Napipiga ang Kutsara, Nagdurugo ang Luha

11 4 2
                                    



Hindi mo ba naririnig ang sarili mong sumisigaw,

Dahil bingi ka na sa halinghing niya't palahaw?

Habang naririto ako, tinatanggap ang bawat paghataw,

Tinitiis lahat ng sakit na gusto nang umalingawngaw.

Hindi mo ba nakikita, ang bawat kong sakripisyo,

Dahil busog ka na, sa pag-indayog niya't pagbayo?

Akong puno ng putik mula paa hanggang ulo,

Mapakain lang, mabusog, ang anak mong pito.

Hindi mo na ba maramdamang kita'y iniibig,

Dahil nalulunod ka na sa bawat n'yong pagninig?

Akong nagpakahirap, binigay bawat hilig,

Pagsasawaan rin pala, matapos akong masaid.

Ako na ang martir at 'di ka magawang iwanan,

Sa kabila ng pagdurusa'y patuloy kang pinaglalaban,

Magpakahayok ka na, 'wag na siyang pakawalan,

Dahil hanggang impyerno, magagawa kitang sundan.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataWhere stories live. Discover now