Chapter 20: Gang

2.6K 75 0
                                    

Sky's POV

I actually didn't expected what happened with Zafier and my brother. Napadaan lang kasi ako dun sa dulo ng park kasi nga may tinatakbuhan akong mga guards. I accidentally heard yung mga pinag-usapan nila. Nawirduhan rin ako kahit papaano syempre, di pa rin talaga ako sanay sa mga sweet at lovey dovey na actions. Pero aaminin ko nakaramdam ulit ako nung heart disease ko.

Overwhelmed? Sobra. I never thought na gagawin yon ni Zafier. May pagka old fashion din pala ang demonyo, kinda cute. Actually nakakatuwa yung ginawa niya, I really appreciate it. Di biro ang panliligaw kasi pinapakita mong seryoso ka talaga. Tratrabahuhin mo talaga para mapa-oo lang. And the fact na nagpaaalam pa siya kay Shaun made me happy. Heart disease!

Kahapon pa nangyari yon but my heart still won't calm down over it. Siguro dahil sa lahat ng manliligaw ko, siya ang bukod tanging nagpaalam kay Shaun kahit hindi naman kailangan.

Anyway, ngayon ay pumunta akong ice cream shop kasi bigla akong nag-crave ng ice cream okay?!

Pagpasok ko ay agad akong pumunta ng counter to order my ice cream.

"Goodmorning miss. Bibili po ba kayo ng ice cream?" tanong ng kahera.

"Ay hindi, bibili ako ng bahay." sarcastic kong sabi sa kahera na napakamot sa ulo habang nakayuko. Napailing na lang ako.

"Two scoops of bubblegum flavored ice cream" sabi ko nalang at tumango ito at wala pang five minutes ay naiabot niya na sakin yon kaya umalis na ko.

Habang sarap na sarap akong kinakain yung ice cream pauwi ay nakarinig ako ng mga sigaw ng isang batang babae

"Eww! Like don't hawak hawak to me! Help! Tulong! Adik! Let go of ako! I'm gonna make sumbong!" sigaw ng babae kaya napakunot ang noo ko.

The fuck? Conyo?

Agad akong tumakbo kung saan ko narinig yon at napadpad ako sa isang makitid na eskinita na medyo tago at madilim. Typical settings.

"Ang ingay mong bata ka! Di mo ba alam na bawal dumaan dito ha?!" sigaw ng isang lalaki habang pinapalibutan nila ang isang babae na kasing edad lang siguro ni Zafrina. Pati bata pinapatulan. Pathetic.

"Duh syempre I don't alam! Bakit?! Is there signs ba na nakalagay there?! Idiot! Diba no!" sigaw ng babae na pilit kumakawala. Sige, sagot pa nang masampal ka.

"Aba talagang sumasagot ka pa ah!" galit na wika ng isa pang lalaki. I was actually entertained kaya napasandal ako sa dingding habang dinidilaan ang ice cream ko habang nanunuod. It's quite funny.

"Itago niyo muna yang batang yan. Baka espiya. Paparating naman na ang mga kausap natin" saad ng isang member at doon ko lang napansin ang mga naglalakihang trucks na nakaparada malapit sa amin.

Anong laman ng mga trucks? Is there gonna be some sort of transaction?

"Unnie with hawak na ice cream! Tulungan mo me! Please! Ang ugly nila! Help mo ako!" sigaw ng babae na nakatingin na pala sa gawi ko.

"Hoy! Sino ka?! Wag kang makialam dito! Espiya ka rin siguro 'no?!" sigaw ng lalaki na agad lumapit sakin at nagulat ako dahil balak niya sana akong sapakin kaya agad akong umiwas kaya natapon ang isang scoop ng ice cream ko kaya isang scoop na lang ang natira.

My ice cream! Puta kakabili ko lang non! Nananahimik ako dito ah! Agad kumulo ang dugo ko.

"Eh gago ka pala eh!" inis kong sigaw at sinampal ko yung natitirang ice cream na hawak ko sa mukha nung lalaking muntik na akong sapakin. Medyo lumagkit na yung kamay ko dahil literal na sampal na ginawa ko gamit ang ice cream. As in malakas kaya nabasag yung cone niya sa pagmumukha niya.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now