27th - Valdez

35.7K 564 9
                                    

#27 - Valdez

.
Xymon's

.
They sat side by side in front of their rectangular pool. Nakalubog ang kanilang mga paa sa tubig. Nilalaro ni Ny ang tubig habang nakatingin naman sya sa langit.

"So, how did your mom and dad meet?" Untag nito sa kanya.

"Bagsak na bagsak na ang negosyo namin non nang dumating sa buhay namin si dad. Five years after my real father died, dad Alfred came to our doorstep asking for some help. He was like a beggar that time. Mabait si mom kaya tinulungan nya ito, she helped him without expecting anything in return." Huminto sya sandali nang tingnan sya ni Ny, nakakunot ang noo nito.

"Hindi mo totoong ama si Sir Alfred??"

Umiling sya bilang tugon.

"Nong araw na isusurrender na sana ni Mom ang negosyo namin, nag-alok ng tulong si dad Alfred. Mom take the risk kahit na hindi nya kilala si dad that time. Dad Alfred worked hard para maibangon ulit ang kompanya. Nagtaka nga kami non dahil marami syang alam sa negosyo, later on we learned that he's a businessmen. Unti-unting nakabangon ang negosyo namin at kasabay non ang pagkakamabutihan nina mom at dad Alfred. Hindi ako tumutol sa kanila dahil malaki amg utang na loob namin ni mom kay dad. Alam ko din na minahal talaga ni dad si mom at malinis ang pakay nito sa pagpasok sa buhay namin. Nalaman din namin ang totoong nangyari sa kanya bago sya napunta sa harap ng bahay namin. He's a blessing to us. Kung hindi dumating si dad baka isa na akong pulubi. I owe my life to him kaya lahat gagawin ko para sa kanya. Mom married him just before she died." Naalala nya nang ikasal ang ina nya sa pangalawa nyang ama. Sobrang saya nito.

"Mabuti na lang pala dumating si dad Alfred nong sandaling kailangan nyo ng anghel. Ano nga palang nangyari sa dad mo, bakit sya napunta sa tapat ng bahay nyo?"

Nakatunghay ito sa kanya habang naghihintay ng sagot. Hindi nya napigilang mapangiti. Para kasi itong bata na naghihintay sa bedtime story. He tacked a few strands of her hair on her ears and smile.

Tumingin sya sa tubig ng pool. "Sabi ni Dad naaksidente daw ang sinasakyan nyang kotse habang papunta sya sa meeting place nila ng fiancé nya. Mabuti daw naisugod sya sa ospital pero hindi daw don natapos ang lahat. Nalaman nya na plinano ng mortal nyang kaaway ang aksidente at ang masaklap pa daw pinalabas nito na patay na sya sa lahat ng kamag-anak, kaibigan at maging sa fiancé nya."

Awang-awa sya sa Dad nya nang malaman ang bagay na yun sa kanyang nakaraan.

"Bakit hindi sya bumalik sa pamilya nya? Saka bakit hinayaan nya na mangyari ang lahat ng yun."

Malungkot syang ngumiti bago nagsalita. "Malala ang naging pinsala ng aksidente kay Dad..it took him a year bago nakarecover. Nong bumalik sya sa pamilya nya wala na lahat. His parents died a month after nyang maaksidente. Car accident din daw ayun sa mga pulis. Wala na din ang mga businesses na pinundar nya, napunta lahat sa mortal nyang kaaway. Isa lang ang pinapasalamat nya.." Saglit syang huminto para tingnan ang katabi.

"Ano daw yun?" Tanong nito.

"Her fiancé got away. Nakatakas ito sa kamay ng mortal nyang kaaway pero hindi nya alam kung nasaan na ito. Dad has nothing that time. Naging palaboy sya hanggang sa mapadpad sya sa bahay namin."

Tatango-tango ito nang matapos nyang sagutin ang mga tanong nito. Sandali itong tumahimik. Naalala nya ang picture ng ina nito, kamukha kasi ito ng babaeng nasa picture sa kwarto ng ama. Sabi ng ama nya yun daw ang fiancé nya.

Hindi kaya anak si Ny ng fiancé ni Dad?

"Ny, what's your mother's maiden name?" Usisa nya.

Napakunot ang noo nito pero sinagot din naman ang tanong nya.

