50 - CONNECTION

32.6K 523 3
                                    



NYXIE's

Ilang linggo din ang lumipas bago namin nakausap ng maayos si Felix. Medyo malala ang nangyari sa kanya pero sabi ng doctor ay therapy at time lang ang kailangan para gumaling si Felix.


"Sir, sorry po sa nangyari sa private plane nyo." Hinging paumanhin ni Felix. Mula nang magkamalay sya ay ngayon na lang ulit namin pag-uusapan ang tungkol sa aksidente.


"Don't mind that as long as you're ok. Pero Felix gusto kong malaman kung bakit mo ginamit si Alpha gayong alam mong under repair ito." That's what we really wanted to know.


Hindi kaagad nakasagot si Felix. Tumingin ito sa akin. Kami lang kasi ni Felix ang bumisita sa kanya.


"Tapos na po kasi sir ang trabaho ko. Wala na akong silbi ngayon."


Naguguluhan ako sa sinabi ni Felix.


"You mean, you tried to kill yourself?!" May galit na tanong ni Phi.


Yun nga ba ang ginawa ni Felix kaya sya naaksidente?


"Y-Yes, sir."


"Why?!" This time galit na talaga si Phi. Pinakalma ko naman sya by massaging his hands.


Hindi naman nagsalita si Felix.


"We already know about your father so don't try hiding anything from us." Lahad ni Phi.


Nagulat naman si Felix sa sinabi ni Phi. Palipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa.


"Brenan is your father, am I right?" Mahinahon kong tanong.


Tumango naman sya. I gave him a smile.


"Just tell us everything, Felix. I know there's a reason behind that and killing yourself is not one. Tell us. " Phil said.


Humugot ng malalim na buntong hininga si Felix saka kinuwento ang lahat ng kanyang nalalaman.


"Nong malaman ko ang ginawa ni Papa kay Zandro Altamirano at sa pamilya nito, I promised myself na hindi ako magiging katulad nya na sisira ng buhay ng iba para umangat. I ran away from home and with the help of a certain Alfred Valdez , nabuhay ako. I treated him as my father. Later on nalaman kong sya pala si Zandro Altamirano dahil ako ang pinagkatiwalaan nya ng tungkol sa kanyang nakaraan. Nong malaman ko ang tungkol sa kanya nangako ako na itatama ko ang pagkakamali ni Papa at dahil na rin malaki ang utang na loob ko sa kanya. I was the one who put my father in jail. He promised me na magbabago na sya pero a few weeks ago I received a message from him. Nalaman nya na ako ang nagpakulong sa kanya at nagbunyag ng mga lihim nya. He's mad and he's planning to kill you, sir. Kaya ko ginamit si Alpha para ipalabas na namatay ka. I also called the media to announce your death."


So that's the reason why. He sacrificed himself to save Phil.


"You shouldn't have done that, Felix. You know how powerful I am and I can protect myself." Tiim ang bagang na saad ni Phil. Nagpipigil sya ng galit.


Napayuko na lang si Felix.


"I know that sir pero gagawin ni Papa ang lahat para saktan ka. He'll use everything even Miss Era." Tumingin sa akin si Felix. Napahigpit naman ang hawak ko sa braso ni Phil.

"Hiding is not the answer, Felix. Hindi kami masasaktan ng Papa mo. He is in jail, right?"


Mahinang tumango si Felix.


"I'll talk to your father. But first, magpagaling ka muna. Matagal mo na syang hindi nabibisita diba? Baka nagtatampo lang yun kaya nagpadala ng ganong mensahe." Singit ko sa kanilang dalawa.


"Sana nga po, Miss."


Nginitian ko si Felix para mapaganda ang pakiramdam nya. We let him rest at kami naman ni Phil ay nagplano nang umuwi. It's been a tiring week. Madaming mga nangyari.


Cleo has been discharge. She's taking a rehab and medication. About having a baby, I heard they're planning on doing a surrogacy.


It's a way different from giving birth to your own baby but that's the only way for them to have a child without risking Cleo's life. I'm happy for them.


"Drive me home, Mr. Valdez." kinawit ko ang braso ko sa braso ni Phil. Papalabas na kami ng ospital.


"My pleasure, Mrs. Valdez. We still have things to talk about."


Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mapupula nyang labi. Ewan ko ba pero parang may kiliti na dala ang kanyang ngiti.


Paglabas namin ng ospital sumalubong kaagad sa amin ang driver ni Phil dala ang kotse.


"Kuya Mike, pasundo na lang po kayo kay Manong Rey. Ihahatid ko pa po kasi si Nyxie."


"Sige po sir."


Inabot ni Kuya Mike ang susi kay Phil. Pinagbuksan naman nya ako ng pinto saka sya sumakay.


Tinahak namin ang daan patungo sa bahay. Malapit na palang gumabi. Ilang oras din pala kaming nag-stay sa ospital.



"I know it's a bit untimely to say this but Ny I can't wait a little longer. Hindi na ako makatulog sa gabi sa sobrang pag iisip."


Tiningnan ko si Phil nang may pagtataka. Iniisip nya siguro ang kalagayan ni Felix.


"You don't have to worry too much, Phi. Felix will be okay. Everything will be okay." I gave him smile pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. He's still worried and uncomfortable. "Ano ba yung gumugulo sa isip mo?"


"Us. I've been thinking about us. What will happen to us after this? Tayo pa rin ba?"


Hindi ko napigilang mapangiti.


"Don't give me a smile, Ny. I need an answer."


Lalo akong napangiti sa sinabi nya. So, all this time yun pala ang iniisip nya.


"Ano ba ang sagot na gusto mo?" I kidded which made him frown.


Napatawa ako sa hitsura nya. Parang bata.


"Do you see this?" Saka ko itinaas ang kamay ko para ipakita sa kanya ang suot kong singsing. "I'm still your Mrs. Valdez."


Nakahinga naman sya ng maluwag saka kinuha ang kamay ko at hinagkan ito.


"Thank you, my wife."


Saka lang sya ngumiti. I love those smile.


"Hindi ko nga alam sayo kung bakit ihahatid mo pa ako sa bahay. Our house is on the other way."


Ngumisi lamang sya saka nag-U-turn. Nabigla pa ako sa pagkabig nya ng manibela mabuti na lang nakaseatbelt ako.


"Let's go home." aniya saka pinaharurot ang kotse. Napailing na lang ako.



* * * * * * * * * *

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now