Pinaglalamayan, Pinagsusugalan

28 5 4
                                    


Silang maliligaya kapag may namamatay,

Sapagkat siguradong may sugalan sa lamay,

Masigla na naman ang kanilang hanapbuhay,

Saanman may burol, tiyak sila ay sasalakay.

Sisilip sa kabaong, makikiramay kunwari,

Matatamis na salita ang lalabas sa labi,

Simpleng subo ng biskwit, sabay dukot ng kendi,

Pipiliting umiyak para humigop ng kape.

Pero maya-maya lang doon na sila makikita,

Kumpol-kumpol, nakaharap, sa 'sagradong' lamesa,

Walang humpay sa pagtaya kahit mabutas ang bulsa,

Mapunan lang ang uhaw sa dais at baraha.

Kasunod na ang sigawan, pagtatalo't pandaraya,

Gumawa pa ng kaguluhan ang mga walanghiya,

Sa mga katulad nilang matitigas ang mukha,

Dinagdagan na naman ang ipagluluksa.


Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataWhere stories live. Discover now