17th

38K 658 9
                                    

#17
The auction.

Nyxaviera

Tulad nga ng sinabi ng Daddy ni Phi may event daw sa kompanya. Tradisyon na daw ng kompanya nina Phi na magkaroon ng auction ball every year para sa mga orphanage na tinutulungan nila at para sa mga lumalaban sa cancer.

"Phi, let's go! Kanina pa nagtetext si Dad."

Hindi pa kasi lumalabas ng kwarto nya si Phi. Kakauwi nya lang from office at umuwi lang sya para umidlip ng ilang minuto saka nagready para sa event. Napaka-busy nya talagang tao.

"Wait a second!" Iritado ang boses nito kaya pinuntahan ko na lang sya sa kwarto nya.

"Bakit ba-- Phi! Anong ginawa mo sa kwarto mo?"

Ang dami kasing nakakalat na damit sa bed nya tapos yung mga drawer ng cabinet nya lahat ay nakabukas. Yung mga unan nya nasa sahig na.

"F*ck! I can't find my ring." Naiinis nyang binato sa sahig ang hawak na damit.

Bihis na bihis na sya pero yung mukha nya parang ang laki ng problemang dinadala. Singsing lang naman pala ang hinahanap.

"C'mon, Phi. It's just a ring. Mamaya mo na lang hanapin. Late na tayo sa event."

Nanlilisik ang mga mata nya ng tumingin sa akin.

"Just a ring for you but not for me!" Tiim ang mga bagang nyang sabi.

Kinilabutan naman ako dahil alam kong galit sya.

"Singsing lang naman talaga yun diba? It doesn't mean anything."

It doesn't mean anything naman talaga diba? Please sumang-ayon ka Phi.

"Yeah, right!"

Naiinis syang umalis. Hindi ko naman alam ang gagawin at iisipin. Sumang-ayon nga sya parang galit naman. Ano ba yan?!

Niligpit ko na lang ang mga nakakalat na unan sa sahig at nilagay sa hamper ang mga damit na nasa bed nya.

"Napakamainitin talaga ang ulo ng lalaking yun." I was on the last pillow ng tumunog ang phone ko.

Si Dad tumatawag.

"Hello po, Dad."

"Era, nasaan na kayo? Kayo na lang ang hinihintay para makapag-start ang event."

Kahit malumanay ay alam kong naiinis na si Dad. Si Phi naman kasi.

"Paalis na po kami, Dad. May nangyari lang po dito sa bahay pero okay na din naman po." Nagpalusot na lang ako kesa naman lalong magalit si Dad.

"Okay."

Yun lang ang sinabi nya saka tinapos ang tawag.

I heaved out a sigh saka tinuloy ang ginagawa. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nanag may mahagip ang mata ko sa ilalim ng kama ni Phi. May nakit ako na kumikinang na bagay.

Yung hinanahanap nya na singsing. Kinuha ko yun saka ngumiti.

"Ikaw talaga, pinahirapan mo pa ang owner mo mghanap nasa ilalim ka lang pala ng kama." Natatawa kong sabi sa singsing na akala mo ay tao ito.

Kung nakapagsalita nga lang ang singsing baka sinabi na nito na hindi lang talaga marunong maghanap ang owner nya.

Lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso sa labas. Naghihintay kasi doon yung kotse na sasakyan namin. Nandoon na din si Phi na mainit pa din ang ulo.

Perks Of Being Mrs. ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon