52 - Regrets

36.7K 524 1
                                    

     
     
    
Regrets

    
     
NYXIE's
   
    
    
"Pakihintay na lang po sa visiting area si Mr. Astores." sabi sa amin ng warden ng kulungan.
    
     
Nandito kami sa correctional kung saan nakakulong ang ama ni Felix, si Brenan Astores. Kasama namin si Felix at bakas sa mukha nya ang kaba.
    
     
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking may katangkaran, namumuti na ang buhok nito, matatangos ang ilong pero malamlam ang mga mata. Hindi maitatanggi ang pagkakahawig nila ni Felix.
   
     
"Pa!" Tumayo si Felix at sinalubong ang ama.
   
     
"Anong ginagawa mo dito, Felix? Sino sila?" mababa ang boses ng matanda kaya medyo natakot ako.
   
    
"Umupo ka na, Astores." utos ng isang pulis saka ipinosas sa mesa ang dalawang kamay ni Brenan.
   
    
Nagbantay lamang sa sulok ang pulis saka kami binigyan ng oras para mag-usap.
   
    
"Pa, hindi mo ba sila nakikilala?" tanong ni Felix sa ama.
    
     
Pabalik-balik naman kaming tiningnan ni Brenan. Nangunot pa ang nito nito na wari ay nag-iisip mg todo saka binalingan ang nagbabantay na pulis.
     
      
"Guard, mga anak ko din ba sila?"
    
     
Nagtataka kaming nagkatinginan nina Phi at Felix.
    
     
"Astores, mga bisita mo sila. Si Felix lang ang anak mo." sagot naman ng pulis saka sinenyasan kami na lumapit sa kanya. "Isa po ang bagay na yan sa ipapaliwanag ng doctor ng correctional sa inyo. May sakit po si Mr. Astores."
     
      
Nagulantang kaming tatlo sa sinabi ng pulis. Posible kaya na nasiraan na ng bait si Brenan?
     
      
"Papa.. Ano ba kasing nangyayari sa inyo?" naiiyak ng tanong ni Felix.
     
     
Nagtataka naman syang tiningnan lang ng ama. Ilang sandali pa ay may pumasok na isang babae na nakasuot ng lab gown.
    
    
"Good morning po. Ako po si Mrs. Sylvia Bora, ako po ang doctor dito sa correctional at ako din po ang tumingin kay Mr. Astores. Sino po ba sa inyo ang anak ni Brenan?"
     
     
Napatayo mula sa kanyang kinauupuan si Felix.
  
    
"I'm his son."
   
    
Ngumiti ang babaeng doctor. "Can I talk to you in private?"
   
     
Tiningnan kami ni Felix na parang humihingi ng permiso. We nodded at him saka sila umalis ng doctor. Naiwan namin kami ni Phi na kapwa nakatingin kay Brenan na ngayon ay nakamasid sa paligid.
  
     
"Kamukha mo si Zandro." sambit nito. Nakatingin na pala ito sa akin.
   
    
He still remember Dad. Siguro may naaalala sya na kahit konti.
   
    
"He's my father."
   
   
Nagulat sya sa sinabi ko. "I-Ikaw ba ang anak nila ni Nina?"
   
    
Naaalala nya nga. Nabuhay ang kaba sa dibdib ko na di nakaligtas kay Phi. He hold my hands para bigyan ako ng lakas.
   
    
"Y-Yes, I'm their daughter."
   
   
Hindi ko alam kung bakit ba ako narito? We just wanted clarification pero bakit ngayon parang gusto ko syang saktan. Gusto kong maramdaman nya ang sakit na naramdaman ng magulang ko dahil sa mga kasalanan nya.
   
   
"W-Why did you ruin my family?!" bahagya nang tumaas ang boses ko kaya hinawakan na ako ni Phi sa balikat.
    
    
"Ny, calm down. He's not in his right mind."
   
    
"He remembers my parents, Phi. May naaalala sya!"
   
     
Niyakap ako ni Phi para pakalmahin pero desidido akong komprontahin si Brenan kaya tinabig ko si Phi.
   