"My mom? Ahm.. Nina Victoriano Ocampo. Bakit, Phi?"

Natigilan sya. Nina Victoriano Ocampo.. Ang pangalang sinabi ng Dad nya. Ang babaeng papakasalan sana nito. Ibig sabihin..ang ina ni Ny ang fiancé ng ama nya.

"Yun din ang pangalan ng fiancé ni Dad." Napatitig sya sa mukha ng kabiyak. Inaabangan nya ang magiging reaksyon nito kung magtataka ba o magugulat.

Muli na namang kumunot ang noo nito. "Seriously? Are you kidding me, Phi?" Natatawa nitong tanong.

He shook his head. Sana nga biro lang ang sinasabi nya. Bigla itong naging seryoso nang umiling sya. They're both looking at each other, with questions in their eyes.

"I need to talk to your Dad." Sabi nito.

Napatango na lang sya. Nauna na itong tumayo at hindi na sya hinintay pa. Nagmamadali itong pumasok sa loob ng bahay na parang may humahabol dito. Sya naman ay naiwan na nakatulala at pinagtatagpi pa din ang nalaman.

Tama nga kaya ang hinala nya na iisa ang ina ni Ny at fiancé ng Dad nya? Kung tama nga ang hinala nya, ano ng mangyayari?

Kinuha nya ang phone sa bulsa at tinawagan ang ama.

"Xymon, bakit napatawag ka?" Bungad kaagad nito sa kanya.

Huminga muna sya ng malalim. "Dad, tita Nina's full name is Nina Victoriano Ocampo, right?" Walang pag-aalinlangan nyang tanong.

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Yes, son. Bakit bigla mong naitanong?"

"Nyxaviera's mom is Nina Victoriano Ocampo. Is she and Tita Nina the same person?" Kinakabahan sya sa isasagot ng ama. Pag nagkataon kasi baka magulo nito ang samahan nila ni Nyxaviera.

Imposible din na hindi ito alam ng ama nya. Unang una, ito ang nag-asikaso ng kasal nila kaya imposible na hindi nito malaman ang pangalan ng ina ni Nyxie. Kilala nya ito, makilatis ito sa tao at imposibleng hindi nya pinabackground check si Ny. Pangalawa, malakas ang kutob nya na sinadya nito na maging collateral sa utang ni Mr. De Guzman ang anak. Pero bakit naman nya gagawin yun? Para maghiganti sa fiancé?

Naguguluhan na sya.

"Yes. How did you know about this? Napag-usapan nyo ba ni Nyxie? Alam ba nya na kilala ko ang ina nya?" Sunod-sunod na tanong ng ama.

Bakit masyado itong concern kay Nyxie? Anong relasyon ba meron sa asawa nya at sa ama nya?

"Sa tingin ko mas okay na kayo ang magpaliwanag sa kanya, dad. She's confuse so as me. We need your clarifications here."

Narinig nya ang pagbuntong hininga ng ama.

"Okay, son. I'll be there tomorrow evening. I'm sorry, son."

Hindi na sya sumagot. Binaba na lang nya ang tawag saka pumasok ng bahay. This is the first time na sumama ang loob nya sa ama. Paano nito nagawang maglihim sa kanya? Ito na nga lang ang tinuturing nyang pamilya tapos maglilihim pa sa kanya. He could've told him that he knew her wife's mother. Hindi lang basta kilala, may nakaraan sila ng ina ni Nyxie. Baka nga anak pa nya si Nyxie, hindi yun imposible.

"Ahh!" Gigil na binato nya ang unan sa sahig.

Ano ba itong mga iniisip nya? Hindi naman dapat sya nag-iisip ng kung anu-ano pero eto sya, hindi makatulog dahil sa mga nalaman nya. Idagdag 0a ang nangyari sa bonding nilang magkakaibigan. Cleo pushed him to his limits. Hindi na lang sana ito nagsalita ng kung anu-ano lalo na at wala syang alam sa totoong kwento.

"Xymon, get some rest." Utos nya sa sarili saka pumikit at pinilit na makatulog.

Hindi na nya nabisita si Ny sa silid nito dahil sabi ni ate Tess gusto daw nitong mapag-isa.

Tomorrow will be another revelation day for them. They must be ready.

.

* * * * * * * * * * * * * * *

Perks Of Being Mrs. ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon