Kinikilig, Dinidildil, Pinuputang Ina

16 4 4
                                    

Bastos nga kaya akong maituturing,

Kung pinagnanasaan ko bawat mong tingin?

Malagkit mong titig na sa akin nakabaling,

Imahinasyon ko ay malayo na'ng narating.


Kinilig ka bigla nang inilabas ko aking dila,

Laway ko'y pinunas, inihilamos sa mukha,

Ang puso ko'y nadadarang na sa pagnanasa,

Sa ilalim ng salawal ko'y mayroon nang basa.


Hindi na ako nakatiis at kita'y nilapitan,

Siniil ng halik at pinagpaliguan,

Itinulak sa dingding at ipinagdildilan,

Ang pag-indayog ko'y walang katapusan.


Sumabog nang lahat at walang kawala,

Tumirik ang mata ko saka napamura,

Wala akong narinig kundi ang mga kataga,

"Ang tagal mo d'yan sa banyo, Putang-ina!"

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataWhere stories live. Discover now