Chapter 41: Sketch

1.7K 51 7
                                    

Sky's POV

It's the last day para sa intrams namin. Wala kaming masyadong klase like yesterday.

Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko ang bratz. Great. Here we go again.

Parehas kaming tumigil sa daanan namin at nagkatitigan. Tinaasan ako ng kilay ni Veronica habang naka-cross ang arms niya at naka-back up naman sina Gwen. I saw Leanne gave me a smile kaya nginitian ko rin siya nang palihim.

I turned to Veronica at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa and showed a playful smirk.

Dire-diretso na ulit ako sa paglalakad at hindi tumigil kahit nakaharang siya sa daan. Sinadya ko silang banggain kaya muntikan na siyang ma-out of balance. Siga rin kasi eh, kitang daanan eh.

"Get out of my way" I muttered at her bago ko pinagpatuloy ang paglalakad ko. Ramdam kong sasabog na naman ito sa galit pero bago niya pa magawa yon ay tuluyan na akong nakaalis don.

Wala sina Zafier ngayon kasi may klase sila di tulad namin na chill lang. Ewan ko ba, may hinahabol atang classes sila nina Shev. Cutting kasi nang cutting.

Ayokong manuod ng intrams ngayon so I decided na tumambay sa Forbidden Forest pero nung dumaan ako sa mga empty hallways papunta don ay naaninagan ko si Jake. Napatigil naman ako sa paglalakad.

May hawak siyang sketch book where he was drawing habang naka-earphones at nakasandal sa pader ng hallway. Di ko mapigilang mapatagal ang tingin sa kanya. The sunlight was directly hitting his face dahil kaharap niya ang mga naglalakihang bintana sa kabilang side ng hallway.

The warm hues illuminating on his face gave a differrent glow. His honey eyes became more prominent because of the sunlight at kitang-kita ko kung gaano siya ka-focus sa ginagawa niya.

Dumaan ako sa bandang likod niya at tinignan kung ano ba ang dino-drawing niya.

And to my surprise, it was me!

It was a beautiful sketch of me. Nakasumbrero ako habang nakakindat ang isang mata ko at nakadila. It was indeed a wacky pose. But damn his drawing skill is no joke! Ang ganda kaya! The details on his drawing was phenomenal.

"Oy dre ang galing mo pala mag-drawing. Patingin nga!" nagulat siya sa bigla kong pagsulpot sa tabi niya. Inagaw ko yung sketch book na sinusubukan niya pang itago. Umupo ako sa tabi niya at sumandal din sa pader.

Namangha ako sa pag-drawing niya sakin. Detalyado. Pero bakit ako?

"O-okay ba?" nahihiya niyang tanong at napakamot sa batok niya. He was blushing real hard may I add.

"Oo naman dre! Ganda nga eh. Bat ako yung napili mong i-sketch?" curious kong tanong at mas lalo pa siyang nag-blush.

Umiwas siya ng tingin at nakita ko kung paano niya nilagay ang kamay niya sa likod ng kanyang leeg habang namumula ang buong mukha at tenga niya. I can easily tell that it was his mannerism whenever he gets nervous.

"U-uhm" nahihiya niyang paninimula and he was practically burning beside me at sinusubukang takpan ang mukha niya. Pinakita niya lamang ang mga mata niya na nakatingin sakin clearly shy. He looks kinda cute.

"Nothing. Madalas lang kasi kita iniisip." nahihiya niyang sabi kaya natawa ako nang mahina.

"Damn nababading ka na sakin? Bawal yan hoy" panunukso ko. I said it like a joke but I meant it.

Pero nagtaka ako nang makita ko siyang biglang nalungkot. Eto nanaman yung mga mata niya. His eyes are so expressive kaya mapapansin mo talaga ang kahit katiting na pagbabago ng kanyang emosyon.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now