Tingkad

41 6 6
                                    

Kumikislap man itong mga bituin,

At nangingibabaw sa gabing madilim,

Dagliang bulalakaw, nawawala rin,

Aabangan naman ang kanyang pagdating.

Ang paruparo’y maganda man at makulay,

Mahirap hulihin at mailap sa kamay

Ang isang tutubing sa dahon naghihintay,

Madaling nahahawaka’t dumadantay.

Ang gaserang sinindiha’y magliliwanag,

Kaya nang magtagal hanggang sa magdamag,

Malabo man ang sinag nitong aliptaptap,

Kapag nagsama-sama’y ‘di na rin aandap.

Ang bawat isa’y may kanya-kanyang tingkad,

Ang iba’y nakalihim, iba’y nakalantad,

Magkaalinma’y matuto tayong maglahad,

Pagkat bawat bagay, may ganda’t abilidad.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon