Part 11

18.9K 513 3
                                    


Iyon nga lang, hindi niya malaman kung matutuwa ba o ano na tinigilan na siya ni Milo. Nakaligtas siya sa bagsik ng karisma ng binata, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang nanghihinayang siya na wala palang patutunguhan ang pangungulit nito sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay ang bitter niya. Ayaw niyang ma-involve kay Milo pero tila gusto niyang maghimagsik na hindi na siya kinukulit o nilalapitan man lang ng binata. Nagkikita na lamang sila sa loob ng korte. At dahil professional sa loob ng korte si Milo ay hindi man lang niya ito nakitang ngumiti sa kanya, bagaman paminsan-minsan ay nahuhuli niyang nakatingin sa kanya. Pero maliban doon ay wala na.

"Of course not! Milo is not a playboy," agad na kontra ni Belinda. "Yes, lots of girls are chasing after him, but he only just befriends them. Katulad ko, I smiled at him once at sinuklian niya ang ngiting iyon kahit na hindi naman niya ako kilala."

"Kaya nga maraming supporters si Milo, eh. Maraming fan's club na handang pumatay at magpakamatay para sa binata. My friend, don't believe all the rumors you hear about him. Most of them are just lies," dagdag ni Krystyn.

Napansin ni Bianca na pinagtutulungan na naman siya ng dalawa kaya pinandilatan niya ang mga ito. "What are you? Abogado ba kayo ni Milo? Gano'n na lang kung ipagtanggol n'yo 'yong tao. Magkano ang ibinayad niya sa inyo, ha?"

"Isang makalaglag panty na ngiti," sabay pang sagot ng dalawa at kinindatan pa siya. Nagkatawanan pa dahil pareho pala ang tinatakbo ng isip ng mga ito.

"My God! He's got really sensual lips! I wonder what it would feel like to be kissed by him," wika ni Krystyn, kinagat pa ang ibabang labi sa panggigigil.

"Ako, I would gladly surrender my body, my soul—"

"Tumigil na nga kayo," putol ni Bianca sa hirit sana ni Belinda. "Nakakahiya kayo. Hindi ako makapaniwalang pinagnanasaan n'yo pala ang lalaking 'yon." Parang ang sarap sabunutan ng dalawang 'to.

Tumawa sina Belinda at Krystyn, kapagkuwan ay sumeryoso rin agad.

"Teka, mabalik tayo sa kaso, ano na ang development?" tanong ni Krystyn.

Bumuntong-hininga si Bianca. "Malinaw naman na matatalo ako sa kasong 'to." Iyon ang katotohanang kasinliwanag ng sikat ng araw. Kayang-kayang ipanalo ni Milo ang kasong iyon sa isang pitik lang ng daliri. Nagtataka nga siya kung bakit hinawakan pa iyon ni Milo gayong kilala itong mahihirap na kaso ang hinahawakan. Okay lamang sa kanya na matalo, pero nababagabag siya para kay Yaya Rosa.

"Iyan nga rin ang hula namin. Sorry, Bianca, ha? Pero ang kasong 'yon ang tipong kayang ipanalo ni Milo kahit tulog siya. Do you get my point?" ani Belinda.

Tumango siya. "Ang ipinagtataka ko lang ay parang panay ang gawa ni Milo ng mga delaying tactic. Matagal na sanang natapos ang kaso, pero parang gusto pa niya akong paglaruan. Gusto pa niyang iparamdam sa akin na nagkamali ako ng desisyon na kalabanin siya," himutok niya.

Nasaksihan na mismo ni Bianca kung paano kumilos sa loob ng korte si Milo noong preliminary hearing pa lang. Seryoso ang binata kapag nasa loob ng korte. He looked so serious, as if he was carrying the world on his shoulders. Noon din lang niya napagtanto na nag-uumapaw pala ang awtoridad sa buo nitong pagkatao. Kabaligtaran iyon ng napaka-charming na personalidad ni Milo sa labas ng korte. He was intimidating and always businesslike side inside the courtroom. Well, not until he started doing what seemed to be an endless series of delaying tactics. Palagi itong gumagawa ng mga dahilan para ma-postpone ang hearing at i-reschedule iyon. Pagdating ng susunod na hearing ay gagawa na naman ng dahilan ang binata. Sa sobrang galing ni Milo ay nakakalusot ang mga excuse na iyon. Mabuti na lamang at nagawan ng paraan ni Bianca na ma-extend ang kanyang bakasyon.

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now