag ang binata at humahalakhak pang pumasok sa silid nito. Napailing na lang siya. Mukhang nagkamali talaga siya ng desisyon na alipinin ang lalaking ito. Sino ang mag-aakalang ganoon pala kakulit ang ugali ni Milo at—

At ano, Bianca? Na charming talaga si Milo? Prince Charming comes to life?

Tumigil ka! saway niya sa isip nang magsimula iyong bumuo ng mga imahen ni Milo na walang anumang saplot, tulad ng isang nabuhay na Greek god. 

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now