Chapter 48: Chain Reaction

1.9K 59 5
                                    


Sky's POV

"Shet! Excited na ko! Malapit na graduation!" tili ni Semira

"Finally! Next week na!" sabi naman ni Emma na halatang excited din.

I should be excited as well, but I'm not. Hindi ko man lang masuklian ang mga malalawak nilang ngiti.

"Good luck guys, sana valedictorian pa rin ako" sabi ni Leanne at halatang kabado siya sa result ng grades namin. They gave her encouraging words at ngumiti lang ako sa kanya at nag-thumbs up tila hinang-hina.

Everyday feels the same. Like something is missing.

I didn't gave any other reaction sa kwentuhan nila at tinuon ko na lang ang pansin ko sa picture namin ni Zafier. The one he posted nung bago kami pumunta ng Rome. It's been a week after nung mga nangyari. It doesn't feel the same. Nakita ko kung paano siya bumalik sa dati. Parang hindi niya ako kilala. It seems like he doesn't have any feelings left for me. Ang bilis niya namang mag-move on? Ganon-ganon lang? I knew I have no say on this dahil ginusto ko rin naman, but I didn't expect that he wpuld get over me that quick. Parang wala lang ako sa buhay niya.

Samantalang ako nahihirapan pa rin na huwag siyang isipin. I muttered a sigh at napailing. Wala kang karapatan Sky. Wala.

Biglang natahimik ang buong paligid kaya napalingon kami.

Speaking of the demon...

May isang payat na lalaki ang nakatapon sa hawak na frappe ni Zafier. Kasama niya sina Shev. They weren't hanging out with us anymore. Napagkasunduan nina Semira at Emma and with the boys na maghiwalay muna kami since we have the same circle of friends and it would be dead awkward kapag magkakasama pa kaming lahat pagkatapos nung mga nangyari.

I felt guilty kasi dahil saamin hindi makakapag-bonding sina Semira at Ashton, even Emma and Chris. Leanne and Brylle as well. Sumasama na pala sa amin si Leanne.

Isang masamang tingin ang binigay ni Zafier pero hindi siya nagsalita. Unti-unti siyang lumapit sa lalaki na napapaatras sa takot.

"Strike 1" He coldly said at nakita kong namutla yung payat na lalaki at biglang nastatwa sa kinatatayuan niya. Zafier continued walking at sumunod naman sa kanya sina Brylle at tinapik pa ni Chris yung lalaki sa likod tila isang good luck habang naiiling.

Napabuntong hininga na lang ako.

He's back with his strikes. Hindi niya na ako pinapansin na parang never akong nag-exist sa buhay niya. Actually, wala siyang pinapansin. Kahit sina Shev, sobrang tipid niya magsalita.

'Bumalik sa dating gawi' ika nga ni Shev. Best friend niya si Zafier kaya alam niya na yan.

Sa katunayan, ako yung nasasaktan. Tama bang nakipag-break ako sa kanya? Masisisi niyo ba ako? Pero sobrang sakit pa rin eh. Hindi pa rin nawawala. Besides, I don't want to be in a relationship na puro sakitan lang ang nangyayari.

Napailing na lang ako at kinuha ko ang bag ko at nagpaalam sa kanila na pupunta muna akong Forbidden Forest. I need a break.

Andaming naganap dito. There's so many memories. Halos lahat ng adventures ko dito nagsimula. Dito ko nakilala si Zafier. Both good and bad things happened in this place.

Out of nowhere Jake suddenly appeared right next to me. I got a bit irritated. Ever since nung nag-break kami ni Zafier he never shuts up. He became more avid in getting to know me at halos araw-araw ay kasama ko na siya. Parang biglang nag-iba ang ugali niya. Hindi naman siya ganito dati eh.

Di ko alam kung bakit kay Zafier okay lang pero sa kanya ay parang naiirita at naiilang ako. Yung dating mahiyain, mabait, kalmante ay bumaliktad lahat. Para siyang nawawala sa sarili. Di ko nga siya maintindihan eh.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now