Chapter 32: Surprise

2.2K 74 3
                                    

Sky's POV

When everyone finally managed to submit their requirements ay napagpasyahan namin na tumambay muna sa isang fight club kinabukasan para maiba naman.

"Di ka naman magaling sa racing eh. Hanggang street fights ka lang" tukso ng isang lalaki habang nandito kami sa fight club. Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko at napatingin sa gawi niya.

"Ako ba hinahamon mo?" nakataas kilay kong tanong habang nakangisi bago ako sumimsim sa hawak kong baso habanh nakangisi. 

Hinawakan ako ni Chris sa balikat at pinanlakihan ng mata na parang sinasabi na manahimik na lang ako. Napabuntong hininga na lang ako at di ko na dapat papansinin yung lalaki nang magsalita ulit siya.

"Bakit? Guilty ka?" mayabang niyang tanong kaya napapikit ako sa inis.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at aalis na sana kami ni Chris sa pwesto na yon nang magsalita nanaman yung gago.

"Yan na yung sikat na Sky? Tsk. Weak naman pala eh. I wonder why everyone is acting like a bunch of puppies in front of you." nakangisi niyang sabi at nagtawanan sila ng mga kaibigan niya.

That's it! Marami na ang nagbago sa akin thanks to my experiences, except for one. My short temper.

Humarap ako sa kanila hinampas ko yung baso ko sa lamesa nila kaya napatalon sila sa gulat. I gave him a sharp glare.

"Wag mo kong pinupuno, mas malala pa ko sa tadhana kung magbiro" malamig kong sabi habang nakatitig sa kanya. I've been wanting to say my favorite line at makahanap na ako ng tyempo.

"Patay" bulong ni Chris.

He chuckled.

"Matatakot na ba ko? Ako si Keith Suarez. Number 1 racer, nationwide. Bakit lalaban ka?" nakangisi niyang sabi at tumayo sa harap ko kaya napaangat ng slight ang ulo ko dahil mas matangkad siya sakin.

I smirked.

***

"Ready!" sigaw nung babaeng kinapos din ng tela ang suot habang may winawagayway na flag at tinuro ang sasakyan ni Keith and he made his engine roar into life.

"Steady!" sigaw niya at ako naman ang nagpatunog ng engine ng sasakyan ko na parang nanghahamon. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela ko habang nakangisi ako.

"Go!" sigaw ng babae at hindi pa siya nakakapikit ay pinaharurot na namin ni Keith ang mga sasakyan namin.

Nagsigawan yung mga audience in excitement dahil ngayon na lang ulit ako nakabalik sa fight club, nagkahamunan pang mag-racing.

Nauuna sakin si Keith kaya mas diniinan ko ang pagtapak sa gas and used my acceleration. Halos mabali na ang kambyo sa lakas ng pag-shift ko.

Bigla kaming nag sharp U-turn kaya umusok yung mga gulong namin. Ngayon pantay na ang mga kotse namin. Hood to hood. The adrenaline rushing in my veins felt euphoric kaya naman mas lalo akong napangisi.

Nilingon ko si Keith at nakita ko siyang nataranta. Sinusubukan niya akong banggain pero nakakaiwas ako at siya ang binabangga ko.

Aba dirty game pala gusto mo ah? What a shame. Magaling pa naman ako dyan.

Bumwelta ako at umikot at sinadya kong tamaan ang trunk niya kaya tumagilid ang pagpapatakbo niya at muntikan pang mawalan ng balance. I chuckled at tinaasan ko pa ang acceleration ko pero magaling siya at nakakapantay pa siya sa akin. Di ko inaasahan na babangain niya ako sa bandang intersection kaya sumalpok ako sa mga halaman. I groaned out of pain when my head hit the wheel. My vision doubled pero agad akong bumalik sa sarili kong huwisyo.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora