Part 7

20.3K 550 3
                                    


"'YA, TAMA na po," mabigat ang loob na pag-alo ni Bianca sa kanyang Yaya Rosa. Inabutan niya ito ng tubig at pilit pinapayapa pero wala pa rin itong tigil sa pag-iyak. Si Yaya Rosa ang nag-alaga sa kanya mula pa noong sanggol siya kaya parang ina na rin ang turing niya rito, lalo na noong iwan sila ng kanyang ina.

Mayaman dati ang pamilya nina Bianca, ngunit nang magkaroon ng economic crisis ay naapektuhan ang kanilang negosyo. Nalugi iyon at nahirapan ang kanyang amang maibangon uli, hanggang sa tuluyan nang ma-bankrupt. Isa si Yaya Rosa sa mga nanatiling tapat sa kanila kahit na hindi na nila ito napapasuweldo sa oras. Kaya nga sa pagbabalik ni Bianca sa Pilipinas ay isa si Yaya Rosa sa mga agad niyang ipinahanap para bigyan ng kaukulang pera bilang pasasalamat at pagtanaw na rin ng utang-na-loob. Sa perang ibibigay niya, makakapagsimula ng kahit maliit na negosyo ang kanyang yaya. Pero hindi niya inaasahan ang problemang kinakaharap nito ngayon. Ayon kay Yaya Rosa ay may mabigat na kaso itong kinakaharap at nanganganib pang mawala rito ang mga anak. Ang masaklap ay baka makulong din ang yaya niya.

"Hahanapan kita ng magaling na abogado, 'Ya. Huwag kang mag-alala. Patutunayan natin sa kanila na anak mo ang mga bata." Kung sana ay napaaga ang pag-uwi ni Bianca o kaya ay hindi siya nawalan ng kontak kay Yaya Rosa, baka hindi nito naisipang lumapit sa isang foundation para humingi ng tulong. Kung alam lamang ng yaya niya kung saan siya makokontak siguradong sa kanya ito hihingi ng tulong. "'Ya, huwag n'yo nang alalahanin ang gastos, ha? Ako na ho ang bahala ro'n kaya pumanatag na kayo. Hahanapan kita ng magaling na abogado. Kokontakin ko ang mga dati kong kaklase sa San Beda, matutulungan nila tayo," dagdag pa niya.

Sunod-sunod na umiling si Yaya Rosa. "Marami na akong nilapitan, hija, pero ayaw nila akong tulungan."

Napapikit si Bianca. Maging siya man ay hindi maunawaan ang sitwasyon. Malinaw na malinaw naman na mga anak ng kanyang yaya ang mga bata. Inaanak pa nga niya ang panganay nito at nakita rin niya nang magbuntis ito bago sila lumipad ng papa niya sa Paris upang doon manirahan. Pero hindi iyon ang sinasabi ng mga DNA test result. Kaya hindi kataka-taka ang sinabi ng kanyang yaya na walang abogadong gustong tumulong dito. DNA testing was 99.9% foolproof and it doesn't lie. It is considered infallible—the gold standard in court.

Napabuntong-hininga si Bianca. "Huwag na kayong umiyak, Yaya, baka makasama pa sa dinadala n'yo," nag-aalalalang sabi niya dahil wala pa ring tigil sa pag-iyak si Yaya Rosa. Natatakot siya na baka maapektuhan ang ipinagbubuntis nito na ngayon ay limang buwan na. "H-hayaan n'yo po, pag-aaralan ko ang kaso at—"

"Hahawakan mo ang kaso, Bianca? Payag kang maging abogado ko?" Biglang nagliwanag ang mukha ni Yaya Rosa na animo nakakita ng hindi matatawarang pag-asa.

Nakagat ni Bianca ang kanyang ibabang labi. Hindi siya sigurado sa gustong mangyari pero sapat na ang nakikita niyang paghihirap sa mukha ng kanyang yaya maipaglaban lamang ang mga anak. Tumulo ang kanyang mga luha. Ang totoo ay nasasagi ni Yaya Rosa ang isang sugat sa kanyang pagkatao na hindi pa naghihilom hanggang sa kasalukuyan; isang sugat na nilikha ng kanyang mama.

Teenager si Bianca nang ma-bankrupt ang kanilang kabuhayan. Kahit nag-iisang anak ay hindi siya lumaking maluho kaya hindi siya masyadong apektado ng pagbagsak ng kanilang negosyo. But not her mother for she was materialistic. Iniwan sila nito ng kanyang papa sa kabila ng pagmamakaawa niya na huwag itong umalis. Pero sumama pa rin ang kanyang mama sa isang matandang negosyante na makapagbibigay ng mga luho nito habang siya at ang kanyang papa ay naiwang luhaan.

Dinamdam niya ang pagkawala ng kanyang mama kahit na kung tutuusin ay hindi naman ito naging mabuting ina sa kanya. Kung may mas naapektuhan sa pag-alis ng kanyang ina, iyon ay ang kanyang papa. Mahal na mahal kasi nito ang kanyang mama at saksi siya sa pagtangis ng kanyang ama. Pinabayaan ng kanyang ama ang sarili, lalo na ang sariling kalusugan dahilan para atakihin ito sa puso. Nakaligtas naman ang kanyang papa, pero hanggang ngayon ay paralisado pa rin ang kalahati ng katawan nito. Sa kasalukuyan ay nasa Paris pa rin ang kanyang ama para sa physical therapy.

Mabuti pa si Yaya Rosa, kahit mahirap lamang ay ipinaglalaban nito ang mga anak. Batid ni Bianca na halos ikamatay na ng kanyang yaya ang kaalamang maaaring mawala rito ang mga anak. Samantalang ang mama niya ay iniwan siya nang ganoon na lang kapalit ng karangyaan. Now that she had made a name for herself and she had the money, she wondered if her mother regretted leaving them.

Kunsabagay, ni hindi nga nagtatangka ang kanyang mama na kontakin siya. Baka nga tuluyan na nitong nakalimutan na may anak ito. Ah, kung puwede lang na pumili ng ina ay ginawa na niya. But she was still a good daughter. Ibibigay niya sa kanyang mama ang kapatawaran sa sandaling hingin nito iyon.

Pinahid ni Bianca ang kanyang mga luha at nginitian si Yaya Rosa. "Gagawin ko po ang lahat, 'Ya. Pero aware naman po siguro kayo na hindi ko masyadong na-practice ang propesyon ko dahil tinutukan ko ang pagmomodelo. Gayunman, qualified pa rin naman po ako para humawak ng kaso. Sigurado po ba kayo na ipagkakatiwala n'yo sa akin ang kasong 'to?"

Hinawakan ni Yaya Rosa ang kamay niya. "Lubos akong nagtitiwala sa 'yo, ineng. Gagabayan ka ng Diyos," anito, saka napaiyak na naman.


Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now