Chapter 31: Talk in paradise

2.3K 80 3
                                    

Sky's POV

I'm back. Ganon pala ma-comatose. Yun yung tinatawag na beauty sleep este life and death situation pala.

Panay tango at ngiti ko lang tuwing may magtatanong kung okay na ba ako and etc. Nakakangawit din palang ngumiti. Inaantok na talaga ako, kanina pa actually.

Kung kelan last week of school bago mag sem break saka pa ako nagising. Ito yung mga oras na sandamakmak ang pinapagawa samin. Wala akong hahabulin na lessons, quizzes, projects, homeworks and exams dahil inako lahat ni Zafier.

Yep. Sipag niya 'no? Lahat ng dapat gagawin ko nung mga panahong tulog ako ay siya ang gumawa. Siya ang gumawa ng mga special projects ko at etc. Pinayagan naman siya dahil nga siya ang batas dito sa EU at walang magagawa yung iba.

Kaya tuwang-tuwa talaga ako sa kanya. Nakita ko na talagang concern at mahal niya ako base sa mga nakita, at naririnig ko. I'm flattered. I truly am. First time ko lang maranasan na may nag-effort nang ganyan para sakin. He never fails to make me feel like the most special person on Earth. Tuwing kasama ko siya parang pakiramdam ko ay ako na ang pinakaswerte sa lahat.

Napatingin tuloy ako kay Zafier...

Nakaupo siya sa gilid ko at nakasandal sa balikat ko habang papikit-pikit. Nakahawak siya sa kamay ko, hindi ko rin alam kung bakit pero hinayaan ko na lang. We are here at my paradise na inaangkin niya na rin. Epal talaga.

Free time namin kasi puro pagpasa ng projects ang inaatupag ng students at pagkumpleto ng requirements this sem.

Parehas kaming inaantok. Kagabi kasi tinulungan niya akong gawin yung research paper ko. Sabi niya nga siya na lang daw gumawa kaso tumanggi ako. Kinulit ako nang kinulit hanggang sa hinayaan ko na lang siyang tulungan ako. Kaya ang ending, parehas kaming puyat. Lalo na siya dahil nagpumilit pa siya na siya ang mag-edit ng mga mali.

"Matulog ka muna" sabi ko pero umiling siya at hinawakan ang kamay ko nang mas mahigpit.

"You might leave me again" bulong niya kaya natawa ako.

"Drama mo talaga, lintek" sabi ko at tumawa siya nang mahina.

Natahimik ulit kami, enjoying the peace and serenity the Forbidden Forest has to offer.

Remember when I said that the Forbidden Forest reminds me of a dark fairytale?

Zafier reminds me of that as well.

Sa unang tingin ay talagang kikilabutan ka at mangangamba para sa iyong sarili. The gigantic trees competing in reaching the skies, blocking most of the sunlight. Ang mga matatalas na tinik mula sa mga halaman at bulaklak, maski ang bahagyang paghaplos ng malamig na hangin sa balat. Everything about it seems so haunting.

But a dark fairytale is still a fairytale.

No matter how grim and haunting it could be, hindi mo maikakaila that there's still something so magical and captivating about it. Most will be scared to face a dark fairytale, which makes it more special for the brave ones. Knowing that not everyone can see its beauty will forever have me hooked. Kaya siguro ganon na lang ang pagkahumaling ko sa Forbidden Forest.

It was dark, it was dangerous and it was terrifying. Pero kung hindi ko ito pinagbigyan, hindi ko matatagpuan ang paraiso sa loob nito.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon