Chapter 43: Girls Hangout

1.9K 61 0
                                    

Sky's POV

"Sky! Yung mga kaibigan mo nandito!" sigaw ni Shaun kaya napatakip ako ng unan.

Kaibigan? Wala naman akong pinapunta ah?! It's too early. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at malamang si Shaun yon.

"Hoy babae! Tumayo ka na! It's freaking noon" saway sakin ni Shaun acting like a mother.

"Sus. If I know kakagising mo lang din" tawa ko. Binatukan niya ako nang mahina. Guilty.

"Nauna pa rin ako. Bleh" he said and stucked his tongue out at me like a little kid so ganun din ginawa ko.

"Bleh!" ganti ko. Parehas na kaming mature okay.

"Nasa baba sina Semira at Emma. Nilalantakan yung ref natin" natatawa niyang sabi. Kahit papaano close na rin sila. Pero laging iniinis nina Emma at Semira si Shaun.

Pero what?! Nilalantakan ref namin?

Napabangon agad ako sa pagkakahiga ko and practically flew all the way downstairs, muntik-muntikan nang madapa sa tulin ko.

"Freeze!" Sigaw ko sa dalawang babae na punong-puno yung cheeks ng pagkain. They raised their hands in the air habang punong-puno pa rin ang cheeks like a chipmunk.

"Kelan ko kayo binigyan ng permiso na kainin yan?!" Saad ko and they just giggled at nag-peace sign sa akin. Anak ng tupa.

"Eh ang tagal mo kasi eh." Sagot ni Semira habang ngumunguya.

"Malay ko bang pupunta kayo. Bat nga pala kayo nandito?" curious kong tanong. Alam ko wala kaming klase ngayon eh. I looked at Shaun pero nagkibit balikat lamang siya.

Nagkatinginan sila ni Emma at sabay sumigaw.

"We're going shopping!~" Tili nila kaya napa-poker face ako.

"Ugh" sabay naming sabi ni Shaun. Would you look at that, magkapatid nga kami.

Yung dalawa naman ang napa-poker face dahil sa amin ni Shaun na nakuha pang mag fist bomb.

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa amin. Kelan ka huling nag-shopping? A year ago?" sarcastic na sabi ni Emma. Di naman kasi ako madalas mamili ng damit. Di ako ganon ka gastadora na maya't maya ang bili.

"Gosh Sky, ano na kaya itsura ng closet mo? You need new clothes" saad naman ni Semira as a matter of fact.

Kami kasi minsan lang gumastos. Pero kapag gumastos, literal na gumastos.

"O mga iha, magsho-shopping kayo?" biglang sulpot ni mama sa likod ko.

"Opo tita" nakangiti nilang sabi.

"Aba mabuti naman. Kayo na bahala tumulong sa anak ko ah? Alam niyo namang ang pangit ng taste niyan" saad niya at binulong pa yung huling part nung inakbayan niya yung dalawa kong kaibigan na natawa.

"Kunyari di ko narinig yon ma" sarcastic ko ding sabi kaya natawa siya habang naiiling.

"Naman tita! Kami bahala kay Sky. Magkakaron na ulit yan ng maayos na damit" sabi ni Semira kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy! Maayos naman mga damit ko ah?!" angal ko.

"Talaga? Saan banda?" sabi ni Emma habang nakatingin sa suot kong pajama at sando. Pantulog kasi yan diba. Napailing na lamang ako.

"Shopping na kung shopping. Maligo ka na nga Sky nang makaalis na kayo. Noisy people" irita na sabi ni Shaun na mukhang nairita na sa ingay namin.

"Nako sige na mga iha, dun na kayo sa kwarto ni Sky. At ikaw Shaun maging mabait ka sa bisita" pagsaway ni mama bago pumunta sa kusina.

"Tsk. Tsk. Tsk" sabay na sabi nung dalawa kay Shaun na napairap na lang at napailing dahil sa amin.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now