Paghihiganti

208 14 18
                                    

Ano’t ang aking sinisinta’y iniibig mo rin,

Sakdal saking natitira iyo pang aagawin?

Kalungkutan ko ba’y ligaya mong itinuturing,

Kaya maging mundo ko’y yuyuraka’t wawasakin?

Handa kong isuko pagkatao ko at dignidad,

Haharapin ko lahat ng paninirang tumambad,

Lulunukin ko maging ang sarili kong kamandag,

Ngunit agawin ang mahal ko’y di ako papayag.

Tikman mo ang bagsik ng aking paghihiganti,

Sa’yo’y di patatalo, simulan mo nang magkubli,

Masunog man sa impyerno walang hanggang masawi,

Hindi ako luluha, basta’t ako ang nagwagi

Gawin mo man ang lahat upang siya’y mapasayo,

Huwad  mo mang kalangitan sa kanya’y ipangako,

Magpakasasa sa sarap, daing ng mga tukso,

Tandaan mong higit pa rin ang totoong impyerno.

Bilangin mo na’ng oras na ikaw’y  nangingibabaw,

Iparinig sa mundo’ng malakas mong alingawngaw,

Dahil sa’king pagbangon, lalagasin ko ang  araw,

Masdan mo at lasapin ang hagupit ng paggunaw!

Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing MakataWhere stories live. Discover now