38th - Confession

33.6K 540 18
                                    

#38 - Confession



Nyxie's



Another day without my father. Bumuntong hininga na lang ko habang nakatingin sa picture ni Dad na nasa table ko sa opisina. It's already late and I'm sure sya na lang at ang roaming security guards ang nasa building. May iilan ilan ding mga janitors and janitress pero sigurado syang wala nang empleyado na naroon.


"Dad, do you really think I can handle everything without you?" Kausap ko sa picture ni Dad. "Your son has a life of his own at ayokong guluhin ang buhay nya. Alam kong pinagtagpo nyo lang kami at hanggang doon na lang yun. Unti-unti ko na din naman na kinakalimutan kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong hindi yun ang gusto nyo. But until now, naguguluhan pa rin ako. Dati halos ipagduldulan nyo kami sa isa't isa tapos ngayon naman kulang na lang multuhin mo kami para hindi magkrus ang landas namin."


Naalala na naman nya ang nilalaman ng huling sulat ng ama. Mahigpit nitong ipinagbawal na mapalapit sya kay Xymon at wala man lang explanation na sinabi. Kaya hindi nya alam kong paano ba ang gagawin kapag bumibisita sa mansion si Xymon. In the end, nagkukulong na lang sya sa kwarto at hinihintay na lang na makaalis ang dating asawa.


"Do you really want me to be happy, dad?" Ang huli kong tanong bago tumayo at dinampot ang bag ko. "I'll get going, Dad. See you in two days."


Kinintalan ko ng halik ang larawan ni Daddy bago lumabas ng opisina. Thanks God it's Friday! Another reason why wala na kaagad tao ang opisina maaga kong pinauwi ang mga employees para naman makapagpahinga sila.


Tinahak ko ang hallway patungo sa private elevator ng aking opisina na dating opisina ni Daddy. I was halfway towards the elevator when I passed by the familiar door. Ang opisina ni Phil. Hindi na ito dumadalaw dito sa kompanya kaya matagal na din na walang tumatao sa opisina nito.


Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ang mga panahon na nagtatrabaho pa ako sa kanya bilang personal assistant.


Aalis na sana ako nang may mahagip akong anino mula sa loob ng opisina ni Phil. Blurred thick glasses lang kasi ang wall nito at ang pinto naman ay isang tinted na bubog.


May tao sa loob ng opisina. Who could it be?


Tahimik akong naglakad palapit sa pinto. Siniguro ko na hindi tatama sa tiles ang heels ng aking platform shoes para hindi makalikha ng ingay.


Hahawakan ko na sana ang doorknob nang bigla itong bumukas at iniluwa ng pinto ang kagwapuhan ni Phil. Saglit akong natulala at hindi kaagad nakapagsalita. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat.


"Why are you here?!" Magkapanabay naming tanong sa isa't isa.


Saglit na katahimikan ang sumunod na kaagad ko din naman binasag.


"I work here. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hahayaan mo na ang kompanya na ito sa aking pamamahala?" Yun din naman kasi ang sinabi nya sa akin nong huli kaming magkausap sa telepono. Na iiwan na nya sa pamamahala ko ang dating kompanya na pagmamay-ari ng pamilya nya.


"I'm not here for the company. May kinuha lang ako na papeles. I'll get going." Hindi na nya ako hinintay pa na makapagsalita. Nilampasan nya ako at saka dumeretso sa elevator.


Hahayaan ko na lang sana sya nang maalala ko na sasakay din pala ako ng elevator. Kaya naman hinabol ko sya este tumakbo pala ako papunta sa elevator. Magkasabay pa kaming pumindot sa open button. Wala lang sana sa akin yun kaso may malakas na boltahe ang dumaloy sa katawan ko nang magkadikit ang mga kamay namin. Bigla ko nanlang tuloy binawi ang kamay ko at medyo lumayo ng konti sa kanya.


Why do I have this strange feeling again? Tanong ko sa isip ko.


Bumukas ang pinto ng elevator. Nauna na akong pumasok dahil alam kong hindi naman magpapaka-gentleman ang kasama ko kaya nagkusa na ako.


Sya na ang hinayaan kong pumindot ng button. Alam ko naman na sa ground floor din ang punta nya. Tahimik lang kami habang nasa loob ng elevator. Akala ko nga maistuck pa kami dahil biglang namatay yung ilaw. Matatakot na sana ako at magpapanic nang biglang lumiwanag ulit.


"That was close." Sabi ni Phil. Sakto naman na bumukas ang elevator door at nauna na itong lumabas.


"Close to what?" Habol ko sa kanya.


"Close to you." Ngumisi ito saka naunang naglakad papunta sa parking area.


Lakad takbo naman ang ginawa ko para mahabol sya.


"What do you mean, Mr. Valdez?"


Kinunutan nya ako ng noo saka muling ngumisi.


"Nothing, Mrs. Valdez." Agad itong tumalikod at nagtungo sa kotse nya na nakapark katabi ng kotse ko.


"I'm not Mrs. Valdez! " asik ko sa kanya. May himig nang pang-aasar kasi ang tono nya. Nagmartsa ako palapit sa kotse ko. Sasakay na sana ako nang may mapansin akong kakaiba sa gulong ng kotse ko. "F*ck!!"