    
"Why, Brenan? Answer me! Bakit mo yun ginawa sa pamilya ko!?"
    
     
"I'm s-sorry. I was blinded by jealousy and money. Gusto kong maging mayaman katulad ni Zandro dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang anak ko. Si.. Si.. Felix. Mahal ko si Felix. Sya ang buhay ko..pero iniwan nya rin ako. Dinala nya ako dito dahil masama daw akong ama. Hindi ako masamang ama! Ginawa ko lang ang lahat para masiguro ko ang magandang kinabukasan nya. Masama na ba ako non? Masama na bang hangarin ang kabutihan ng anak?" Napatda ako nang makita syang humahagulhol. Nakita ko ang sinseridad sa bawat salita nya.
   
     
"Hindi masama na bigyan ng magandang buhay ang anak pero ginawa mo ito sa maling paraan. Sinira mo ang buhay ng isang bata na nangangarap na magkaroon ng buong pamilya dahil sa pagiging makasarili mo. Ikaw ang naglayo sa anak mo sayo. You ruined your life at dinamay mo pa ang buhay ni Zandro at Nina." Napatingin ako kay Phi.
   
    
May punto sya. That's what I wanted to say pero may magagawa pa ba ang mga paninisi ko? Maibabalik ba non ang mga magulang ko? Hindi na.
   
   
"Patawarin nyo ako! Pinagsisisihan ko na ang lahat." Nagmamakaawa syang tumingin sa akin saka kay Phi.
   
    
Hindi ko alam kung handa na ba ako sa pagpapatawad na hinihingi nya.
   
    
"Hindi ko alam kung kaya na kitang patawarin pero isa lang ang masisiguro ko, wala na ang galit sa puso ko. Naiintindihan ko po kayo. Wala na rin namang magbabago kung magagalit ako sa inyo. Alam kong masaya na sina mom at dad kung nasaan man sila ngayon. " With that I turned away and left the room. Naiwan doon si Phi.
   
    
Nakasalubong ko pa si Felix at ang doctor na pabalik na sa visiting area.
   
     
"Mam Era, saan po kayo pupunta?" tanong ni Felix.
     
     
"Hintayin ko na lang kayo sa kotse." nagmamadali akong umalis saka dumiretso sa parking area kung saan nakapark ang kotse ni Phi.
     
      
I breath in and out for how many times para kalmahin ang sarili ko. Tgen I suddenly I burst into tears. Ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
   
     
"Mommy, Daddy, I met him. The man who ruined our family. Sorry I can't get mad at him. I just can't. He has family too and I know from the bottom of his heart he's regretting everything he did to you." I covered my face as I cry. Kanina ko pa gustong umiyak pero pinigilan dahil ayokong may ibang tao na makakita how weak I am.
     
       
I cry for a couple of minutes at nang pakiramdam ko ay okay na ako, I wiped the tears on my face.
     
      
"Are you okay now?"
    
     
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. It was Phi. Nakatayo sya sa labas ng kotse. Bahagyang nakabukas ang bintana sa tapat ko kaya siguro alam nya na umiiyak ako.
     
      
Mapakla akong ngumiti sa kanya.
     
       
"Where's Felix?" tanong ko sa kanya nang di ko makita na kasama nya si Felix.
     
      
Sumakay muna sya sa kotse saka sinagot ang tanong ko.
     
     
"He wants to spend time with his father. He discovered that Brenan has Alzheimer's disease. He's getting a hard time recognizing people."
     
     
Bahagya akong nagulat sa binalita ni Phi. Kaya siguro may confusion kanina nang makita nya kami.
    
     
"Kaya pala.." yun lang ang naging tugon ko. Muli kong tiningnan ang gusali na pinanggalingan namin.
   
      
"Saan mo gustong pumunta?" Pukaw sa akin ni Phi.
    
     
Isang lugar lang ang gusto kong puntahan ngayon.
       
         
       
     
- - - - - - - - - -
     
      
         
          
MAGKAPANABAY kaming naglakad papunta sa puntod nina mom at dad.
    
