Part 17

19K 552 14
                                    


"HEY! DELIKADO 'yang ginagawa mo, Bianca."

"Huwag kang maingay! Mamaya niyan marinig ka ng mga reporter!" impit na saway niya kay Milo. Mabuti na lang at hindi pa nadidiskubre ng mga nakaantabay sa harap ng kanyang bahay na sa kabila ng mataas na bakod sa likod-bahay ay main road na. Doon niya pinaghintay si Milo. Mayroon siyang hagdan kaya madali lang niyang naakyat iyon.

"Milo!" nahihintakutan niyang bulalas nang pagtayo ay tila umikot ang kanyang paligid. She couldn't keep her balance and before she knew it she was already falling. Inihanda na niya ang sarili sa pagbagsak sa sementadong kalsada. Natitiyak niya na sa ospital siya pupulutin pagkatapos.

Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ni Bianca na pagtama ng kanyang katawan sa matigas na semento. Bagkus ay tila tumigil ang kanyang katawan sa ere at lumutang lang siya. Nang pumihit, suwabe ang amoy na pumuno sa kanyang ilong at hindi niya napigilan ang sariling ipikit ang kanyang mga mata.

"I've got you," anang baritonong tinig na pumukaw sa naliligaw niyang diwa.

Napamulagat si Bianca. Kuntodo singhot pa naman siya gayong ang dibdib pala ni Milo ang sinisinghot niya. "G-ginulat mo kasi ako, nahulog tuloy ako," aniya para pagtakpan ang pagkapahiya. Mabuti na lang at madilim na kaya hindi nakikita ng binata ang pamumula ng kanyang mukha.

"Yeah, it was my fault," sabi nito, saka ngumisi.

"Milo!" tili niya. Pero agad din siyang nagtakip ng bibig dahil baka marinig sila ng mga reporter na nag-aabang pa rin sa harap ng kanyang bahay. Naramdaman kasi niya ang palad ng binata sa bandang puwitan niya habang ibinababa siya nito. "Tsinatsansingan mo ba 'ko?!"

"What are you talking about?" gulat namang ganting-tanong ni Milo. Pero alam niyang kunwari lang ang gulat na iyon dahil kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata ng binata. "Ano'ng ibig mong sabihin na tsinatsansingan kita, Bianca?" dagdag pa nito na animo inosente at walang kaalam-alam.

Abogado talaga ang hudyo! Kapag ipinagpilitan ko na hinawakan niya ang pang-upo ko, ako pa ang lalabas na nag-iisip ng may malisya! "Tse!" nakairap na lang sabi niya bago sumakay sa kotse ng binata.

Sumakay na rin si Milo. "Where to?" tanong nito pagkatapos buhayin ang makina ng sasakyan. Hindi pa rin naaalis sa mukha nito ang amusement at panunudyo.

"Sa Batangas."

"Pupunta tayo sa Batangas? At magda-drive ako nang gano'n kalayo nang ganitong oras? Seriously?"

"My wish is your command. 'Yon ang usapan natin," paalala ni Bianca.

Nalukot ang mukha ni Milo at sa wakas ay nawala na rin ang nanunudyo nitong tingin. "Puwede ko bang tawagan si Art at humiram ng helicopter sa kanya? Mas mabilis kang makakarating sa pupuntahan mo kung bibiyahe ka by air."

"Ayokong mag-helicopter. At saka, anong ako lang? Kasama ka. Baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin. You'll be my slave for a month."

"Oo na, huwag mo nang ipagdiinan na natalo mo ako. Pasalamat ka at mabait ako."

Sinupil ni Bianca ang ngiting nais sumilay sa kanyang mga labi. "Matutulog ako, huwag mo akong iistorbohin, ha," bilin niya. Ibinigay muna niya sa binata ang direksiyon papunta sa kanyang beach house, pagkatapos ay ipinikit na ang kanyang mga mata.

"You're really going to sleep? Kailangan ko ng kausap. Magbibiyahe tayo ng gabi at baka antukin ako habang nagmamaneho kung wala man lang akong kausap. At kapag inantok ako, mawawalan ako ng focus sa manibela. Kapag nawalan ako ng focus sa manibela, baka maaksidente tayo. Kapag naaksidente tayo, sa ospital ang bagsak natin. Kapag—"

"Kapag hindi ka tumigil diyan sa walang saysay mong mga linya ay maiinis ako. Kapag nainis ako ay nanggigigil ako! At kapag nanggigil ako ay nangangagat ako!"

Ang lakas ng tawa ni Milo at pumuno iyon sa loob ng sasakyan.

Napailing-iling na lang si Bianca.

"O, ano naman ang ibig sabihin ng iling na 'yan?" tanong ng binata nang tumigil sa pagtawa at napansin ang pag-iling niya.

"So it's really true, huh?"

"Na guwapo ako?"

"Na si Attorney Montecillo pala ay isip-bata. Eh, sino 'yong nakikipagtagisan sa loob ng korte? May kakambal ka ba?"

Sa pagkasorpresa niya ay muling tumawa nang malakas si Milo. Ang buong akala niya ay mapipikon ito sa komento niya. Hay, kailan kaya niya makikitang napipikon ang binata? Natatandaan niya na hindi man lang yata ito napikon o nabigla noong ihayag ng korte ang desisyon tungkol sa kaso ni Yaya Rosa, na para bang inaasahan na iyon ni Milo.

"Salamat. I'll take that as a compliment."

Ipinikit na ni Bianca ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang tumagilid patalikod kay Milo para ipakitang ayaw na niyang makipag-usap. Kung makikipag-usap pa kasi siya ay baka siya lang ang lalong mapikon. Hindi niya inakalang ganoon pala kalakas ang sense of humor ni Milo. Nakita na niya kung gaano kaseryoso sa loob ng korte ang binata; minsan na rin siya nitong inakit sa loob ng ladies' room; pagkatapos ngayon, kung makapagbiro ang binata, akala mo ay close silang dalawa.

Pumalatak si Milo. "Tinulugan na talaga ako," narinig niyang wika nito pagkaraan ng mahigit dalawampung minuto.

Mayamaya, sa pagkamangha ni Bianca ay naramdaman niya ang paggalaw ng kanyang upuan. Bahagyang bumaba ang sandalan niyon upang maging kumportable ang kanyang posisyon. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili na mapasinghap o kaya ay makagawa ng ingay na magbubuko sa kanya na hindi pa talaga siya tulog. Nagulat na naman siya nang maramdaman ang pagsayad ng tela sa kanyang katawan. Malamang na ikinumot sa kanya ni Milo ang jacket na suot dahil nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng binata na tiyak niyang kumapit sa jacket.

Talagang nasorpresa si Bianca sa ginawa ni Milo; hindi niya iyon inaasahan. Hindi naman niya inisip na hindi gentleman si Milo, kaya lang ay iyon ang unang pagkakataon na may gumawa sa kanya ng ganoong bagay. And she found it really sweet.

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now