34 - Lost Time

32.1K 490 4
                                    

#34 - Lost Time
 
 
 
Nyxie's POV

 
 
Nanghihina syang bumangon nang marinig ang alarm clock na nagwawala sa sobrang lakas ng tunog. She turned it off. Humarap sya sa kanyang vanity mirror. Napabuntong hininga na lang sya. Another sigh for another day without him.

It's been two weeks since he left. Hindi pa ito tumatawag simula non. Hindi naman nya ito matawagan dahil hindi naman ito naka-roaming. Iniwan nga nito ang phone nito sa drawer ng side table sa kwarto. Sa kwarto rin nito sya natutulog para hindi nya ito masyadong mamiss.

Today is their final examination. Sana hindi sya ma-distract ng pagkamiss kay Phil.

"Hija.."

Napapitlag sya sa mahinang tawag ng Daddy nya.

"Bakit po, Dad?" Namamaos pa ang boses nya dahil sa pagtulog.

Binuksan nya ang pinto saka hinarap ang ama.

"Maaga ang tapos ng exam mo mamaya diba?" Tumango sya bilang tugon. "Pwedeng samahan mo ako sa kompanya?"

Dalawang linggo ko na din na napapansin na gusto ni Dad na lagi akong nakikita at nakakasama. Maliban pa doon ang lagi namong pagbabonding dito sa bahay. Lagi kaming kumakain sa labas at binibili nya lahat ng makita nya na bagay sa akin like damit, alahas, sapatos, kotse at kung anu-ano pa.

Maybe he's just filling in the lost time being my father.

Siguro dapat na gawin ko ang part ko as daughter. Wala muna sigurong Phil na dapat kung isipin. It's just me and Dad.

"Sure, Dad." Masigla nyang sagot.

Napangiti naman ang ama nya. "Great! Susunduin na lang kita mamaya sa school nyo. Have a great day, hija. And good luck to your examinations. Make me proud."

Kinurot pa nito ang pisngi nya pero mahina lang naman.

"I will, Dad. You'll be so proud of your architect daughter." She gave him a wink.

"I'm already so proud of you even if your not yet an architect, hija. If only your mom is still here, she will be the proudest mother. You grew up to be just like her. So much like her." Puno nang pagmamahal nitong sabi.

Napangiti naman sya kasabay ng pagyakap dito. 

"Nagmana din naman ako sa inyo, Dad."

Tumawa lang ito saka gumanti ng yakap.

- - - - - - - -

Paglabas nya galing sa huling subject nya ay tinawagan kaagad nya ang ama. Naghihintay na pala ito sa parking lot ng school nila.

"Kanina pa ba kayo, Dad?" Tanong nya nang sumakay sya sa backseat katabi nito.

"Not that much. Let's go, Henry."

Pinaandar naman kaagad ni kuya Henry ang kotse. This is the first time na pupunta sya sa kompanya simula nang umalis si Phil.

Opps! No Phil pala muna.

Napalinga sya sa ama nang hawakan nito ang kamay nya.

"Namimiss mo sya?"

"Hindi naman po maiiwasan yun." Aniya saka pilit na ngumiti.

Hindi na ito sumagot pa. Bumalot ang katahimikan sa pagitan nila na lalong nakadagdag sa pagtataka. Kanina pa kasi nya napapansin na parang may gustong sabihin ang ama. Kanina pa nito tinitingnan ang suot nyang wedding ring nila ni Phil.

Perks Of Being Mrs. ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon