Madarama

40 7 4
                                    

Maaaring binagsakan nga ako ng langit,

At mga biyaya ay lahat nang pinagkait,

Magkagayunpaman, wala akong hinanakit,

Gagawin kong matamis ang lahat na mapait.

Pinagkaitan man akong makita ang paligid,

At tanging dilim lamang ang sa akin dumadaig,

Di ko man magisnan ang ganda ng daigdig,

Alam ko sa puso kong puspos ito sa pag-ibig.

Limitado man ang sarili para makalakbay,

Ang bawat pagkukulang, lagi ring napupunan,

Sapagkat ang Diyos ang nagsisilbi kong gabay,

Hindi ako matatakot na paa ay ihakbang.

Kailanma’y di mauubos ang taglay kong pag-asa,

Pagkat aking napagtantong ang tunay na ligaya,

Hindi naman lahat ay makikita ng mata,

Kundi sapat nang  sa puso mo lang madarama.

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataWhere stories live. Discover now