25th - Meet the Gang

35.7K 610 18
                                    

#25 - Meet the Gang

.

Nyxie's

.
"Ganda." Tawag ni ate Gayle sa kanya.

Yan ang tawag nito sa kanya minsan kapag inaasar or tinutukso sya.

"Bakit?" Tanong nya na hindi tumitingin dito kahit na ilang dipa lang ang layo ng mga mesa nila.

"May sundo ka."

Pagkasabi ni ate Gayle non ay agad syang napatingin sa bukana ng cubicle nila. Nakatayo doon ang nilalang na kanina nya pa isinusumpa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya kay Phi.

Alam naman nya na pinapunta ito ng ama nito para sunduin sya. Napakamasunurin talaga ng asawa nya.

"Alam mo kung bakit nandito ako. Sinabi naman siguro sayo ni Dad diba?" Mukhang masama ang timpla asawa nya. Ano kaya ang nangyari?

Minabuti na lang nya na wag na magtanong baka lalong sumama ang timpla. Kinuha na lang nya ang bag nya at ilang folders saka tumayo.

"Ano yan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang dala nyang dalawang makapal na folders.

"Mga project proposals from SmartLand at TechView. Hindi ko natapos ireview eh. Sa bahay ko na lang tatapusin. Let's go." Nauna na syang maglakad pero napahinto sya nang hinablot nito mula sa kamay nya ang folders.

"No work at home." Sabi nito saka binigay kay ate Gayle ang folders. "Reject these proposals." Sabi nito saka sya hinila paalis.

Nagpatianod na lang sya. About the proposals, they are worth rejecting. Tahimik lang sya habang nasa elevator sila. Hindi naman kasi nya alam kung okay lang ba magsalita. Baka pag umimik sya bigla sya nitong sigawang. Mukhang mainit pa naman ang ulo. Dahil siguro sa ginawa nyang pagsusumbong sa ama nito. Maybe she should avoid complaining to his father.

"What did Cleo tell you?" Napatingin sya rito.

So alam pala nya na si Cleo ang nakausap nya kanina nong tumawag sya rito.

"Sabi nya busy ka daw at nakakaabala daw ako sa inyo." Sagot nya.

Tiningnan nya ang reaksyon nito. Blank expression at diretso ang tingin, yan ang nakita nya. Akala nya may sasabihin pa ito kaya naghintay sya pero wala. Hindi na ito umimik kaya hindi na lang din sya umimik. She focused her eyes on their blurred reflection on the elevator door.

"Sorry."

Nagulat pa sya sa bigla nitong pagsasalita. Bakit kaya ito nag-sosorry?

"Para saan?" Tiningnan nya ito.

Tumingin ito sa kanya kaya nagkasalubong ang kanilang mga tingin. May pagtitinginan na sila! Shet!

"For leaving on you my responsibilities at the office." Saad nito.

Tumango lang sya rito kahit kanina namumutok na lahat ng ugat nya sa sobrang galit at inis.

"And for not answering your call."

This time napako na ang tingin nya rito. He suddenly looked away.

"I left my phone on the coffee table when I went to the kitchen to grab snacks for my friends. Pinakialaman ni Cleo kaya sya ang nakasagot. I'm sorry. Hindi naman ako busy. Dumating lang kasi ang mga kaibigan ko kaya hindi na ako nakapunta ng office. I know you're mad at me. Babawi ako. I promise, Ny." Paliwanag nito.

Tama ba ang narinig nya? Nagpaliwanag si Phi kahit hindi naman nya hinihingi ang explanation nito. Bago ito ah.

"You don't have to explain, I understand. And promises are made to be broken." Sabi na lang nya. Bigla na lang kasi nawala yung inis nya rito.

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now