46 - Again

32.7K 466 2
                                    

 
  
AGAIN
 
  
 
Nyxie's POV
 
 
 
Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang magkausap kami ni Xymon sa cafeteria ng ospital. Magkikita sana ulit kami kahapon pero may emergency meeting daw sya with stakeholders sa Hongkong kaya nacancel ang pag-uusap sana namin.
 
 
"Dad, are you ready? Uuwi na tayo." Excited kong tinulak ang wheelchair na sinasakyan ni Dad.
 
 
"So excited, Era. Namiss ko na ang bahay namin ng mommy mo."
 
 
Napangiti na lang ako kay Dad. Si Kuya Alvin, ang bagong driver ni Daddy ang maghahatid sa amin sa bahay.
 
 
Paglabas namin ng ospital ay agad kaming sinalubong ni Kuya Alvin. Magkasing edad lang siguro sila ni Kristoff.
 
 
"Kuya, pakilagay po nito sa compartment. Ako na po bahala kay Daddy."
 
 
Inabot ko kay Kuya Alvin ang bag ng mga gamit ni Dad. Saka ko naman inalalayan na makasakay si Daddy.
 
 
"Let's go!" Excited na hiyaw ni Daddy.
 
 
Natatawa na lang akong tumabi sa kanya.
 
 
"Kuya, daan po muna tayo sa pharmacy para bumili ng mga gamot ni Daddy."
 
 
"Sige po, mam."
 
 
Tinahak namin ang abalang kalsada dahil sa dami ng mga sasakyan at commuters. Medyo traffic din kaya stock kami sa gitna ng daan.
 
 
I grabbed my phone to message Xymon.
 
 
Me:
     Phil, pauwi na kami ni Dad. When are you coming back?
 
 
I hit the send button and waited for his response. Wala pang ilang segundo ay tumunog ang cellphone ko.
 
 
XP:
     I'll be there when you open your eyes tomorrow morning. Can't wait to see you, Ny.
 
 
Hindi ko napigilang mapangiti. Kinikilig ako.
 
 
"Si Xymon ba ang katext mo?"
 
 
Nabaling kay Daddy ang pansin ko. Katabi ko nga pala sya. Marahan naman akong tumango pero hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi.
 
 
"Okay na ba kayo?"
 
 
"I still can't answer that, Dad. Mag-uusap pa po kami pag-uwi nya. May mga bagay na dapat na linawin sa pagitan namin." And she's hoping na sana maayos nga ang gusot sa pagitan nila.
 
 
"I'm happy to hear that. Sana magkaayos na kayo para naman maging masaya na ang ama mo kung nasaan man sya ngayon."
 
 
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Dad. I looked outside the car as a red Lamborghini stopped beside our car. Traffic kasi kaya nakahinto kami.
 
 
Tiningnan kong mabuti ang kotse. Familiar sa akin ang kotse parang nakita ko na ito pero hindi ko matandaan kung saan at kelan. May kung anong nag-udyok sa akin para silipin ang plate number ng kotse. Dahil nasa may unahan nila ito nakahinto madali nyang nasilip ang plate number.
 
 
She took a photo of the car and the plate number saka pinadala ang pictures kay Wency at Kristoff. May mga koneksyon kasi ang mga yun sa LTO. Hindi nya alam kung bakit ganon sya kacurious sa katauhan ng may-ari ng kotse. Nang makita nya kasi ito ay nakaramdam sya ng kaba.
 
 
Umusad na ang traffic kaya mabilis na nawala ang pulang kotse sa paningin nya. Dumaan sila sandali sa isang pharmacy saka dumiretso pauwi. Ilang minuto pa ay nasa tapat na sila ng kanilang tahanan.
 
 
Sinalubong kaagad sila nina Manang Tess at Aling Lydia.
 
 
"Welcome home, sir Xavier!" Salubong ng dalawang ginang.
 
 
"Salamat. Naku, kayong dalawa 'wag na' wag kayong masyadong magpapagod sa trabaho, baka matulad kayo sa akin." Sabi pa ni Dad.
 
 
Masaya kaming naglakad papasok sa loob ng bahay ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok ay isang mahinang pagsabog ang nagmula sa malaking gate ng bahay. Napayuko kaming lahat kasabay ng pagsabog.
 
 
"Ano yun?!" bulaslas ni Dad na agad hinarang ang katawan nya sa akin para protektahan ako.
 
 
"Kuya Alvin, pakitawagan po ang security ng village. Wala po munang lalabas ng bahay hanggat hindi dumarating ang security." Singit ko kay Dad. Agad namang tumalima si Kuya Alvin. "Pumasok po muna tayo sa loob. Manang pakialalayan po si Dad. Tatawagan ko lang po si Phil."I
 
 
Nanatili ako sa porch para tawagan si Phil pero bago ko pa maidial ang number nya ay may mensaheng dumating galing kay Wency.
 
 
Wency:
    The car is registered to certain Cassandra  Leona San Diego. Do you know her?
 
 
Kaya pala pamilyar sa akin ang kotse na yun. It's Cleo's car. After nong naging incident sa reunion ng dating banda ni Phil ay hindi na kami nagkita. Wala na din akong naging balita sa kanya.
 
 
Me:
    I know her. Kaibigan sya ni Phil.
 
 
Hindi ko na muna sinabi kay Wency ang tungkol sa nangyaring pagsabog samay gate ng bahay namin. I decided to call Phil as soon as I hit the send button to Wency.
 
 
"Nakauwi na ba kayo ni Dad?" tanong kaagad nito nang sagutin ang tawag.
 
 
"Yes, kakauwi lang namin. But something happened." Naputol ang sasabihin ko dahil saktong dumating naman ang apat na security ng village kasama si Kuya Alvin.
 
 
"Ny, what happened?" Bakas ang pag-aalala sa tinig nya.
 
 
"It's not that big, Phi. May sumabog kasi sa may gate ng bahay namin. Hindi ko pa sure kung gaano kalaki yung damage. Nandito na din naman ang mga security. I just called to say that we're home." Yun lang naman kasi talaga ang reason kaya tumawag ako. I want to tell him that we're home.. Safely, so far.
 
I ended the call as soon as we bid our good byes.
 
 
Binalingan ko naman ang mga security na iniimbestigahan ang nangyaring pagsabog. Nanatili lang akong nakatayo sa porch at tinatanaw lang ang ginagawa nila. Lumapit naman sa akin ang isang security.
 
 
"Hindi naman destructive ang bombang ginamit, mam. Mahinang klase lang ito at mukhang ginawa lang para manakot. May kagalit po ba ang pamilya nyo, mam?" tanong ng sa tingin ko ay head ng security.
 
 
Sinilip ko muna ang naging damage ng pagsabog. May konting yupi at sunog ang gate na yari sa makapal na yero.
 
 
"Wala naman pong kagalit ang pamilya namin. Matagal na din po kaming nakatira dito at ngayon lang po ito nangyari."
 
 
Napaisip ako sandali sa kung sino ang pwedeng gumawa nito pero wala talaga akong maisip. May naging kagalit ba si Daddy? Wala naman syang naikukwento sa akin.
 
 
"Ganon po ba, mam. 'Wag po kauong mag-alala, pag-aaralan po namin ang CCTV ng buong village baka po nakunan ng CCTV ang gumawa nito. Ia-update po namin kayo kaagad pag may nakuha po kaming impormasyon. Sa ngayon po, mag-aassign na lang po ako ng security para magbantay po sa pamilya nyo. Ok lang po ba yun?"
 
 
We really need security for our safety.
 
 
"Ok lang po. Paki-update pa ako kaagad, sir. Salamat po."
 
 
Umalis na ang head security sa bahay pagkatapos na kunin ang mga ebidensya. Ilang sandali lang din mula nang umalis ang mga ito ay dumating ang limang armadong mga lalaki na syang magbabantay sa bahay at sa amin.
 
  
Pinapasok ko na din ng bahay si Kuya Alvin para makapagpahinga. Dad was already asleep when I checked on him.
  
  
Pagod na pagod ang katawan ko nang mahiga sa aking kama. Ilang oras na lang pala ay lunch time na pero hindi ako nakakaramdam ng gutom kaya iidlip na lang ako.
 
  
Naglagay muna ako ng note sa pinto ng kwarto ko para hindi ako gisingin nina Manang Tess. I just want a good sleep today bago harapin ang bagong problema.
 
  
 
"I miss you, Phi. Sana walang koneksyon ang nangyari kanina sa relasyon natin." Nasabi ko na lang habang nakatingin sa picture ni Phi na nasa kwarto ko.
 
 
Kanina pa kasi masama ang kutob ko. Mula nang makita ko ang pulang kotse na pagmamay-ari ni Cleo.
 
 
May kinalaman kaya sya rito?
 
 
" Sana naman wala." I whispered before falling asleep.
 
  
  
 
  
*=*=*=*=*=*=*=*=*=*

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now