16th

40.8K 686 12
                                    

#16
His First

Cleo's

"Cley, that's enough. Hindi maaalis ng alak ang nararamdaman mo kaya tigilan mo na yan!"

Pilit na inaagaw sa akin ni Dessa ang bote ng alak. Nakakaubos na ako ng apat na bote pero hindi pa din nawawala yung sakit.

Seeing Xymon introducing Era in front of his employees was so painful. Mas masakit pa sa tama ng alak sa aking ulo at tyan.

"That should be me, Dess. Ako dapat yung pinapakilala nya sa harap ng maraming tao."

I cried my heart out in so much pain.

"Ikaw nga dapat yun kung hindi mo sya iniwan at pinagpalit sa pangarap mo. Cley, that's already in the past. You need to move on. May asawa na si Xymon at hindi na ikaw ang mahal nya!"

Kulang na lang ay maging tactile yung mga salita ni Dess para maisampal sa akin. Alam ko naman na hindi na pwede eh. Pero malay mo, mahal nya pa rin ako.

"Pero ako, mahal ko pa rin sya! Hanggang ngayon mahal ko pa rin sya Dess. Bakit ganon lang kadali sa kanya na kalimutan ako?"

Napasubsob na lang ako sa mesa habang umiiyak. Hinihimas naman ni Dess ang likod ko na kahit papaano ay nakatulong sa akin.

"Iniwan mo sya. I saw how messed up his life when you left him. He even visited you in Paris pero nakita nya ikaw with some guy and the two of you were kissing."

"What? He saw me? When was that?"

Parang nagising bigla ang diwa ko sa rebelasyon na yun. Bakit hindi ko alam ang bagay na yun? Kailan nya ako binisita sa Paris?

"A month after you left, he visited you in Paris pero umuwi sya dito na sawi. Nalaman ko na lang kay tito Alfred ang mga nangyari. A few days after that nakita ko na lang sya na okay na. Back to his normal self na parang hindi sya nasaktan. Years passed at nalaman ko na lang kinasal na sya kaya nga tinawagan kaagad kita."

That's the real reason why I came back here. Iniwan ko ang trabaho ko sa Paris para bumalik dito sa Pinas. Gusto kong malaman nang personal nq kinasal na talaga si Xymon at hindi naman ako nabigo. Nalaman ko ang lahat kaya ngayon eto ako nagpapakalunod sa alak dahil hindi ko matanggap na ang lalaking akala ko hinihintay ako ay kinasal na pala.

"The guy he saw with me was Derek. The guy I thought could help me forget about Xy but he can't and no one can."

"Yun na nga eh. It's too late for you na. Move on ka na lang. Tama na yan."

Hinayaan ko na kunin ni Dessa ang bote na hawak ko.

Kaya ko bang mag-move on? I think I can't. I love him so much but he doesn't love me anymore and it's my fault.

"I want him back, Dess. I'll make him fall for me again." I said in my tipsy voice.

Lasing na kasi talaga ako. Umiikot na nga yung kwarto na kinaroroonan namin. Parang may earthquake.

"Sige, Cley. Sirain mo ang relasyon nila para mayari ka sa Mom and Dad mo. Hindi ka nila pinalaki at pinag-aral sa Paris para lang manira ng relasyon ng mag-asawa at para maging kabit."

Best friend ko ba talaga itong kasama ko o ang aking konsensya?

"Pero mahal ko talaga sya! I can't live another day without him."

Lalo akong pumalahaw ng iyak. Mabuti na lang nasa private room kami ng isang bar. Walang makakarinig sa akin at sa pibagdadaanan ko.

"Umayos ka Cassandra ha?! Hindi na nakakatuwa ang mga lumalabas dyan sa bibig mo! Naku, isusumbong talaga kita kay tita."

Perks Of Being Mrs. ValdezWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu