Part 12

17.7K 551 6
                                    


BUMUNTONG-HININGA si Milo. "Tama ba ang gagawin ko?" tanong niya na animo may kinakusap kahit ang totoo ay nag-iisa lamang siya sa opisina. Nakatutok ang kanyang mga mata sa mga papeles na nasa executive desk.

"Of course, it is the right thing to do." Hindi niya napigilang sagutin ang sariling tanong. Kinapa niya ang kanyang damdamin. Napangiti siya nang mapagtantong maluwag at magaan ang kanyang pakiramdam. Tinipon na niya ang mga dokumento at isinilid ang mga iyon sa isang envelope, saka sinigurong selyado iyon nang husto. Pagkatapos ay tinawagan niya ang isa niyang tauhan para maghatid ng mga dokumento.

Napapikit si Milo. Isang imahe ang agad na nabuo sa kanyang isip—ang magandang mukha ni Bianca. Napangiti siya sa pag-iisip sa dalaga. Napapanatag ang kanyang kalooban isipin lang niya ito.

Itinaas niya ang mga paa sa ibabaw ng desk; relaxed na isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair habang ang mga kamay ay magkasalikop sa batok. Ah, he had never felt so relaxed in his entire life. Nami-miss na niya si Bianca dahil sa nakalipas na mga buwan ay hindi niya ito malapitan. Isang importanteng bagay kasi ang personal niyang tinutukan, at may kinalaman iyon sa mga dokumentong nasa mesa niya ngayon. At kontento naman siya sa kinalabasan niyon.

He was happy. Iyong klase ng saya na noon lamang niya naramdaman. Siguro ay iyon din ang saya na naramdaman ng kanyang mga kaibigan nang ma-in love.

Biglang naibaba ni Milo ang kanyang mga paa kasabay ng pagmulat ng mga mata. "In love? Jesus! Inisip ko ba talaga na in love ako kay Bianca?" Namamanghang kinapa uli niya ang kanyang damdamin at binalikan ang unang araw na nakita niya si Bianca sa Asia's Cuisine. Tila lumukso ang kanyang puso noon at nawala sa kinalalagyan niyon. Pagkatapos ay kumabog ang kanyang dibdib na noon lamang niya naramdaman sa buong buhay niya. Hindi na nawala sa kanyang isip ang dalaga at pakiramdam niya ay minu-minuto niya itong nami-miss. Sintomas ba ang lahat ng iyon ng isang taong tinamaan ng pana ni Kupido?

"I'm in love!" bulalas ni Milo.

Noon naman bumukas ang pinto at iniluwa si Jared, karga-karga si JL. "Who's in love?"

Tumayo si Milo mula sa kinauupang swivel chair at kinuha mula kay Jared ang isa at kalahating taong gulang na si JL. Isinayaw-sayaw niya ang pamangkin na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "Lalala, lala, Tito Milo is in love! Lalala lala..." Sa panggigilalas niya ay biglang humagikgik si JL na animo tuwang-tuwa sa ginagawa niyang pagsasayaw at pagkanta.

Napapailing naman si Jared sa ginagawa niya, bagaman mababakas sa mga mata ang kasiyahan na sa wakas ay naramdaman na niya ang pakiramdam na iyon.

Ct=9

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now