Flat lang naman kasi ang gulong ng kotse ko. At base sa ayos nito mukhang sinadya itong butasin dahil naiwan pa ang ice pick na ginamit sa pagbutas. Mga tambay na naman siguro na walang magawa sa buhay.


"Hop in. Ihahatid na kita. Tatawagan ko na lang si Manong Greg para ipaayos ang kotse mo."


Agad akong napalingon kay Phil. Seryoso lang itong nakatingin sa akin.


There's no time for arte. It's too late for grabbing a taxi. Saka ang alam ko madadaanan din naman ang subdivision namin papunta sa subdivision nila.


"I have no choice." Sabi ko na lang saka sumakay sa front seat.


Ngumisi lang sya at nagsimula nang magmaniobra ng sasakyan. Tahimik lang ako habang nasa front seat at nakatuon ang pansin sa labas. Iniisip ko kasi kung tama ba na sumabay ako sa kanya pauwi. Pero naisip ko din naman, nakasakay na ako dapat pa ba akong bumaba. It's either I go home with him or I sleep on my car for an hour before a mechanic arrive. I'd rather choose the first one.


Ilang minuto pa ang lumipas ay tinatahak na namin ang abalang daan patungo sa subdivision. Pasulyap sulyap si Phil sa akin pero kunwari hindi ko napapansin. It's like he wants to say something or what.


"How have you been, Ny?"


I glanced at him. "I'm good."


The traffic light turned red. He pulled over and stared at me.


"Are you happy?" Muli nyang tanong.


"Yeah." I wanted to say no but telling a lie sometimes saves you from further explaining yourself.


"Mabuti ka pa." After saying that he suddenly turned the radio on.


Magtatanong pa sana ako kaso parang ayaw na nyang makipag-usap. Tumahimik na lang ako at tinuon na lang ult ang pansin sa dinadaanan namin.


Sana may traffic light din ang puso para may magsasabi kung kelan ba dapat nang mag-stop, go at wait. Sana katulad ng traffic light na nakikita ko, tumigil na din ang puso ko na mahalin si Phil. May iba na syang gusto at wala sa plano ko ang manira ng relasyon ng iba.


Napabuntong hininga na lang ako.







Agad akong umibis ng sasakyan nang huminto sa tapat ng gate namin ang kotse. I rang the bell para mapagbuksan ako ng gate ng mga maids.


"Ganon na lang ba sayo kadali ang lahat, Nyxaviera?" Napalingon ako sa kanya.


Parang kanina lang tinawag nya akong Ny tapos ngayon buong pangalan na talaga.


"What do you mean?"


"Alam kong mahalaga sayo si Daddy but do you really have to follow his last request?"


Saglit akong natigilan at napaisip. Gusto kong magalit sa kanya dahil parang hindi na nya ginalang si Daddy. But at some point, tama din sya. Dapat ko ba talagang sundin ang huling hiling ni Daddy na wag mapalapit muli kay Phil kahit na alam ko sa sarili ko na hindi yun ang gusto kong mangyari.


"You have a choice but you chose us to be like this."


Ako ba talaga ang may kasalanan?


"I didn't choose this." Pagtatanggol ko sa sarili ko. "If you were on my situation you'll do the same."


"No, I won't. I'd rather choose to be happy than to live my life regretting everything. If I were on your shoes I'll choose what will surely make me happy. And that is choosing you." Namumungay ang mga matang tiningnan nya ako.


"Isn't that being too selfish, Phil? I only fulfilled what Daddy wants. You've read the letter yourself and it clearly written there that Daddy doesn't want me to be close to you." Tumalikod na ako sa kanya para sana pumasok sa loob nang hatakin nya ako paharap sa kanya.


"Bakit?" Puno ng pagtatanong ang mga tingin na pinukol nya sa akin. "Bakit ayaw ng Daddy mo na mapalapit ka sa akin?" Napapitlag ako nang tumaas ang boses nya. "Kung ayaw din pala nya na mapalapit ka sa akin, sana nong simula pa lang hindi na nya ako ginamit para makuha ka! Sana nong una pa lang hindi na nya ginulo ang nananahimik kung buhay para lang makilala ka at mahalin ka! Tapos ano? Ganito ang gagawin nya? Ilalayo ka nya sa akin? Ny, I don't understand now where to put myself. Kung tutuusin pwede kong gawin ang ginawa ni Daddy para makuha ka. I can use the money he left to get you but I didn't dare to do it. Dahil mahal kita at mahalaga sa akin ang huling habilin ni Daddy. " Huminga sya ng malalim.


"Pero hindi ko na kasi kaya. I must admit now.. I still love you, Ny. Nothing's change and nothing will ever be."


Gusto kong sabihin na mahal ko pa rin sya pero nanaig sa akin ang mga sinabi ni Daddy sa sulat. Daddy won't say anything that will harm me kaya dapat ko syang sundin.


"It's getting late, Phil. You better go ahead. I'm also tired."


Hindi ko na sya hinintayvoa na magsalita. Diretso akong pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko pa si Ate Tess sa main door na hinihintay ako. Sigurado akong narinig nya ang usapan namin ni Phil.


Ano ba ang dapat kong gawin?


* - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - * - *

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now