Part 5

21.2K 525 5
                                    


"WHAT do we have here?" ani Milo sa sekretarya niyang si Roman pagkaupo niya sa executive desk sa loob ng kanyang opisina sa Montecillo and Partners Law Firm. Agad niyang kinuha ang mga folder na nasa tray. Iyon ang mga kasong kailangan niyang suriin at pag-aralan. Marami silang abogado roon pero marami pa ring kliyente ang humihiling na siya ang humawak sa kaso ng mga ito.

Kapag sinabi kasing Atty. Montecillo, agad na pumapasok sa isip ng lahat ang matinik na abogadong produkto ng Harvard at wala pang natatalong kaso. Malawak ang kaalaman ni Milo sa international law kaya mayroon din siyang jurisdiction sa ibang bansa. He wasn't simply just powerful man. He had money, and brains. He had the right connections here and abroad. At hindi sa pagmamayabang, kahit nga sa looks department ay taglay niya ang halos lahat ng magagandang katangian. Gising na gising nga raw siya nang magsabog ng kakisigan ang Diyos, mula sa maliit na cleft chin hanggang sa mga ngiting alam niyang asset din niya. He was considered a triple threat by most men. He had money, brains, and looks. Kulang na lang yata ay ipagtayo siya ng dambana at sambahin ng mga babae. High profile man sa publiko, normal at ordinaryong tao pa rin naman siya. Maliban sa mga kaibigan at mga kamag-anak ay hindi na alam ni Milo kung sino pa ang totoo sa kanya. Iyon ang kapalit ng tagumpay na kanyang tinatamasa. So he put up a very nice façade; everybody thought he enjoyed what he had. If they only knew...

"Napasadahan ko na ng basa ang mga 'yan, boss," wika ni Roman. Abogado rin ito, fresh out of law school. Pinili nitong magtrabaho muna sa kanya bago sumabak sa trial court. Roman said he wanted to learn from the best, and Milo was the best. Tinanggap niya si Roman tutal naman ay isa ito sa mga scholar ng foundation nina Kristina, ang asawa ng kapatid niyang si Jared.

"These cases are the most challenging ones, boss," sabi pa ni Roman. "This one is a simple case. Puwede na itong ipasa sa ibang abogado. Madali lang nila itong maipapanalo, kahit nakapikit pa," anito bago itinuro sa kanya ang mga tinutukoy.

"Sige, ako na ang bahala. Thank you."

Ngunit hindi pa nakakapagsimulang magbasa nang tumunog ang telepono sa mesa ni Milo. Si Kristina ang nasa kabilang linya.

"Hi, sis." Napangiti siya. He used to have a crush on Kristina. Naipagkamali pa nga niya sa pag-ibig ang damdaming iyon. Pero hindi siya pinapansin ni Kristina, sa halip ay nakatutok lamang ang mga mata nito sa iisang lalaki, sa kapatid niyang si Jared. Sobrang insecure siya noon sa kapatid. Isa rin marahil iyon sa mga dahilan ng dating rivalry nilang magkapatid. Gayunman, na-realize din agad niya na pagtinging kapatid lamang ang nararamdaman niya para kay Kristina. At naglahong parang bula ang rivalry sa pagitan nilang magkapatid nang makita niya kung gaano nasaktan si Jared noon.

"Hello, gorgeous!" sagot ni Kristina, saka mabining tumawa. Kapagkuwan ay sinabi na nito ang pakay sa kanya. "We have a new case, Attorney."

Hindi na kailangang magtanong ni Milo kung ano ang bagong kaso na tinutukoy ni Kristina. Tiyak niyang tungkol iyon sa foundation. Ang pamilya kasi ni Kristina ang founder ng tatlong malalaking charity institution sa Pilipinas—ang Carla Youth Foundation, Carla Teens Foundation, at ang Carla Elderly Foundation. Bukod sa pagiging internationally-acclaimed writer ng hipag niya ay personal ding pinamamahalaan ni Kristina ang mga foundation. Siya naman ay isa sa mga abogado nito na namamahala sa lahat ng legal na mga aspeto ng mga foundation.

"Okay, I'll be there, Kris."


Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now