Chapter 16: Weird feelings

3.2K 95 5
                                    

Sky's POV

"Guys I'm so excited! Two days na lang before prom!" tili ni Emma at nagtatalon-talon. Time flew by fast. May mga sayaw na rin kami for cotillion at mga performance nila. Lagi akong nakabusangot tuwing practice.

"Sus. Wala ka pa ngang date eh" pambabara ni Chris. Napangisi ako. I have a feeling na may gusto si Chris kay Emma. Feeling lang naman.

"Aba! Ang kapal mo ah. Wala ka pa rin naman ah!" angal ni Emma. Umirap na lamang si Chris at may binulong na di naman namin narinig. Bulong nga eh.

"Eh ikaw Semira meron ka na ba?" tanong ni Emma bago lumingon kay Semira na nakabusangot.

"Unfortunately yes. Natalo ako sa pustahan namin ni Ashton. In return ako magiging date niya sa prom" sabi ni Semira na parang nanlumo. Pustahan?

"Hoy babae! Nakuha mo pang manlumo dyan eh ikaw na nga yung swerte na ako ang date. Andaming babae nagkakandarapa sakin 'no" pagmamayabang ni Ashton.

"Oh talaga bat di sila yung i-date mo?" sarcastic na sabi ni Semira.

"Eh sa ikaw yung gusto ko eh" nakangising sabi ni Ashton kay Semira at inakbayan niya ito. Nakita kong nanlaki ang mata ni Semira sa sinabi ni Ashton kaya agad siyang napalingon dito.

"Ako gusto mo?" gulat niyang tanong.

Nakita kong nagulat si Ashton nang ma-realize niya yung sinabi niya. Pero agad itong ngumisi.

"Oo ikaw. Ikaw yung gusto kong inisin sa prom. Umasa ka naman" pagpapatuloy niya at tumawa pa nang mahina.

Binatukan siya ni Semira kaya natawa ito. Napailing na lang ulit ako. Nag-ring na ang bell which means tapos na ang lunch.

"See you later guys" pagpapaalam nila.

Wala yung iba since may kanya kanyang kinukumpletong requirements.

Napag-isipan kong mag-cutting na lamang. First of all, wala naman kaming gagawin dahil pagkompleto na lang sa clearance namin ang kailangan.

Kahit madalas akong mag-cutting ay nauna pa akong makompleto kesa sa kanila.

Kapag kasi magcu-cutting ka, siguraduhin mong kaya mong panindigan. Simple rules.

Naglakad lamang ako papunta sa Forbidden Forest. To my paradise to be specific. Napansin niyo ba na walang nag-text sakin kahapon? You remember that mysterious guy that kept on texting me everyday?

Wala siyang text kahapon. I guess you can say na parang nage-expect ako ng text mula sa kanya kasi parang nasanay na ako to check my phone with a message from him.

Weird. Ano kayang nangyari don.

Umupo na ako sa bench na lagi kong inuupuan at sumandal. I closed my eyes habang nakikinig lang ako ng music mula sa earphones ko that I usually wear. Hindi ako makaka-survive ng isang araw na walang earphones for my music.

May naramdaman akong presence sa tabi ko ngunit di ko dinilat ang mga mata ko. His addictive scent was all too familiar.

Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko at napalingon ako nang may ipinatong siya sa hita ko. Agad nagningning ang mga mata ko sa nakita ko.

"My guitar!" tuwang-tuwa kong sabi at sinuri ang gitara ko kung may sira o gasgas ba ito.

Mabuti naman at wala kung hindi mapapatay ko talaga si Zach.

"Ibabalik mo na?!" umaasa kong sabi.

"Tss. You wish. I'll just let you use it for a while" sabi niya at sumandal din sa bench habang nakaunan ang isang braso niya at pumikit.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon