Part 6

20.8K 520 4
                                    


Ipinasya ni Milo na dumaan muna sa toy store para bilhan ng laruan ang kanyang pamangkin na James Lorenzo o JL. Nagmula ang pangalan nito sa pinaghalong mga pangalan nila ni Jared. Napangiti siya. Walang makakaisip na ang matinik na abogadong si Milo Montecillo ay nagbe-babysit sa kanyang pamangkin kapag kailangang mag-out of town ng mag-asawa at hindi puwedeng isama ang bata. Pero iyon ang totoo. Isa pa, baliw na baliw talaga si Milo kay JL. Minsan nga ay gusto niyang patulugin ang pamangkin sa condo unit niya. Pero siyempre ay hindi pumapayag si Kristina dahil isa at kalahating taon pa lang si JL. Madalas tuloy siyang tuksuhin ni Kristina na mag-asawa na para magkaroon na diumano siya ng sariling anak at pamilya.

Hindi naiwasang mapangiti ni Milo nang biglang lumitaw sa isip si Bianca na may kilik-kilik na sanggol habang sa binti naman niya ay may nangungunyapit na isang batang lalaki na kahawig na kahawig niya.

"Did I just see my future?" namamangha niyang bulalas bago ipinilig ang ulo.

Wala pang isang oras ay pumapasok na ang sasakyan ni Milo sa bakuran ng opisina ng foundation. Bumaba siya ng sasakyan at hindi nalimutang bitbitin ang pasalubong para kay JL. Nakita niya si Kristina sa pintuan, tila inaabangan talaga ang kanyang pagdating. Gumanti siya ng kaway sa hipag nang kumaway ito sa kanya. Napangiti si Milo. Kristina looked very elegant and graceful as usual. Napapangiti at napapailing na lang siya kapag naaalala kung ano ang pinagdaanan ng pag-iibigan nito at ni Jared. Kunsabagay, lahat nga pala ng kanyang mga kaibigan ay makulay ang kuwento ng pag-ibig.

"Hmm, your eyes are smiling, Milo. Let me guess, you've found the one? Or should I say you've found each other?" ani Kristina pagkatapos niya itong halikan sa pisngi at iabot ang stuffed toy na pasalubong para kay JL.

"My eyes are always smiling, Kristina," nakangiting sagot niya.

"I don't agree with that! May ibang glow sa mga mata mo ngayon. Spill, Milo, come on. Where's my brave brother-in-law? Bakit hindi mo yata maharap ang damdaming 'yan?" ayaw paawat na puna ni Kristina.

Nahagod niya ng mga daliri ang kanyang buhok. "Okay, I admit I met this very special lady whom I want to pursue. Who knows, maybe she's really the one. I mean, it's too early to tell. Kaya wala pa akong maaamin." Bahagya rin siyang natawa sa huling sinabi.

"Okay na sa akin 'yang sagot na 'yan, Milo. At last, may nakabihag na rin sa puso mo."

Nagtatawanang pumasok na sila sa pinakaopisina ni Kristina. Sinilbihan muna siya ng hipag ng kape bago nila sinimulang talakayin ang kasong sinasabi nito.

Tungkol iyon kay Rosa Artemio—hirap sa buhay, may tatlong anak, at kasalukuyang buntis. Humihingi ng tulong si Rosa sa foundation para sa pag-aaral ng tatlong bata. Bilang standard operating procedure o SOP sa tulong ng DSWD ay nagkaroon ng imbestigasyon at kaukulang pag-aaral kung nararapat bang tulungan ng foundation ang babae at sagutin ang pagpapaaral sa tatlo nitong anak.

"Napatunayan naman namin na indigent siya, Milo, at iniwan siya ng kasalukuyan niyang boyfriend. She met most our requirements. Pero hindi niya naipasa ang isa sa pinakamahalagang requirement—ang DNA testing na magpapatunay na anak niya ang mga bata."

Tumango-tango si Milo habang nakatutok ang mga mata sa mga dokumentong ibinigay ni Kristina. "According to this series of DNA tests, the three children are related to each other and to the father, but their DNA do not match their mother's. Pero sinasabi rin dito na marami ang nagpapatunay na anak ni Rosa ang mga bata—mga kapitbahay, mga kamag-anak, at lahat ng mga nakakakilala sa kanya."

"Yes, lahat ng kapitbahay niya ay nagpapatunay na anak ni Rosa ang mga bata, na nakita nila nang magbuntis si Rosa, and even the midwife who assisted her during birth claims that Rosa is their mother." Bumuntong-hininga si Kristina. "We thought there must be some mistake in the DNA test results. Kaya naman ilang test pa ang isinagawa sa iba't ibang laboratory. Pero ganoon pa rin ang resulta. We had no choice but to take legal action against her, para sa kapakanan na rin ng mga bata. Gano'n din ang ginawa ng DSWD. Biglang naging criminal suspect si Rosa. She's been charged now of committing welfare fraud."

"Welfare fraud. Isa ngang criminal case. Kung mapapatunayan siyang guilty, her children will be taken away from her. Puwede rin siyang akusahan na paid surrogate mother. Again, another criminal charge. Matindi ang kampanya ng gobyerno ngayon against welfare fraud, kaya hindi kataka-taka na umaksiyon agad ang DSWD."

"I know. What do we do next, Milo? Any minute ay lalabas na ang subpoena para sa court hearing. Rosa needs a lawyer and I hope she gets one." Bumuntong-hininga si Kristina. "Ang totoo, ilang beses ko nang nakausap si Rosa. At bilang isa ring ina ay nasa kanya ang simpatya ko. Gano'n pa man, nakasampa na ang kaso at ayon sa order ng hukom na may hawak sa kaso ni Rosa ay tayo ang mangunguna sa prosecution team dahil sangkot dito ang Carla Foundation. Makakasama natin ang abogado ng DSWD."

"I'll see what I can do, Kris. In the meantime, I'll take these documents with me. Pag-aaralan kong mabuti ang mga 'to. But yeah, I'll take the case."

Mayamaya ay nagpaalam na si Milo kay Kristina.

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now