      
"Hi, dad." bati ni Phi kay Dad. "Hi po, tita." he turned to mom.
    
     
Nakakatuwa talaga si Phi. Hindi nawawala ang paggalang sa katawan nya. I clung my arms to his arms saka humarap sa puntod ng magulang ko.
     
      
"Mommy, siya po si Phil. Siya po ang lalaki na nagpapasaya sa akin ngayon. Thanks to Dad dahil nagkakilala kami ng lalaking gusto kong makasama habang buhay." Hinawakan ni Phi ang kamay at hinapit ako palapit sa kanya.
     
      
"Dad, salamat po dahil kahit sa maikling panahon pinadama nyo po sa akin kung gaano kasaya na maging isang anak ninyo. Salamat din po dahil binigay nyo sa buhay ko si Phi. Marami man po kaming pinagdaanan, we still here as your son and daughter." Sandali akong natahimik nang kumilos ang mga kamay ni Phi at may kinuha sa bulsa nya.
     
      
     
Humarap sya sa akin at kinintalan ako ng mabilis na halik sa labi.
     
      
"Mamaya pa sana ito but the moment is perfect." Unti-unti syang lumuhod sa harap ko at nilabas ang isang maliit na kahon.
     
     
He's holding my other hand while my free hand was covering my wide open mouth dahil sa gulat. Ayokong mag-assume pero sa tingin ko magpopropose si Phi. EH?! Kasala na kami diba?
         
      
       
"Ny, sa harap ng magulang mo at nagsilbing ama ko, pumapayag ka ba na palitan ko ang apelyido mo into mine? Pumapayag ka ba na gumising tuwing umaga na ang kagwapuhan ko ang una mong makikita? Are you willing to be with me for the rest of your life and be my kids' mother? NYXAVIERA DE GUZMAN-VALDEZ, WILL YOU MARRY AGAIN?"
       
      
         
Napatakip ako ng bibig sa gulat kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha dahil sa saya.
     
      
     
"Please.. Don't cry, honey. You can just say no if you're not yet ready to be mine forever. I'm not in a hurry." Inalo nya ako at niyakap para patahanin.
    
    
Mahina ko syang pinalo sa braso saka ngumiti habang patuloy pa din sa pag-iyak.
      
      
"Are you nuts?! IT'S A YES, MR. VALDEZ. ALWAYS A YES!!" Natatawa kong saad kasabay nang mahigpit na yakap sa kanya.
     
     
"Yes?! Pumapayag ka? Yes!!" Nagtatalon sya sa tuwa at saka ako binuhat at pinaikot-ikot.
     
     
Para kaming nasa movie.
      
         
"Noon pa naman ako pumayag na magpakasal sayo diba?" Saad ko nang ibaba nya ako at paliguan ng halik sa pisngi at labi.
      
     
"It's not a formal wedding and you marry me before because of your Dad's debt. Iba ngayon. I love you, my love!"
     
      
      
"And I love you even more, Mr. Valdez. Pero bago tayo magkalimutan, yung singsing baka pwedeng isuot mo na sa maganda kong daliri."
      
       
        
Natatawa nyang sinuot sa daliri ko ang singsing saka masuyo itong hinagkan.
     
      
      
"You will be forever be mine. Ngayong pumayag ka na, hindi ko na kailangang magpigil sa tuwing magtatabi tayo sa gabi."
      
      
      
Isang pinong kurot ang nagpangiwi sa kanya. Napakapilyo kasi.
      
        
      
Naglakad na kami pabalik sa kotse pagkatapos namin magsindi ng kandila kina mom at dad.
      
        
        
"Hindi ba talaga pwedeng iadvance yung honeymoon, Ny?"
      
       
       
"No. Kung gusto mo na ng honeymoon let's get married today."
       
          
        
"Eh.. Hindi pa ready ang lahat. Baka pwedeng iadvance yung honeymoon, Ny. Hindi naman kita tatakbuhan sa kasal natin, I pro---- Ouch!"
     
       
       
Phi will always be the naughty Xymon Phil Valdez.
    
      
     
And soon I'll be his naughty wife.
      
      
      
       
=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now