Inaasam-asam na Taas-Baba

12 4 2
                                    


Sa musmos kong gulang na lima,

Tumimo sa isipan ko't gunita,

Ang sandaling tayo'y magkasama,

Isang hindi malilimutang alaala.

Sa malaking bilog na umiikot,

Na wari'y sa langit makaaabot,

Hindi natin alintana ang takot,

Ligaya pa nga ang sa'tin ay bumalot.

Narating na ang taas at ako'y namangha,

Sa ganda ng tanawing ating nakikita,

Parang panaginip at isang himala,

Isang pangarap na walang kapara.

Wala akong hiling kundi ang maulit,

Ang tagpong iyon, kahit isang saglit,

Kahit na hindi na maaaring ipilit,

Nag-iiwan lamang ng sakit.

Basta't tandaan mong mahal kita,

At hindi mawawaglit ang alaala,

Ang sandaling tayo ay magkasama,

Doon sa malaking bilog...aking ina.


Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataWhere stories live. Discover now