11th

42.9K 697 13
                                    

#11
Perks #4: You can drive the car that you want

Xymon's

Pagkatapos kong makausap si Dad ay tinawagan ko naman ang secretary nya na si Felix.

"Sir, napatawag po kayo." Bungad ni Felix.

Matagal na syang secretary ni Dad. May 10 years na din siguro kaya alam nya lahat ng tungkol kay Daddy.

"Nasaan kayo ni Dad ngayon? I know you don't have any business meeting to attend to. So, tell me, nasa hospital ba kayo ngayon?"

Alam kong loyal si Felix kay Dad pero alam din nya na hindi sya pwedeng magsinungaling sa akin.

"Sir, bilin po ng Dad nyo na wag sasabihin sa inyo kung nasaan kami ngayon. Sya na ang po ang kausapin nyo, sir. Kailangan ko na pong ibaba ang telepono. Sige po."

Mabilis na naputol ang tawag pagkasabi non ni Felix. May tinatago talaga sila sa akin.

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Come in."

Pumasok ang office secretary ni Dad na si Gayle.

"Sir, may papel po na dumating galing sa HR. Applicant daw po para sa position na iniwan ni Katie."

Katie's my personal secretary. Sya ang kasama ko sa bawat meeting at sya din ang inuutusan ko kapag may emergency sa opisina.

"Let me see."

Inabot naman nya sa akin ang isang folder. Napailing ako ng makita kung kaninong resume ang nasa folder. It's Nyxaviera's.

Tinotoo nya talaga yung sinabi nya na magtatrabaho sya sa kompanya. Great! Sa akin sya magtatrabaho.

"Nasa labas ba sya ngayon?" Tanong ko kay Gayle.

"Yes, sir."

"Send her in."

Lumabas si Gayle at pagbalik nya kasama na nya si Nyxaviera na mukhang hindi na nagulat na makita ako. Parang inis pa rin nga sya sa akin eh.

"Iwan mo na kami, Gayle."

Sumunod naman si Gayle at naiwan kaming dalawa ni Nyxaviera.

"Saan ang magiging opisina ko?"

Napataas naman ang kilay ko sa tanong nya.

"What made you so sure na tatanggapin kita?"

Umupo sya sa couch na nasa tapat ng table ko at pinagsalikop ang braso sa tapat ng dibdib nya.

"I've already talked to the President and he accepted my application."

Pinakita pa nya ang phone nya.

"Dad called you?" Paniniguro ko.

"Yes at nakikiusap sya na bumalik na ako sa bahay. I told him that you sent me away."

Napatayo naman ako sa sinabi nya. Did she just lie?

"What?! Hindi kita pinalayas! Ikaw ang kusang lumayas!" Hindi ko napigilan na sigawan sya.

Hindi ko naman talaga sya pinalayas. Kusa syang umalis sa bahay.

"Wow! Hindi pa ba pagpapalayas yung give me some peace na linya mo?" She said sarcastically.

Napasabunot na lang ako. Hindi ako makapaniwala na sinabi nya yun kay Dad. She's really unbelievable.

"Bawiin mo yung sinabi mo na yun kay Dad. You know it's not true. Hindi kita pinalayas!"

Perks Of Being Mrs. ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon