24th - They're Back

35.9K 619 5
                                    

#24 - They're Back

.

Nyxie's

.

Weekend na naman, ibig sabihin personal secretary na naman ang role nya. Nakakatamad pa naman sa office. Wala masyadong pinapagawa sa kanya dahil asawa daw sya ng acting CEO ng kompanya kaya hindi dapat masyadong nagtatrabaho.

Alam ba nilang kailangan nya ng trabaho para may sarili naman syang pera at hindi nakaasa sa asawa nya.

Tinatamad syang pumunta sa table nya dahil hindi nya kasabay pumasok ng opisina si Phi Maaga syang umalis ng bahay kanina para naman maenjoy nya ang kanyang kotse.

"Mam Nyxie, may iniwan po na papers si Sir Valdez. Pakiproof read daw po at kapag okay daw para sa inyo paki-approve na din daw po."

Napataas ang kilay nya sa sinabi ni ate Gayle.

"Ako?" Sabay turo nya sa sarili. "Mag-aapprove ng papers na yan? Anong malay ko dyan?"

"Pero yun po ang mahigpit na bilin ni Sir."

Napatirik na lang ang mata nya. "Nasaan daw ba ang Sir mo na yun?"

"Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam non dahil asawa ka nya at magkasama kayo sa bahay."

Matalim nya itong tiningnan. "Asawa nya ako hindi baby sitter. Malay ko ba kung saang lupalop pumupunta ang Sir mo na yun. Akin na nga yan!"

Kinuha nya kay Gayle ang isang folder na may kakapalan din.

"Tungkol saan ba ito?" Tanong nya.

"Project proposal yan ng SmartLand, kaya mo yan dahil may kinalaman yan sa course mo."

Iningusan nya lang ito saka pinihit patalikod ang kanyang silya. Hinarap nya ang papers na pinapa-review ni Phi.

"Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na."

Nagthumbs up lang sya dito. Narinig nya ang mahina nitong mga yabag palayo sa mesa nya.

"Okay.. Where will I start?"

Sinimulan na nya ang pagrereview. Nagrequest pa sya ng green tea kay ate Gayle dahil naiistress na sya sa ginagawang pagrereview. Marami sa proposal ang hindi nya kayang sang-ayunan. Tungkol kasi ito sa proposal ng partnership sa SmartLand, isang real state company.

"Urgh! This can't be called a proposal. Puro kayabangan lang naman ang laman nito." Naiinis nyang nilapag ang folder sa mesa saka nilantakan ang green tea saka sumandal sa upuan. Sumasakit ang ulo nya sa trabaho na iniwan ni Phi. Nasaan na ba kasi ang isang yun?

She grabbed her phone and dialed his number. Ilang ring pa bago may sumagot.

"Yes, Nyxie. May kailangan ka ba kay Xymon?" Maarteng bungad ng babaeng sumagot.

Hindi na nya kailangang manghula kung sino yun dahil boses pa lang alam na nyang si Cleo yun. Napatirik na lang ang mata nya sa sobrang inis dito.

"Marami akong kailangan sa asawa ko kaya pwede bang pakibigay sa kanya ng phone." Iritado kong utos.

"Busy sya eh. Mamaya ka na lang tumawag."

Narinig nyang may nagtatawanang mga lalaki sa background at isa na doon ang boses ni Phi. Nagpapasaya ang mokong na yun habang sya ay sumasakit na ang ulo dahil sa trabahong iniwan nito.

"Nyxie, may sasabihin ka pa ba kasi may ginagawa pa kami eh. Nakakaabala ka."

Nakakaabala pala huh? Tingnan natin kung sino ang nakakaabala satin.

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now