Part 13

18.2K 524 26
                                    


"HELLO, Bianca."

Sumikdo ang puso ni Bianca sa tinig na iyon. Naliligo siya nang tumunog ang kanyang cell phone. Sa pag-aakalang ang kanyang ama iyon ay dali-dali siyang lumabas ng banyo at sinagot ang tawag nang hind tinitingnan ang pangalan o numerong nakarehistro sa screen.

Naumid ang kanyang dila. Sigurado siyang si Milo ang tumatawag. Gusto niyang itanong sa binata kung paano nito nakuha ang number niya pero hindi niya mahagilap ang kanyang tinig.

"Bianca..." ulit ni Milo.

Nanayo yata lahat ng mga balahibo niya sa katawan. Sexy talaga ang boses nito at puwedeng-puwede talagang maging DJ.

Hindi pa rin sumagot si Bianca hanggang sa marinig niya sa kabilang linya ang paghugot ng malalim na hininga ni Milo, pagkatapos ay namatay na ang linya. Marahil ay pinutol na nito ang tawag.

Wala sa sariling bumalik si Bianca sa banyo at tinapos ang paliligo. Ginugulo ni Milo ang isip niya. Bakit tumatawag ngayon ang binata gayong sa mga lumipas na buwan ay tanging sa loob ng korte lamang sila nito nagkakaroon ng interaksiyon. Ipinilig niya ang ulo at tinapos na ang paliligo. Pagkatapos ay mabilisan siyang nagbihis. Dadalawin niya si Yaya Rosa na kapapanganak lang noong isang linggo. Nais din niyang ihanda ang loob ng kanyang yaya sa napipinto nilang pagkatalo sa kaso. Nakakalungkot isipin na wala siyang magawa para sa kanyang yaya. Matibay na ebidensiya ang DNA results at tuwina ay ebidensiya ang pinagbabatayan ng bawat desisyon ng mga hukom. Tumestigo na ang mga kapitbahay ni Yaya Rosa pabor dito pero ano ang magagawa niyon sa isang foolproof scientific evidence? They would lose the case, that was almost certain. Hindi alam ni Bianca kung ano ang mangyayari kay Yaya Rosa kapag tuluyan nang kinuha ang mga anak nito. Kung nakauwi lang siya nang maaga, hindi maiisipang humingi ng tulong sa foundation na iyon ni Yaya Rosa. Hindi sana mangyayari ang lahat ng iyon.

Bumuntong-hininga uli si Bianca bago ipinasyang lumabas na. Muntik pa siyang mapatalon nang may matapakan sa doorstep. Isa iyong selyadong envelope na nakapangalan sa kanya. Kinuha niya iyon bago pinuntahan ang guwardiya sa gate at tinanong kung kanino galing ang package. Pero ang ekspresyon ng guwardiya ay sapat na para masabing wala itong alam sa package na iyon. Kung ganoon ay kanino iyon galing at paano napunta sa labas ng kanyang pinto? May-kataasan ang bakod nila para basta na lang maakyat.

Pumasok sa bahay si Bianca, iniisip kung bubuksan ang selyadong envelope o hindi. Sa huli ay pinili niyang buksan ang envelope at alamin kung ano ang nilalaman niyon.

"Jesus!" Hindi niya napigilang mapabulalas sa pagkabigla nang tuluyang matanto kung ano ang nilalaman ng mga dokumentong laman ng envelope. She was praying for a miracle to win her case, at hayun na yata ang milagrong hinihintay niya. Napakalaki ng magagawa ng mga dokumentong iyon upang maipanalo niya ang hawak na kaso.

Pinasadahan uli ni Bianca ng basa ang mga bahaging naka-highlight sa mga dokumento,

Rosa Artemio has a rare condition called chimerism. A chimera is an organism with at least two genetically distinct types of cells—or, in other words, someone meant to be a twin. But while in the mother's womb, two fertilized eggs fuse, becoming one fetus that carries two distinct genetic codes—two separate strands of DNA. It is very rare, with only 30 documented cases worldwide. Two of the controversial cases about chimerism filed were of Lydia Fairchild of Washington, USA and Karen Keegan of Boston, USA.

"Kung gano'n, tama ang mga resulta ng DNA testing. Walang nag-match kay Yaya Rosa pero hindi ibig sabihin n'on na hindi niya anak ang mga bata. Dahil si Yaya ay nagtataglay ng tinatawag na chimerism."

Namamanghang binasa uli ni Bianca ang mga dokumento at nasorpresa siya nang makitang dokumentado ring naroon ang panganganak ni Yaya Rosa sa ikaapat nitong anak hanggang sa pagsasailalim ng mag-ina sa DNA testing na katulad ng mga naunang bata ay hindi rin nag-match sa yaya niya.

"Sino kaya ang gumawa ng mga dokumentong 'to?" Pulido ang nilalaman ng mga dokumento. Tiyak niyang mananalo si Yaya Rosa sa kaso kapag ginamit niya ang mga iyon. Wala roong mahahanap na butas kahit ang pinakamagaling na abogado na si Milo Montecillo.

Nag-mental note si Bianca. Kailangan niyang kausapin ang doktor na nagsagawa ng DNA testing sa bagong silang na sanggol ni Yaya Rosa. Kapag ginawa niya iyon, baka makakuha siya ng lead na makapagtuturo sa kanya kung sino ang nasa likod ng kompletong ebidensiyang hawak.

Kung sino ka man na gumawa nito, nagpapasalamat ako sa 'yo. 

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now