Part 3

21.2K 885 112
                                    


"Magugunaw na 'kamo ang mundo? Bakit? Dahil bumaba na sa lupa ang mga anghel na tulad ko?" pambabara niya sa binatang abogado kahit nais niyang mangiti sa sinabi nito. "Lumang style na ang ganyan. Kung magpapapansin ka sa akin, 'yong original pick-up lines naman ang gamitin mo."

Sa halip na mapahiya ay bumakas pa ang amusement sa mga mata ng binata, pagkatapos ay nagkamot sa ulo. He looked so cute when he did that.

"Mukha kang tae," banat na naman ni Milo.

Muntik nang maibuga ni Bianca ang sinisimsim na inumin dahil sa sinabi nito. Ano raw? Mukha siyang tae? As in sa dumi ng—Ah, whatever! Sa lahat naman ng puwedeng pagkomparahan sa kanya, sa tae pa talaga? At nagmula sa bibig ng isang tulad nitong abogado ang katagang iyon?

"Hindi kasi kita mapaglaruan," dagling dugtong ni Milo nang marahil ay makita ang pagkalukot ng mukha niya.

"Para kang bagyo!" ganti ni Bianca. "Ang hangin mo kasi!" May alam din naman siyang mga pick-up line, ano. Kahit ang pagrampa sa mga catwalk ng Paris ang naging buhay niya sa nakalipas na apat na taon ay hindi naman siya napag-iwanan ng mga bagong pangyayari sa Pilipinas. Kaya alam niyang uso sa Pilipinas ang mga pick-up line.

Malutong na halakhak ang isinagot ni Milo sa kanya na kalaunan ay namalayan na lang niyang sinasagot na niya ng ngiti. O, akala ko ba hindi ka magpapadala sa nakapanlalambot-tuhod niyang charm, Bianca? Eh, bakit labas na ang gilagid mo sa pagngiti ngayon? tudyo ng isip niya.

Eh, sa nakakaengganyo ang paraan niya ng pagtawa, sagot naman ng kinikilig niyang puso. At saka ngiti lang naman. Hindi naman ibig sabihin niyon ay bibigay na agad siya.

"Again, I am Milo Montecillo," anang binata bago inilahad uli sa kanya ang kamay nito.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya basta mababale-wala ang kamay na iyon. Inuudyukan na kasi siya ng kagandahang-asal na tanggapin ang pakikipagkamay ng binata. "I am Bianca Cusap," aniya bago tinanggap ang kamay ng binata. Muntik na niyang maiwasiwas iyon sa pagkabigla. What was that? Napatingin siya kay Milo. Naramdaman din ba nito ang tila boltahe ng koryente na dumaloy sa mga kamay nila?

"Bianca—"

"Look, Attorney Montecillo, I am not interested in being your friend at all. I have quite a number of friends already, and I don't intend to add you to the list," mataray na sabi niya nang makabawi mula sa pagkabigla. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib sa tila koryenteng iyon at hindi niya gusto ang ibig sabihin niyon. Mabuti na iyong maaga pa lang ay didistansiya na agad siya sa lalaking ito. Kaysa magsisi siya sa huli kapag nasaktan na.

"I'm not interested in becoming just a friend," sagot naman ni Milo na ipinagdiinan pa talaga ang salitang "just." "I'll see you around."

Nakalayo na ang binata nang makabawi si Bianca mula sa pagkabigla. Kung gayon ay dapat talaga siyang mag-ingat kay Atty. Michael Lorenzo Montecillo.



Leave a comment. And, VOTE. :D

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now