48 - MISUNDERSTOOD

32K 460 17
                                    





NYXIE's



Dinala namin sa ospital si Cleo dahil sa bleeding na nangyari sa kanya. Tinawagan na din namin ang parents nya na kasalukuyang nasa Davao dahil sa business trip pero nasa private plane na ngayon para mapuntahan ang kanilang anak.


Sa ngayon kami muna ni Wency ang nandito para magbantay kay Cleo. Tumawag din kanina ang mommy niya, pupunta daw dito yung pinsan ni Cleo para sa needed information ng pasyente.


"Bes, alis muna ako. Bibili lang ako ng kape at makakain. Nakakaantok magbantay dito."


Napakamainipin talaga ni Wency.


"Sige, pakibilhan na din ako ng makakain. Hindi pa kasi ako naglalunch at dinner."


Tumango lang ito saka lumabas ng silid. Naiwan ako sa tabi ni Cleo. Nakaupo ako sa silya na malapit sa hospital bed na hinihigaan ni Cleo.


"I still don't know what happened to you, Cleo. Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi mo sa nangyari sayo at sa sinasabi mong baby. Hindi ko alam kung anong kinalaman ni Phil sa nangyari sayo. All I know is you need someone right now at kahit na nagkasamaan tayo ng loob dati, I'll be here for you."


Napabuntong hininga na lang ako habang inaayos ang kumot ni Cleo.


"She lost her mind when she found out that our baby can't live because of her sickness."


Muntik na akong mapatalon sa gulat sa biglang nagsalita sa likuran ko. When I turned to look who it was, I saw Zade.


"We thought that having a little angel is a blessing. Pero nagkamali kami. That angel will kill Cleo kaya minabuti ng parents nya na icancel ang kanyang pagbubuntis. They killed our baby without our consent and when she learned about it she lost her mind. She's blaming herself for what happened. Kung hindi lang daw sana sya nagkasakit baka daw nakayanan ng katawan nya na buhayin ang baby namin."


Natameme ako sa sinabi ni Zade. Unang-una, may baby pala sila. So, sila din pala ang nagkatuluyan. Second, ganon pala ang ginawa ng parents nya kay Cleo. And third, may sakit si Cleo?


"Anong sakit nya?" Usisa ko.


He stepped closer to Cleo's bed. Inayos nya ang buhok na nakatabing sa pisngi nito.


"We still don't know kung ano ba talaga ang sakit nya. Ilang beses na syang pinacheck sa iba't ibang doctor here and outside the country pero walang makapagsabi sa totoong sakit nya. Some says it's acute leukemia and severe internal bleeding all over her body na may signs ng brain cancer and kakaiba daw ang reaksyon ng katawan nya sa medicine kaya walang maibigay na angkop na gamot ang doctor. She's enduring the pain for half of her life. Akala namin okay na sya dahil mahigit 2 years na wala syang kakaibang nararamdaman then suddenly when she got pregnant bumalik lahat ng sakit nya. Doctors said that pregnancy triggered her disease."


Awa ang tanging naramdaman ko towards Cleo.


" Maybe that's the reason why she badly wants to have a baby that she even asked Xymon to impregnate her."


Bahagyang nagulat si Zade sa sinabi ko. Hindi nya siguro alam ang bagay na yun.


"Nalaman ko lang yun nong sinabi nya na--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.


"She'll do anything just to be a mother even if it'll cost her life. My sweet Cleo.." Napansin ko ang mahina nyang paghikbi. "I love her so much that I don't want to lose her kaya mas pinili ko na wag na lang kaming magkababy. Hindi ko alam na ginawa pala nya yun kay Xyle. Sorry about that."


He continued to sniff so I decided to just leave them alone.


"It's okay. Naiintindihan ko naman si Cleo. Lalabas na muna ako Zade."


Tumango naman sya kaya lumabas na ako ng silid.


Nagtungo ako sa cafeteria at hinanap si Wency. I found here sleeping on one of the tables. Maghahating gabi na din pala.


"Wency, uwi muna tayo. Kasama na ni Cleo si Zade." Pupungas pungas na humarap sa akin si Wency at humikab pa.


"You sure?" Paniniguro pa nya.


Nakangiti naman akong tumango. We were about to leave when my phone rang.


Tumatawag si Daddy.


"Dad, napatawag po kayo. May problema po ba?"


"Era.. Si Xymon.." Pautal-utal na saad ni Dad.


"What about, Phil? Dumating na po ba sya?"


"He's already on his way when his plane crashed. Napanood ko sa balita na nag-crash ang private plane nyang si Alpha. He texted me earlier that he's coming tapos ngayon lang nabalitaan kong nag-crash ang plane nya."


Muntik na akong magcollapse dahil biglang nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni Dad. Mabuti na lang at nasalo ako ni Wency.


" W-Where is he now, Dad?" Garalgal ang tinig kong tanong.


