Part 1

51.3K 851 32
                                    


Randall Clark--- At First Sight (Story Status: Completed)

Miro Lagdameo--- Written In The Stars (Story Status: Completed)

Milo Montecillo--- Love On Trial (Story Status: Completed)

Jared Montecillo--- You Had Me At Hello (Story Status: Completed)

Mike Villamor--- Dare To Love You (Story Status: Completed)

Arthur Franz de Luna--- Paint My Love (Story Status: Completed)

Lance Pierro Alvarez--- When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Story Status: Completed)



"LATE na naman," mahinang sambit ni Bianca pagkatapos sulyapan ang kanyang wristwatch. Nasa Asia's Cuisine siya nang mga sandaling iyon para i-meet ang mga kaibigang sina Krystyn at Belinda. Late na ang dalawa sa usapang oras. Mabuti na lang, mahaba ang kanyang pasensiya kaya hindi siya naiinip. Isa ang katangiang iyon sa mga naging puhunan niya para makamtan ang ningning ng kanyang pangalan sa fashion industry.

Siya si Bianca Cusap, isang kilalang modelo. Sa loob ng apat na taon, naiangat niya ang sarili mula sa pagiging no-name model hanggang sa pagiging supermodel. Kung tutuusin, hindi lang naman ang salitang "supermodel" ang puwedeng ikabit sa kanyang pangalan; puwede rin siyang tawaging "Attorney" dahil isa rin siyang lawyer. Napangiti siya bago binalikan sa diwa kung paano nagsimula ang lahat.

Hindi pangarap ni Bianca ang maging abogado, pero gusto iyon ng kanyang ama. Solong anak siya at bilang isang masunuring bata, Political Science ang kinuha niya sa kolehiyo at saka nag-law proper. Mahal na mahal niya ang kanyang ama. Ito ang nag-iisang tao sa mundo na gagawin niya ang lahat mapaligaya lamang. Maaaring wala sa puso ni Bianca ang abogasya pero nasa puso naman niya ang kanyang ama kaya pinagbuti niya ang pag-aaral. Full time student si Bianca sa San Beda at kasabay niyon ay nagtrabaho rin siya bilang part-time model. Tuwing kaya ng schedule at hindi nagkakaroon ng conflict sa schooling ay suma-sideline siya sa mga fashion show sa Pilipinas, usually kapag weekends o kaya ay kapag gabi ang fashion show. Bukod sa hilig talaga niya ang pagmomodelo, malaking tulong din sa kanya ang kinikita mula roon. Bukod kasi sa ancestral house nila, sa trust fund, at sa educational plan niya na natira sa bumagsak nilang negosyo, wala na silang puwedeng ipagmalaki pa. Bianca was able to finish her studies with good grades. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin siya tuwing maaalala kung gaano kasaya ang kanyang papa noong nagtapos siya ng Law.

But then, she wasn't able to practice her profession—being a lawyer—fully, and instead found herself on a different journey. Pagka-graduate kasi ay pambihirang pagkakataon ang dumating sa kanya. Her agent gave her an offer she couldn't refuse. Hindi niya alam na ipinasa pala nito ang portfolio at video clips ng kanyang runway gigs sa isang established Paris based modeling firm na naghahanap ng mga Asian model. Ayon sa kanyang agent, na-impress ang mga ito sa kanya at gusto siyang personal na makita.

Kinausap ni Bianca ang papa niya at hindi naman nito tinutulan ang bagay na iyon. Ang totoo ay napaka-supportive ng kanyang ama. So she went to Paris, full of hope. Ganoon na lang ang kanyang pagkamangha nang papirmahin agad siya ng kontrata nang mismong araw na pumunta siya sa firm. Nakita sa kanya ng firm ang elegance na hinahanap ng mga ito kaya walang kaso kahit twenty-six years old na siya. Pinagbuti ni Bianca ang kanyang trabaho at hindi siya naging sakit ng ulo ng sino mang nakatrabaho sa bawat fashion show o photo shoot na kabilang siya. And maybe God smiled at her because her career flourished in a short time. Napansin si Bianca hindi lamang ng mga designer kundi pati na rin ng mga fashion critic. She became one of the favorites along with other well known models around the world. Sa kaliwa't kanang pagdating ng mga modeling stint, money started pouring in. Unti-unti ay naibangon ni Bianca ang kabuhayan ng kanilang pamilya. Sa ngayon ay may mga real estate property na siya bukod pa sa mga investment sa iba't ibang negosyo.

Nasa Pilipinas ngayon si Bianca para magbakasyon at samantalahin ang break na matagal na niyang hinihingi sa kanyang agency. Hindi nga siya makapaniwala na tila isa siyang malaking tao sa dami ng reporters na nag-abang sa kanyang pagdating sa NAIA. Naobliga rin siya na mag-courtesy call sa pangulo ng bansa. Kunsabagay, isa siya sa mga Pilipina na nagbukas ng pinto para sa mga kapwa Pilipina na ma-penetrate ang international modeling scene. Maituturing na rin siyang celebrity dahil kabi-kabilang TV appearances ang natatanggap niyang imbitasyon. Pero hindi pa siya handa sa mga iyon kaya ni isa man ay wala pa siyang pinapaunlakan.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Bianca nang may maramdaman siyang kakaiba. Tila may mga matang nakamasid sa kanya sa di-kalayuan. Ah, malamang na may nakakilala sa kanya kaya tinitingnan siya. Kunsabagay, nasa Asia's Cuisine nga pala siya, isang world class restaurant at pulos elitista—na tiyak na laging up to date sa larangan ng fashion—ang mga customer kaya malaki ang posibilidad na may makakilala sa kanya. Gusto niyang bale-walain na lang ang pakiramdam na iyon pero parang napakalas ng kapangyarihan niyon para bale-walain.

Pasimpleng inilibot ni Bianca ang tingin sa paligid. Tulad ng inaasahan, halatang mayayaman ang naroon. Babawiin na sana niya ang kanyang tingin nang maagaw ang kanyang pansin ng isang lalaking nasa isang pansulok na mesa. Mabuti na lang at nagawa niyang padaanin lang ang kanyang mga mata sa lalaki na para bang hindi niya ito nakita. Biglang natilihan si Bianca. Kilala niya ang lalaki, hindi personal kundi tulad ng kilala ito ng buong Pilipinas—si Atty. Michael Lorenzo Montecillo. And he was staring at her!


Love On Trial (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon