Chapter 13: Bratz

3K 92 3
                                    

Sky's POV

Pagkagising ko una ko agad tinignan ang phone ko, as usual. Wag kayong mag-alala maski ako nagtataka kung bakit ang aga kong nagising.

Pagtingin ko, isang message ang natanggap ko. I'm pretty sure alam niyo na kung galing kanino right? It's from that unknown number in my phone.

From: Unknown

Good morning! Can you be the sun that will light up my world? <3

Napairap ako sa pick up line niya. I should probably be weirded out by him right? Pero hindi. Kung may masamang balak man 'tong nagme-message sakin, well I don't care.

Pag-uwi ko kahapon mula sa condo ni Zafier ay nakatulog agad ako. Ang hirap pala maging katulong. Lalo na kapag ganon pa amo mo. Well at least may carbonara akong napala. Kudos talaga sa cooking skills niya.

Napangisi na lamang ako bago ako tumayo at dumiretso ng banyo para maligo and all.

Nagbihis ako ng black ripped jeans ko, grey top at white sneackers ko.  Sinuot ko ang aking white beanie sinukbit ko ang bag ko at bumaba na ako. Nakita ko si Shaun na tutok na tutok sa laptop niya kaya palihim akong sumilip at napairap ako nang makita kong nagbabasa lang siya online.

Dahan-dahan akong dumaan sa harap niya at mabilis sinara ang laptop niya bago kumaripas ng takbo papunta sa kotse ko.

"Skyyyyyy!" narinig ko pang sigaw niya kaya natawa ako bago ko ini-start yung engine at pinatakbo ko na ang aking sasakyan papuntang EU.

Pagka-park ko napansin kong medyo iwas ang students sakin na nagbubulungan.

Something is not right.

Nadaanan ko ang main laboratory namin at nakita ko nanaman na nagkukumpulan ang mga scientist. As usual. Habang naglalakad ako sa hallway pansin ko pa rin ang mga tingin nila at bulungan. What the fuck is happening now?

Masama talaga kutob ko. Takte ano na naman meron ngayon?

Pagpasok ko sa classroom ay dumating na ang prof at nag-lecture na. Habang nagle-lecture siya ay inaantok na ko kaya papikit pikit na ang mga talukap ng mata ko.

"Huy! Break na!" sabi ni Emma at tinapik ako kaya nabalik ako sa huwisyo.

"Break na? Yun yung status niyo ngayon diba? Break na?" biglang banat ni Semira sabay tawa sa sarili niyang joke slash hugot.

Nagkatinginan kami ni Emma with a bored look. Scratch that. A look of sympathy actually.

"Di ko alam kung magagalit ba ko dito o maaawa eh" naiiling na sabi ni Emma habang nakatingin kami kay Semira na natatawa pa rin.

"Matagal na kong naawa sa kalagayan niya actually. Let's just pray for her" sabi ko while looking at Semira weirdly. Bumuntong hininga kami ni Emma bago niya binatukan si Semira.

"Tara na nga!" sabi niya at kinaladkad na kami. Pumasok na sila sa cafeteria pero dumaan muna ako sa locker ko para ilagay ang gamit ko na hindi na gagamitin.

Ayan nanaman ang mga tinginan at bulungan nila.

Naglakad na ako papasok sa cafeteria pero pagkapasok na pagkapasok ko may bigla akong naramdaman na malamig na bagay na bumuhos sa akin mula sa taas. Napakalamig ng tubig na may kasama pang yelo.

Hindi ako nakapag-react agad dahil sa gulat nang marinig ko ang tawanan ng isang grupo ng mga babae habang tahimik lang ang iba pang nasa cafeteria. I'm Sky. And nobody does bullshit to me.

Natanggal ang beanie ko sa sobrang lakas ng impact ng tubig. I was breathing heavily. Basang basa na ang buong katawan ko and I'm fucking freezing. Nakita ko ang iba taking videos and pictures of me. Mas lalong nag-init ang ulo ko.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now