Mga Binhi

16 2 0
                                    

Mga Binhi

Ang bawat isa'y nagsimulang isang binhi

Iba-iba: pino, bubot, maliit, munti

Ngunit lahat ay puno ng luwalhati

Wala sa ating isinilang na mali.


Sa pagkatagal, nagkaroon ng sibol,

Dumaa'y: bagyo, init, baha, tuyot, ambon,

Nanatiling matatag, walang nalipol,

Simbolo ng pag-asa: mumunting dahon.


Panahon din ang nagsubok sa ating tibay,

Lumaki, sumanga,yumabong, nabuhay,

Mananatili pa rin tayong nakahimlay,

Ang ugat sa lupa ay hindi mawawalay.


Gaano na man katayog ang ating puno,

Bunga'y: pipitasin, mabubulok, tutubo,

Mananatili tayong binhi't maglalaho,

Babalik din sa binhi, walang magbabago.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon