Daang Matuwid, Nagkasanga-sanga

47 6 6
                                    

Habang-buhay ba tayong magtitiis, magpapasan,

Ng krus ng kalbaryong tinatawag na kahirapan?

Bahagi ng sistema ng Pilipinong nilalang,

Mabuhay ng gutom, magpauto sa magugulang.

Nawawalan na nga tayo ng mumunting pag-asa,

Na ang langit ng kaunlaran ay makakamtan pa,

Sa halip na gumaling, lalo lamang lumalala,

Itong hindi malunas-lunasang pagkadukha.

Ilang pulitiko na rin ang siyang napaupo,

Bakit ang ating bayan, hindi makatayo-tayo?

Habang buhay na lang bang hihilata at susuko,

Dinildil na mga asin, didiligan ng dugo?

Nasaan nga ba ang mga pagkukulang,

Sa kanilang mga ganid, o tayong nahihibang?

Hindi nga sila titigil sa pagnanakaw, panlilinlang,

Kung mismong tayo ang siyang nagbubulag-bulagan.

Ang daang matuwid ngayon nga’y nagsanga-sanga,

Napuno nang balakid, hindi na nga nadarama,

Wala na ngang mangyayari kung di magkakaisa,

Inaatupag lang ay walang sawang pamumuna.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataWhere stories live. Discover now