Prologue

8.9K 192 5
                                    


Zafier's POV

Watching a girl get dragged into the university's forest while I was sleeping wasn't really in my plan.

Mga istorbo. Nakatambay lang ako dito kasi nag-cutting ako. The noises the gang made was infuriating. Natutulog yung tao eh.

Nasa likod kami ng Empire University. One of the most prestigious school in the Philippines. Mas angat pa ito sa isang international school kung tutuusin. Ang school na major on science at mahilig sa experiments at mga makabagong inbensyon. Malaking-malaki ang university namin at ngayon ay nasa Forbidden Forest kami.

Ang masukal at mapunong parte ng school, walang nagbabadyang pumasok dito dahil kakaiba ang aura  at nakakapangilabot sa dilim ang Forbidden Forest. To be completely honest, walang nakakaalam bakit may ganito sa university. It remains a mystery. Matagal na akong nag-aaral dito at wala pa rin may alam kung bakit ba may Forbidden Forest ang EU. Pumapasok lang dito ay mga gangs at kadalasan dito nangyayari ang mga gang fights, kidnapping, at iba pang kagaguhan. Hence the name. Malawak ang Forbidden Forest kaya madaling maligaw dito kung hindi mo kabisado.

"Eto na ba yon?!" galit na sigaw ng leader nila. The girl was helplessly tied into a chair with chains as if she was some sort of damsel in distress.

"Opo boss" sagot ng member at tinanggal ang takip sa mukha. Natigilan ako nang makita ko ang mukha niya.

She's gorgeous...

I'm a very hard person to impress. Maybe it's because of the fact na buong buhay ko, I'm surrounded with the best. Everything special is just normal to me. I can't find the right words to describe what I'm feeling while looking at her. But one thing is for sure. I hate it.

"Ikaw! Alam mo ba nang dahil sayo nabalian ng buto yung girlfriend ko at halos hindi na makilala?!" galit na galit na sigaw ng lalaki habang nakatayo sa harap niya.

Instead of being scared, nagulat sila including me when I heard her snorted. What?

"Kasalanan ko bang lampa at tatanga-tanga yang girlfriend mo?" she countered. Lahat nagulat sa sinabi niya. She's in front of a powerful gang for goodness sake!

She should be crying, nervous, or begging for her life by now. Pero nakuha niya pang sumagot ng pabalang? Di ko alam pero bigla akong napangisi. Interesting.

Sa galit ng lalaki ay sinampal niya ito sa mukha. Sa lakas nito ay dumugo ang labi nung babae, and something about me suddenly bursted into flames. I felt my hands balled up into a fist.

"Wag mo kong pinupuno" She said at may halong pagbabanta and licked the blood off her lips.

"Talagang ginagalit mo ko ha? Ang lakas din ng loob mong babae ka! Hindi ka ba natatakot sakin?!" sabi nito habang nanonood lang ang mga gang mates niya.

Akala namin ay aamo na ang babae pero mas lalong nalaglag ang panga ng lahat nang tumawa lang ito. She chuckled as if nothing was wrong. Even her laugh is so angelic.

Napakunot agad ako ng noo. I really have to stop. This is fucking creeping me out.

"Bakit naman ako matatakot sayo? Ipis ka ba?" pang-aalaska nung babae sa lalaki na kulang nalang ay mamula sa galit. The veins in his neck was literally popping out. Napataas naman ang kilay ko nang kumuha siya ng tubo.

"That fucking mouth of yours needs to learn" sabi nung lalaki at nung ihahampas niya na dapat ng tubo yung babae ay lahat kami nagulat when her legs suddenly shot up and kicked the pipe out of his hands gracefully. Tumilapon ang tubo at agad niyang sinipa sa mukha yung lalaki kaya napahiga ito.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