Chapter 8: Guitar Lessons

3.6K 108 4
                                    

Zafier's POV

About what happened with the sophomore kid. Nasabi naman niya lahat bago pa siya mahulog. We helped him in the end. Nakuha ko naman ang gusto ko. Masyado kasing malakas ang loob ng batang yon. Akala mo kung sinong siga. He must be forgetting that I'm the king here. Ayan tuloy. Well at least he learned his lesson now. Naihi pa sa pantalon. Disgusting.

"Zafier! Mukhang bad trip pa rin si Sky" napatingin ako sa gilid si Chris na naka-headband ewan ko ba sa kanya ang hiling mag-headband.

"Ikaw siguro may kagagawan kaya bad trip yung mukha niya" napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay seryosong seryo ang mukha. Tsk. 

"And why the hell would I do that to her?" pagsisinungaling ko, acting all innocent.

"Akala mo hindi ko alam?" Alam ang ano? Hindi kaya sinabi ni Brylle? Bwiset talaga yung lalaking yon. Sa kanya ko kasi inutos na kunin yung gitara. Tsk. Paniguradong sinabi niya yon.

"What the fuck are you talking about?" kunyaring hindi ko alam pero alam kong may kinalaman ito sa pinakamamahal na gitara ni Sky

"Wag ako" sabay irap niya sa akin

"What is it? Why don't you just fucking tell me" pagpupumilit ko sa kanya ang tagal kasi sabihin.

"Kinuha niyo yung gitara ni Sky?" sabi ko na nga ba alam niya, daldal talaga ni Brylle parehas sila ng kapatid niyang si Brent.

"Us? He's the one who took it " umiwas ako ng tingin sa kanya at saka ngumisi.

"Kasama ka na rin dun inutusan mo siya" Damn ano naman sa kanila?

"Fuck off" nakakatamad kausap yung mga taong katulad ni Chris, isip bata.

"Lagot ka nanaman kay Tita" See? lagot daw ako kay Mom, isusumbong niya ako ng parang bata. Seriously now, what's with them and telling stuffs to my mom?

"My parent won't go ape shit mad at me. They've dealt with something far worse than that." sabay ngiti ko sa kanya na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin na parang bata na naagawan ng lollipop. Nakakabobo kausap 'tong si Chris.

"Ewan ko sayo! Kaya mas lalong nagsusungit si Sky eh!" naglakad na siya papalayo sakin dala-dala ang bag niya.

I've always suspected that Chris somehow hit his head when he was baby.

***

Andito ako ngayon sa isang bench nagmumuni-muni hindi ko kasi makita si Sky. Problemado siguro yun ngayon. I did tell her na kinuha ko ang gitara niya. I kinda want to annoy her. She looks so cute when she gets annoyed.

"Zafier! Kamusta?" ngumisi ako kay Shev at nakipag-apir.

"Splendid" napansin kong medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit naman?" umupo siya sa tabi ko at itinabi ang mga gamit na dala niya

"Nainis ko kasi si Sky" masaya kong sabi sa kanya na ikinataas ng kilay niya.

"Ininis mo?" naguguluhan niyang tanong

"Yeah why?" maski ako naguluhan sa tanong niya, ano namang masama dun diba? I only annoyed her, it's not like I mentioned her full name or something.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now