" He's on the same hospital where Cleo was rushed."


Walang oagdadalawang isip na tumakbo ako papunta sa information desk ng ospital.


"Nurse, anong room ni Xymon Valdez. Sinugod sya dito kanina lang." Humahangos kong tanong sa nurse.


Tiningnan naman ng nurse sa computer ang sinabi kong pangalan. Habang si Wency ay hingal na dinaluhan ako.


"Era, anong nangyari kay Xymon?" tanong nya.


"His plane crashed." maikli kong tugon saka muling binalingan ang nurse.


"Mam, pasensya na po pero wala pong Xymon Valdez na naadmit po dito. Sigurado po ba kayo na dito po sa ospital na ito sya dinala?"


Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ng nurse.


"Pakicheck naman po ulit. Sigurado po ako na dito sya dinala." Mangiyak-ngiyak kong pakiusap dito.


Tumalima naman ito. Naantala lang ang pagdouble check nito dahil sa dumating na isa pang nurse.


"Nurse Rea, nakita mo ba yung pasyente na sinugod dito kanina. Yung piloto nong private plane na nagcrash kanina lang. Nakakaawa talaga. Mukhang malabo nang makasurvive yun." Lahad ng nurse na bagong dating habang abala sa mga papel na nasa desk.


Abot langit ang dasal ko na sana hindi si Xymon ang sinasabi nitong pasyente.


"Ano ka ba?! Tumahimik ka nga! Nakita mo nang may ibang tao oh." Saway nong nurse na kausap ko kanina saka ako binalingan. "Ah mam, pasensya na po talaga pero wala po sa records namin yung sinasabi nyong pasyente."


Binalingan ko naman yung nurse na bagong dating.


"Miss, yung sinasabi mong pasyente kamusta ang lagay nya?" I asked out of the blue.


"Yung totoo po, hindi po maganda ang lagay nya. Hindi ko po alam kung makakaligtas sya."


Sana hindi si Xymon ang taong yun.


"Anong pangalan nong pasyente, nurse?" Muli kong usisa.


Saglit na nag-isip ang nurse at pilit na inalala ang identity ng pasyente.


"Wala pa po kasing pamilya na pumupunta dito. Wala pa din pong binibigay na information ang mga pulis at rescue team tungkol sa identity nong pasyente. Ang alam ko lang po sya yung piloto nong private plane na Alpha na nag-crash kanina."


Doon na tuluyang gumuho ang mundo ko. This can't be happening.


Bakit sa lahat ng pwedeng maaksidente, bakit si Phil pa?


" Era, hindi pa naman tayo sigurado na si Xymon nga yun. Tatagan mo ang loob mo. Hanggat walang confirmation from authorities wag natin iassume na si Xymon yun. Let's just pray that it's not him."


Gusto kong sundin ang sinabi ni Wency pero paano? Paano ko iisipin na hindi si Xymon yun when all the circumstances and evidences say that it is him! How can I relax? Paano ako magiging matatag kung ang tao na tanging nagpapalakas sa akin ay nasa kritikal na kondisyon nang dahil din sa akin.


Umiiyak akong lumapit sa nurse.


"Nurse, nasaan yung pasyente? Gusto ko syang makita. I want to make sure that he's not my husband."


Naawa naman sa akin ang nurse na sinamahan pa kami sa kinaroroonan ng pasyente. Sa ICU kami dinala ng nurse.


Doon ko nakita ang nakaratay na pasyente. Puno ng benda ang katawan nito maging ang ulo. May mga tubo at hose na nakakabit sa katawan nito. Halos hindi na ito mahitsurahan.


"Phil..."


Humahagulgol akong lumapit sa bubog na naghihiwalay sa akin at sa nakaratay na pasyente.


"Gusto kong maniwala na hindi ikaw ang nakaratay na nasa harap ko.." Pilit kong pinapalakas ang loob ko.


Naramdaman ko ang paglapit ni Wency kaya nilingon ko sya. She's holding something.


"Binigay nong nurse na umasikaso sa pasyente." Inabot nya ito sa akin. "Baka daw makatulong para makilala ang pasyente."


I opened the box. Isang wallet ang laman non at ang relo na sa tingin ko ay pag-aari ng pasyente.


Nang buksan ko ang wallet ay nakita ko ang isang papel na nakatago sa pagitan ng mga pera. Familiar ang sulat kamay na yun. Hindi ako pwedeng magkamali, kay Xymon na sulat kamay yun at siya lang din ang pwedeng magsulat ng pangalan ko sa isang papel at itatago sa wallet.


"No! THIS IS NOT HAPPENING!!! PHIL!!"


Halos mawala ako sa sarili ko dahil sa aking natuklasan.



Si Phil... Ang lalaking nakaratay at agaw buhay ngayon.





= * = * = * = * = * = * = * = * = *

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now