Chapter 15: Announcement

2.9K 95 2
                                    

Sky's POV

Nakakamiss naman yung gitara ko. Dami kasing alam nung Zafier na yon. Nakakasukang isipin na naging alila ako nung demonyo na yon. Nakaharap ako ngayon sa isang bulletin board dahil nagpapasama si Zafier habang ako ang nagdadala ng bag niya, pati yung mga folders na hindi ko maintindihan kung para saan.

Ang saya. Ginawa akong personal butler. Wooh. Saya talaga.

Di ko alam kung anong tinitignan niya kaya nakamasid lang ako sa hagdan na katapat lang namin. As in. Kung saan akyat baba ang mga students ng EU. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

"AHHHH!" sigaw ng isang babae na biglang nahulog mula sa hagdan dahil sa dami ng dala niya kaya natapilok siya.

Napangiwi kaming lahat nang sunod sunod siyang tumama sa hagdan na parang manikang binato pababa. Aray.

Nakita kong napalingon si Zafier dahil sa ingay at tumaas ang kilay niya nang makita ang babae na pagulong gulong sa hagdan.

Sa wakas natapos na ang paghulog niya sa hagdan ang kaso lang ay parang niyakap niya yung sahig  at parang nahalikan pa ata. Alam ko na masama ang pagkabagsak niya. I heard some cracking sounds kaya malamang nabalian siya. Her nose was bleeding and she scraped some of her skin. Nagsikalat ang gamit niya sa sahig.

Nasa mismong tapat siya ni Zafier nakahandusay at hirap na hirap makatayo.

"H-help" nanghihina na sabi nung babae. Ang dami niyang cuts na nakuha at nabalian pa siya ng buto. Aba ikaw kayang mahulog sa pagkataas taas na hagdan. Nakapaligid lang ang mga tao sa amin.

Tutulong sana ang iba pero agad napatigil dahil kay Zafier na nakatayo lang sa harap nito.

Nakayuko si Zafier para matignan yung babaeng nakahandusay sa sahig. Gusto ko sana siyang tulungan kaso dala-dalawa hawak ko at humarang si Zafier kaya akala ko ay siya na ang tutulong.

Inantay kong tutulungan siyang tumayo ni Zafier pero...

"Tsk" tanging sabi niya bago kinuha ang bag niya mula sakin at hinawakan ang wrist ko at kinaladkad na paalis. Hindi ako nakaangal pa maski na ang iba. Lumingon ako to see na lumapit na ang kaibigan nung babae at tinulungan na siya para dalin sa clinic.

Inis akong lumingon kay Zafier.

"Katapat mo na nga di mo man lang tinulungan? Di mo ba nakita yung kalagayan nung babae?" di ko makapaniwalang sabi na parang naiinis. Tinanggal ko na ang pagkahawak niya sa pulso ko.

I know I'm a badass pero may puso pa naman ako. I would still help that girl kung hindi lang ako hinarangan ni Zafier at marami ang dala ko.

He gave me glance with a cold expression on. Ito nanaman yung cold side niya.

"I'm not called a demon for nothing arkhi" seryoso niyang sabi kaya natigilan ako.

He's right. He is a demon after all. Ano pa bang inaasahan ko? I was disappointed with myself dahil naniwala akong kahit na katiting na kabutihan ay meron siya.

"Let's go. Class is about to start" malamig niyang sabi at initsa sa mukha ko ang bag niya bago siya naglakad patungo sa klase namin.

"Tangina. Tangina talaga" inis kong sabi at nag-inhale exhale habang nakapikit nang mariin. May araw ka rin sakin.

"Hey need any help?" tanong ni Shev na mukhang papasok na rin sa klase.

"Oo. Yang magaling mong best friend talagang tinotoo yung strike 4. Ano ba kasing nagawa kong imposible ha?! I don't even know what's my offense!" I exclaimed habang naglalakad kami patungong klase habang hawak niya yung folders.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon