23rd - The Disbanded Band

38.2K 602 12
                                    

#23 - The Disbanded Band

.

Nyxie's

.

Kaya pala ganon na lang kadami ang fans ng XP na yun. Sikat naman pala kasi talaga sya dati. Ikaw ba naman ang maging lead vocalist ng banda ng school, tingnan natin kung hindi ka maging sikat. Idagdag pa na gwapo sya, matangkad, matipuno at may nakakatunaw na titig.

Hindi ko lang alam kung bakit wala na yung banda nila na yun ngayon. Hindi naman kasi sinabi sa website ng school.

Anyway, another day na naman para pumasok sa aking sintang paaralan. Sana naman wala na yung mga fans ng mokong na yun.

"Good morning po, Mam." Salubong sa akin ni Dana.

"Good morning din po, ate Dana." Ganting bati.

Mas matanda kasi sila sa akin kaya mga ate at kuya ko sila. Ate Dana is 22, ate Vera is 21, and the twins are both 23.

Napakasigla talaga ng aura ni ate Dana. Nakakahawa din ang ngiti nya. Kaya kahit medyo badtrip ako dahil hindi ko kasabay mag-breakfast si XP ay ayos lang. Smile lang parang si ate Dana na opposite naman ni ate Vera.

"Ate Vera, hindi po uso sa iyo ang ngiti?" Tanong ko nang kapwa na kami nasa loob ng kotse. Ihahatid na kasi nila ako sa school.

"Wala naman po dapat ikangiti, mam." Tipid nyang sagot.

"Anong wala?! Ate Vera, ang daming reason para ngumiti. Isa na dyan ang kagandahan nating tatlo na araw-araw nating problema. Oh my! Ganda problems be like.." Inakbayan ko silang dalawa. Nasa backseat kasi ako at nasa front seat naman sila. Si Ate Vera ang nagmamaneho.

Nagtawanan naman silang dalawa. Sa wakas narinig ko din silang tumawa. Sana kasama namin sina kuya Hector at kuya Henry.

Ilang minuto lang ay nasa harap na kami ng school. Pinakiusapan ko na lang sila na wag na akong samahan sa bawat klase ko. Ayaw nilang pumayag nong una pero nong sinabi ko na nagpaalam na ako kay XP ay agad silang pumayag kahit hindi naman talaga ako nagpaalam. Liar.

"Mam, pinabibigay nga po pala ito sa inyo ni Sir Philip." Inabot sa akin ni ate Dana ang isang maliit na kahon.

Nagtataka ko itong kinuha. Ano naman kaya ito?

Umaalis na sina ate Dana kaya naiwan akong mag-isa sa hallway. Although, may mga students na pakalat-kalat.

I opened the box. Lumantad sa magaganda kong mga mata ang pares ng magagandang hikaw.

Bakit naman kaya ako bibigyan ni XP ng hikaw? Hindi ba bagay sa akin ang suot kong hikaw?

Ah siguro peace offering nya dahil sa nangyari kahapon. Ilalagay ko na sana sa bag yung box nang mapansin ko na may kasama pala yun na maliit na note.

Ny,

Always wear this. They're beautiful like you.

- Xy

In fairness, nauto nya ako don. Nakangiti kong tinanggal ang hikaw ko at sinuot ang bigay ni XP. Kinuha ko ang salamin ko sa bag at tiningnan kung bagay sa akin ang hikaw.

"Wow!" Bulaslas ko nang makita ang repleksyon ko sa salamin.

Tama si XP, maganda nga ang hikaw. Mas gumanda lang nong naitabi sa maganda kong mukha.

Halata na mamahaling bato ang nasa hikaw at makikita na personalized pa ang pagkakagawa nito. Sigurado ako na hindi ito mabibili nang isang ordinaryong tao. For sure kasi mahal ito at tanging mga tao sa elite society lang na tulad ni XP ang makakabili non.

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now