37th - Feelings

32.5K 538 8
                                    

#37 - Feelings
 
 
Nyxie's
 
 
"Why do I have this feeling na iniiwasan mo ako?" Yan ang bungad na tanong sa akin ni Phil isang umaga nang minsang magkasabay kami sa kusina.
 
 
Hindi ako kaagad nakaimik sa tanong nya dahil yun naman kasi talaga ang totoo. Iniiwasan ko sya dahil ayoko na mapalapit pa sa kanya. Hanggat maaga ako na yung iiwas para ako lang yung masasaktan sa huli.
 
 
"You can't answer me dahil totoo. Iniiwasan mo nga ako." He stated in a much sure tone.
 
 
Nagpakawala na lang ako ng mahinang tawa saka sya tinalikuran pero hindi pa ako nakakalayo ay hinatak nya ang braso ko dahilan para mapaikot ako paharap sa kanya. Masakit ang pagkakahawak nya ng mahigpit sa braso ko pero parang nawala yung nararamdaman kong sakit nang magtama ang mga mata namin. May nakikita akong lungkot sa kanyang mga mata sa kabila ng galit na kinikilos nya.
 
 
"Don't turn your back at me when I'm talking to you, Nyxie!" Angil nya.
 
 
Bahagya akong napakurap sa takot. Did he just yell at me?
 
 
"I can turn my back anytime I want regardless of who I'm talking to and that includes you." Ganti ko sa kanya. Akala naman nya magpapatalo ako. Hindi nya ako matitinag sa sigaw nya pero kung malambing ang boses nya baka kanina pa ako bumagsak sa kilig.
 
 
"Really? Nagkakaganyan ka ba dahil sa naging desisyon ko na pagpapakasal sa iba?"
 
 
"Wow! Ang bilis mo naman magconclude. Kailangan na ba kitang palakpakan?" Sarkastiko kong sabi.
 
 
"Do you really think I'm affected with your sudden marriage? Well, I can't blame you. Kahit siguro ako kapag nalaman ko nang mas maaga na peke ang naging kasal natin baka mas ginusto ko pang makasal sa iba." I added bitterly.
 
 
Ngumisi lang sya saka muling hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Napangiwi na lang ako sa sakit.
 
 
"You only acted that way after we talked at the cemetery. Simula non iniwasan mo na ako. Umaasta ka na wala ako sa paligid kahit nandyan si Daddy. Hindi pa ba yun sapat na dahilan para isipin ko na dahil sa pagpapakasal ko kaya ka nagkakaganyan?"
 
 
"What's your problem about that? It's your feelings not mine. Deal with your feelings. I'll deal with mine." Tinaasan ko sya ng kilay to show him I'm not afraid of him.
 
 
He released my arm in frustration. Napahawak ako sa braso ko na hinawakan nya ng mahigpit. Pakiramdam ko nadurog ang laman ng braso ko. Wag naman sana itong magkapasa.
 
 
"Bago ka magalit at iwasan ako alamin mo naman muna sana ang tunay na dahilan at mga katotohanan sa mga nangyayari sa paligid mo. Hindi lahat ng bagay na nakikita mo ay totoo at ginusto ko. Ang iba sa mga ito ay pinipilit ko na lang na gustuhin para sayo." Umamo ang mukha nya kasabay ng nakakatunaw na tingin sa akin.
 
 
Napatitig na lang din ako sa kanya. "What do you mean by that?"
 
 
Mabilis itong nag-iwas ng tingin at tumalikod sa akin.
 
 
"Hindi ko ito ginusto." Sabi lang nito saka tuluyang umalis.  
 
Naiwan akong nakatulala at nakamasid sa papalayo nyang likod. Alamin ang katotohanan? Anong katotohanan ang dapat kong alamin?
 
 
Napailing na lang ako sa pagtataka.
 
 
"Bahala nga sya sa buhay nya!" Padabog akong nagmartsa papunta sa kwarto ni Daddy.
 
 
Nakaawang ang pinto ng silid nang datnan ko. Baka naiwan lang ng nurse na bukas. Tuloy-tuloy akon pumasok sa loob.
 
 
Huminto ako sa paghakbang at natuod na sa aking kinatatayuan nang makita ang ayos ni Daddy.
 
 
"Daddy!!" Tinakbo ko ang pagitan namin ni Daddy at mahigpit itong niyakap kasabay ng aking pag-iyak.
 
 

Nakahandusay si Daddy sa sahig at walang malay. Kinapa ko ang pulso nito at nanlaki na lang ang mata ko nang mapagtanto na wala na si Daddy. Patay na ito.
 
 
"Daddy!! Phil, si Daddy!!" Palahaw ko.
 
 
Ilang sandali lang ay may dumalo sa akin sa sahig at hinawakan ang kamay ni Dad. Si Phil pala at pinupulsuhan nito si Daddy.
 
 
"Dad.." Usal nito saka ako niyakap. "He already left."
 
 
Lalo akong pumalahaw ng iyak sa sinabi nya.
 
 
"Daddy no! Wake up, please!" Kumalas ako sa yakap ni Phil pero nakaalalay pa rin sya sa akin. Niyugyog at niyakap ko si Daddy. "Daddy.. please come back." Pakiusap ko kahit alam kong hindi nya na ako naririnig.
 
 
"Mam.. Ano pong nangyari kay sir?" Tanong ng humahangos at bagong dati na nurse.
 
 
Tiningnan ko ito ng masama. "Where have you been?! Akala ko ba babantayan at aalagaan nyo ang Daddy ko?!"
 
 
Nanginig sa takot ang babaeng nurse.
 
 
"K-Kasi po.. inutusan po ako ni sir na ilagay daw po sa kwarto nyo itong sulat na ginawa nya. Natagalan po ako dahil akala ko po nasa kwarto nyo po kayo. Nagmamadali po akong bumaba nang marinig ko po ang sigaw nyo."
 
 
Napayuko na lang sya matapos marinig ang palowanag ng nurse.
 
 
- - - - - - - - - - - -
 
 
 
"Hija, kumain ka muna sana bago ka pumunta sa opisina. Baka magkasakit ka sa ginagawa mong yan."
 
 
Hindi ko pinansin si Manang Lydia. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-aayos ng sarili.
 
 
Tatlong araw na mula nang mawala at mailibing si Daddy. Hindi na din namin pinatagal ang kanyang burol dahil sa huling hiling nya sa sulat na iniwan.
 
 
Sariwa pa din sa isipan nya ang nilalaman ng sulat. Kung ano ang mga katotohanan na dapat nyang malaman. About Xymon's marriage which was requested by him and about Brandon.
 
 
Napabuntong hininga na lang ako.

Perks Of Being Mrs. ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon