19th

41.7K 695 63
                                    

#19
I think I like you..

XYMON's

Pagkareceive ko ng message ni Ny na pinapauwi ako ay mabilis pa sa alas kwatro akong nagpaalam kay Dad. Pumayag naman sya.

I have this strange feeling in my heart na kung anong gusto ni Ny kailangan kong gawin para hindi sumama ang loob nya. I still sorting things out this time.

Lalabas na sana ako ng hall ng biglang sumulpot sa harap ko si Cleo.

"Xy, aalis ka na?" Tanong nya sabay kawit ng kamay sa braso ko.

I can smell the alcohol from her breath. Medyo tipsy na din sya.

"Yeah. My wife is waiting for me at home." Sagot ko.

Nakita ko na papalapit sa amin ang isa sa business associate ni Dad kaya nginitian ko ito. Bigla naman may nagflash na camera. Hindi ko alam kung saan yun nanggaling pero hindi na ako nag-abala na alamin.

Kinalas ko ang pagkakahawak ni Cleo sa kamay ko.

"Sorry, Cley but I have to go."

"Can't you stay for a bit longer, Xy? I'm sure you're wife will understand. Mabait naman sya diba?"

She wrapped her arms around my neck kaya napalapit ang mukha ko sa mukha nya kasabay ng isa na namang flash ng camera.

Nainis na ako sa kanina pa kumukuha ng pictures kaya napasigaw na ako.

"Will you please stop taking pictures!!"

Natigilan si Cleo at ang dalawang babaeng kasama nya na kumukuha ng pictures.

"Get off me, Cley. I need to go."

Kumalas naman sya kaagad. Agad ko silang tinalikuran saka nagmamadaling nagpunta sa parking area at sumakay sa kotse.

Hanggat maaari ayokong sumigaw o manigaw ng babae pero kanina hindi ko napigilan ang sarili ko. Naisip ko na makakarating kay Ny ang mga pictures at baka isipin nya na manloloko akong asawa.

Kahit naman hindi kami yung tinatawag nilang inloved couples ay gusto ko pa ring maging faithful sa kanya. Pakiramdam ko hindi ko sya pwedeng saktan.

I checked the time and it's already quarter after eleven. Ang bilis ng oras.

Pinaandar ko ang kotse sala tinahak ang medyo abalang kalsada. Habang nagmamaneho ay hindi mawala sa isip ko ang naging reaksyon ni Ny nong makita nya kami ni Cleo sa veranda.

It's like she's crying not because of his aching foot. Parang may iba pang dahilan. I want to know if my iba pa bang dahilan ang luha nya na yun.

Narating ko ang aming bahay. Mukhang tulog na sina manang dahil walang nagbubukas ng gate. Mabuti na lang pwede sa remote ang gate ng bahay.

Nang makapasok ako sa garahe ay agad kong nilock ang gate saka pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni Ny para icheck kong natutulog na ito.

Hindi nga akp nabigo. Masarap na ang tulog nito pero bakas pa din ang mga luha sa kanyang pisngi.

She cried again. Bakit kaya sya umiyak?

I caressed her face at umupo sa tabi nya.

"Ny, I'm home."

Bahagya syang nagmulat saka ngumiti at saka yumakap sa bewang ko. Para syang bata na sumiksik sa bewang ko saka muling natulog.

Napangiti ako sa ginawa nya. She's so sweet and lovely kaya nga hindi ako nagsisisi na pumayag sa gusto ni Dad na ikasal sa anak ng may utang sa kanya. Hindi naman sakit sa ulo si Ny maliban na lang kapag sinumpong ng pagiging shopaholic nya.

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now