33 - Absence

32.1K 506 4
                                    

#33 - Absence 

.

.

Nyxie's

.

Nagising sya sa kaluskos na narinig sa paligid. Kasunod ng ingay na narinig ay ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Napamulat sya habang nakaharang ang isang kamay sa pinanggagalingan ng araw.

"Mabuti naman at gising ka na." Boses yun ni ate Tess.

Napabalikwas sya ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Agad nyang tiningnan ang espasyo sa tabi nya kung saan nakapwesto kagabi si Phi. Wala nang nakahiga roon. Wala si Phi sa tabi nya.

"Ate, nakabangon na ba si Phi?" Tanong nya sa babaeng nagliligpit ng mga ginamit nilang plato at mga baso kagabi nong nagmovie marathon sila.

Nagtataka itong tumingin sa kanya saka sinulyapan ang orasan sa side table.

"Dalawang oras na mula ng umalis si Sir Xymon papuntang airport. Hindi nya ba sinabi sa iyo na ngayon ang alis nya?"

Namilog ang mata nya sa sinabi nito.

Walang pasabi syang tumayo at tumakbo palabas ng silid. Agad syang nagtungo sa kwarto ng ama pero wala ito doon. Sunod nyang pinuntahan ang kusina baka sakali na niloloko lang sya ni ate Tess. Pero wala.

Sunod nyang pinuntahan ang garahe. Ginamit nya ang kotse na binili nito para sa kanya. Pupunta sya ng airport baka maabutan nya pa ito. Hindi man lang sya nito binigyan ng pagkakataon para makapagpaalam rito. Bigla na lang umalis. Parang kagabi lang ang saya pa nila. Kaya pala gusto nito na magkatabi silang matulog dahil yun na pala ang huling gabi na makakasama nya ito.

Habang nagmamaneho ay sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang luha. Nanlalabo na din ang paningin nya pero kailangan nyang makarating sa airport. Malapit na sya sa airport nang may matanaw syang kakaalis lang na eroplano.

Sana wala doon si Phi. Dasal nya. Mas lalo pa nyang binilisan ang pagmamaneho. Nang marating ang airport ay mabilis syang bumaba at dirediretsong pumasok sa loob. Alam nyang may mga humahabol sa kanyang airport security pero wala syang pakialam. Kailangan nyang maabutan si Phil.

Nagtungi sya sa departure area para tingnan kung nakaalis na ang flight nito. Nanlumo sya nang makita na ilang minuto pa lang mula nang umalis ang flight nito. Natampal nya ang ulo habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Nanghihina syang napaupo. Wala syang pakialam kung nakakuha sya ng atensyon.

"K-Kung sana inagahan mo ng gising naabutan mo pa sana sya." Paninisi nya sa sarili habang patuloy pa din sa pagtampal sa ulo.

"Excuse me po mam pero kailangan nyo pong sumama sa amin. Bawal po ang ginawa nyong pagpasok sa airport na walang pahintulot."

Tiningnan nya ng masama ang lalaking humawak sa braso nya. Natakot naman ito kaya agad syang binitawan.

"Pabalikin nyo ang flight papuntang US. Yung kaaalis lang. Pakiusap.." Hinawakan nya ang binti ng lalaki saka lumuhod sa harap nito.

"Hindi ko po kayang gawin yun, mam. Mabuti pa po sumama na lang kayo sa akin. Yung may-ari po ng airlines ang kausapin nyo baka po kaya nyang gawin ang pinapakiusap nyo."

Dinala nga sya ng lalaki sa opisina ng may-ari ng airlines. Alam nyang hindi sya presentable ngayon pero malay mo makatulong ang bagong gising nyang get up para pagbigyan ang pakiusap nya.

"Mam, nandito na po yung babaeng sinasabi nyo."

Mula sa nakatalikod na swivel chair ay tumayo ang isang babae. Sa tingin nya ay matanda lang ito sa kanya ng anim na taon. Bata pa kasi ang hitsura nito. Maganda din ito at halata sa tabas ng kilay nito na hindi maganda ang ugali nito.

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now