6th

48.1K 798 11
                                    

#6
Perks #1: You can get the stuffs that you want.

Nyxaviera's

Maaga akong nagising tulad ng nakasanayan ko. 5:30 pa lang ay naliligo na ako. 6:30 ay all set na ako para pumasok pero huli na nong marealize ko na hindi nga pala ako makakapasok ngayong araw.

"Oh bakit parang pinagsakluban ng langit at impyerno yang mukha mo. Ang aga-aga ang pangit mo."

Sinamaan ko ng tingin ang kabababa lang na si XP.

"Mas okay nang sa umaga lang pangit kesa naman maghapon at magdamag na pangit." Masungit kong sagot.

He chuckled. "Oo nga naman."

Ang aga nya mang-inis ah. Sira na nga ang araw ko lalo pa nyang sisirain.

"Nakakainis!" I muttered.

Padabog kong sinipa ang couch.

"Ano bang problema mo, Nyxaviera?" Naiinis na din na tanong ni XP.

Hindi ko naman sya pinansin. Pasalampak akong umupo sa couch at kinuha ang throw pillow saka ito pinaghahampas.

"I.hate.my.life!" Naiinis kong sabi.

"Kung ayaw mo sa buhay mo wag mong pagbalingan ang throw pillow ko." Hinablot nya sa akin ang unan. Tiningnan ko naman sya ng masama. "Bakit ba hindi ka pa pumapasok sa school?"

Lalo akong nainis nang banggitin nya ang school. Bigla akong nag-beast mode.

"Paano ako papasok sa letseng SDU na yun kung wala akong kotse at wala akong ID?! Kinuha ng Priscilla na yun ang ID ko!" I shouted at him.

Hinihingal pa ako na tumingin sa kanya. Bahagya naman syang natigilan pero nakabawi din kaagad. Tumawa pa ito bago ako tinalikuran.

Akala mo naman kung sinong gwapo!

Mangiyak-ngiyak naman akong sumandal sa couch. Ano nang gagawin ko ngayon? Paano na ako papasok? Malapit na pa naman ang midterm.

Tatawagan ko sana si Hazel pero naalala ko cut na nga pala ang postpaid plan ko. Bagsak ang balikat na tumayo ako at aakyat na sana sa kwarto nang may humawak sa kamay ko.

Gulat akong napatingin sa may-ari ng kamay. Akala ko kasi multo, si XP lang pala.

"XP?" Gulat kong tanong. "Akala ko ba umalis ka na?

"Paano ako aalis kong nandito pa ang kasabay ko?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"Iisang lugar lang naman ang pupuntahan natin diba? Sumabay ka na sa akin." He said saka ako hinila palabas ng bahay.

Sumakay kami sa kotse nya na black Lamborghini lang naman.

"Seat belt." Aniya.

Mabilis ko namang kinabit ang seat belt ko. Inistart nya ang engine saka nagmaniobra para makalabas kami ng garahe.

"Sigurado ka ba na isasabay mo ako? Kasi baka msayang lang yung paghatid mo. Sigurado kasi na hindi ako papapasukin sa school dahil wala akong ID." Nag-aalangan ko syang tiningnan. Nakangiti lang sya habang nagmamaneho.

"It's all been taken care of, Mrs. Valdez." He glanced at me then smile.

Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong nagblush ako sa ginawa nya. Am I really affected with his smile? No!

Ipinilig ko ang ulo ko saka humugot ng malalim na buntong hininga.

"XP--"

"Stop calling me XP. I am a person with a name, Mrs. Valdez."

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now