Chapter 7: Childish Threat

3.8K 102 4
                                    

Zafier's POV

Kinabukasan may pasok nanaman makikita ko ulit si Sky na laging nakasimangot at parang bored na bored sa sinasabi ng teacher sa harap.
The day I spent with her in the amusement park was enough to confirm my thoughts. I guess I do like her.

My curiosity of her only pulled me into a deeper pit of liking her, and honestly? I have no plans of going back up.

"Where's Sky?" tanong ko kay Ashton na abalang-abala sa mga babae na nasa paligid niya.

"Ha? Ewan ko, bakit mo naman tinatanong sa akin eh ang sungit sungit non sakin" umiwas siya ng tingin sa akin para kindatan ang babaeng pinupunasan yung pawis niya. Napailing na lang ako.

Naisipan kong pumunta sa forbidden forest ng EU baka andun si Sky ayun lang kasi ang alam kong tambayan niya.

Sumilip ako sa isang pader at nakita ko ang bench ni Sky kung saan lagi siyang nakaupo pero wala siya,  nasaan na kaya yun? Masyado atang kinilig kahapon.

Kinilig daw sus sinapak ka nga eh

Sabi ng isip ko kaya napangiti na lamang ako ng maalala ko ang reaction niya. Damn. Girls would've jumped in joy and pulled me in for a deeper kiss pero siya sinapak ako.

Dumiretso na lang ako sa room pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko si Sky na nakahalumbaba at nakatingin sa bintana habang nakikinig ng music, balak ko sana siyang lapitan pero alam ko namang ayaw niyang maistorbo so umupo ako sa upuan ko nang may nanghila sa braso ko—

"Hi Zafier! I miss you" maarteng sabi sa akin ni Veronica, hindi ko nga alam kung bakit classmate ko ang isang 'to eh hindi naman siya nababagay para sa section na ito. Star section kumbaga.

Hindi ko nalang siya pinansin pa sa mga pinagsasabi niya, masyado siyang feelingera. I'm used to desperate girls but Veronica is really proving a point.

"Hey! Zafier pansinin mo naman me!" hinihila-hila pa niya ulit yung braso ko.

"Don't touch me" malamig kong sabi at sinamaan ko siya ng tingin kaya umayos siya ng pagkaupo at lumayo sa akin na halatang natakot.

Tumingin ulit ako kay Sky na ngayon ay nakatingin pa rin sa bintana at nakikinig pa rin ng music.

Patuloy sa pagsasalita ang teacher at patuloy din akong nakatingin kay Sky, ni hindi man lang siya tumingin sa akin ng isang beses. Tsk. 

Natapos sa pagsasalita ang teacher,sabay tumunog naman yung bell, nakita kong naunang lumabas si Sky at pumunta sa locker niya. Di niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Sky!" tawag ko rito pero hindi man niya ako nilingon kahit narinig niya ako. I frowned.

"Zach! tingin-tingin mo diyan?" nagulantang ako nang may magsalita sa likuran ko si Brylle na nakangisi

"W-wala lang bakit?" nauutal kong sabi sa kanya, because I was caught off guard.

"Wala ba talaga o sinusundan mo siya?" nginusuan niya si Sky na nilalagay yung gitara sa locker niya

"Tss" tinalukuran ko nalang siya at naglakad papalayo. Why do I fucking easily blush nowadays?

Naglalakad ako ngayon papunta sa cafeteria, diretso akong nakatingin kay Shev habang kumakain

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now