Part 14

18.8K 738 57
                                    


UMUGONG ang bulong-bulungan mula sa mga expectator na nasa loob ng korte. Hanggang sa unti-unti iyong lumakas at nilamon ng ingay ang kabuuan ng lugar. Sa pagkakataong iyon ay iisa ang iniisip ng lahat: na wala pa ring dungis ang malinis na record ni Atty. Montecillo. His name would once again be the talk of the entire country and Bianca's name would be immortalized in the hall of shame. Sino nga ba naman siya na isang baguhan sa larangang iyon para kalabanin si Atty. Montecillo? His name alone spoke of power.

Ngumiti si Bianca. Isipin man ng lahat na panalo na si Milo, nasa kanya pa rin ang alas. Tanggap na sana niya ang kanyang pagkatalo at naihanda na rin ang sarili sa gagawing pagpapaalila sa binata, pero nakialam ang tadhana kaya may hawak na siyang ebidensiya ngayon. Nasa mga palad niya ang pambihirang pagkakataon para itala ang unang pagkatalo ni Milo sa karera nito bilang abogado.

Tumingin si Bianca sa gawi ni Milo at nagulat nang makitang nakangiti ito sa kanya. Nagtataka siya na tila hindi pinaglalaruan ng binata ang Parker pen na hawak. Ayon sa isang magazine na nabasa niya, habit diumano ni Milo na paglaruan ang ball pen na hawak tuwing alam na mananalo ito. Nagkibit-balikat na lang si Bianca. Maybe subconsciously, he knew he would lose the case. At siya ang magpapatikim sa binata ng una nitong pagkatalo.

"Order! Order in the court!" malakas na wika ni Judge Marciano sa mga nagkakaingay na expectator. Hindi kasi magkamayaw ang mga tagahanga ni Milo na karamihan naman ay siguradong ang kaguwapuhan nito ang talagang ipinunta at hindi ang legal na proseso ng paglilitis. Maging si Bianca ay aminado na talagang mahirap bale-walain ang hitsura ni Milo.

Tumahimik naman ang lahat. Tapos na ang prosecution sa pagpiprisinta. Hindi pa man ay nagsasaya na si Milo at marahil ay iniisip na panalo na naman ito.

At nakuha pa talaga siyang kindatan ni Milo bago ito maupo!

"Attorney Cusap, your witness," ani judge Marciano kay Bianca.

Tinawag ni Bianca sa witness stand ang isang doktor na kanyang kinonsulta tungkol sa mga dokumentong napasakamay niya. Pagkatapos ng mga delaying tactic ni Milo, sa wakas ay magkakaroon na ng tuldok ang lahat ng iyon.

Tiningnan siya ni Milo, nakataas ang mga kilay na animo hinahamon siya. Pagkatapos ay binalingan ng binata ang mga tagahanga nito habang nakapaskil sa mga labi ang pamoso nitong killer smile. Halos lahat yata ay namungay ang mga mata sa sobrang kilig. Milo made the women in the crowd giggle with that smile. Isa pa iyon sa mga ipinagtataka ni Bianca. Hindi ngumingiti sa loob ng korte si Milo, pero ngayon ay tila nahipan ito ng kung anong hangin na kanina pa kuntodo ang ngiti. Nang magkamay rin sila ay bahagya pang pinisil ng binata ang kanyang palad na ewan niya kung ano ang ibig sabihin. Naguguluhan talaga siya kay Milo. Taliwas ang mga aksiyon ngayon ng binata sa nakagawian nito.

Nakataas ang noo na bumaling si Bianca sa witness. Sa ilang sandali lang ay nasisiguro niyang mababaliktad ang sitwasyon ng kaso. Magiging pabor sa kanyang kliyente ang ebidensiya. Lumapit siya sa witness stand pagkatapos ng katapatan ng testigo.

"Dr. Reynaldo, how long you have you been practicing your profession?" paunang tanong ni Bianca habang nagpalakad-lakad sa harap ng doktor. Gusto niyang ipakita ang posibilidad na may malaking ebidensiya siyang ilalabas.

"Almost forty years."

"And for that period of time, do you also do DNA testing?"

"Yes."

"For how long, doctor?"

"Thirty years of my life."

Tumango-tango si Bianca. "Thirty years, enough to say that you're very familiar with the process and the smallest details about it," wika niya sa paraang tila kinakausap ang sarili. "Dr. Reynaldo, you appear in this court today under oath to testify the results of the DNA testing performed on the defendant and her three children. Is that correct?"

"That is correct."

"Under oath and supported by documents, you can attest that the DNA of the three children did not match the DNA of the mother. Is that also correct?" Gustong paikutin ni Bianca ang kanyang mga mata nang wala siyang marinig na anumang objection mula sa panig ng prosekusyon.

"Yes, that is correct. Base sa resulta ng DNA tests, walang makapagsasabi na anak ni Rosa ang tatlong bata," sagot ni Dr. Reynaldo.

"Doctor, can you tell this respectable court if it is possible for a child not to share a single gene with the biological mother?"

Tumuwid ng upo ang doktor bago kalmadong sumagot. "Yes, it's possible. But it is a rare case."

"Have you heard of chimerism? Are you familiar with the term, Doctor?"

Tumango ito. "Yes."

"Would you be kind enough to explain what it is, Dr. Reynaldo?"

Tumango uli ito. "Chimerism is a condition wherein an individual possesses at least two genetically distinct types of cells, or is someone meant to be a twin. It happens when two fertilized eggs fuse inside the mother's womb, becoming one fetus that carries two distinct genetic codes or two separate strands of DNA."

"Thank you, witness," ani Bianca, saka maluwang ang ngiting bumalik sa kanyang mesa at dinampot ang mga dokumento. "Honorable judge, allow me to present this additional evidence. This will show us that my client, Rosa Artemio, carries those rare chimeric genes. And that the children are all hers."

Tumahimik ang buong korte sa isiniwalat niyang iyon. Napangiti siya. Halos sigurado na ang pagkapanalo nila sa kaso. At kapag nagkaganoon, magkakaroon siya ng alilang super-duper hunk! Bigla rin siyang natigilan nang mapagtanto ang kahulugan ng huling naisip. Bakit excited yata siya sa kaalamang magiging alipin niya si Milo?



:D Leave a COMMENT. And VOTE. <3

Sa mga curious, yes po, totoo ang Chimerism. Isang pambihirang kaso kung saan posibleng hindi magmatch ang DNA ng ina sa mga anak. ;)

Love On Trial (Completed)Where stories live. Discover now